Maurine Antheia's POV"Girl, ano na? Chika na!" Nandito kami ngayon sa kwarto ni Zel at 10 pm na pero mag chichikahan pa kami kaya mamaya na yung tulog hahaha! Buti nga di na ko masyadong awkward sa kanya dahil sa nangyari sa mall nung nakaraan eh.
"Anong chika ba kasi?" Tanong ko sa kanya kasi gusto niya talagang mag kwento ako sa kanya.
"Kamusta kayo ni Izzy?" Tanong niya sakin na ikinalungkot ko. Sa tuwing naiisip ko parin kasi yung sinabi niya, nasasaktan ako pero minsan naman naiinis na din ako. Kasi naman hindi lang yon yung unang beses na sinabi niya yon. Tsaka that time, sinasadya niya.
"Hindi pa kami naguusap. Sa totoo lang, di ako nagalit sa kanya. Nainis, oo. Pero nangingibabaw yung sakit. Hindi niya na nga ako pinagkatiwalaan tapos pinamukha niya pang mang aagaw ako." Bigla akong niyakap ni Zel pagkasabi ko non. I rested my head on her shoulder.
"I understand you. Don't worry, I know na maaayos niyo din yan. But Mau, I have one question and I want an honest answer." Inangat ko yung ulo ko at humiwalay muna sa yakap. Humarap ako sa kanya at tinignan siya habang inaantay yung tanong niya.
"Don't you like Miggy?" Seryosong tanong niya. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Nakakakaba naman kasi yung tanong niya. Bat parang di ako makapagsalita? Bat parang ayaw bumuka ng bibig ko? Aish, magsalita ka nga Mau!
"Ano ka ba, we're best friends." Nakangiting sabi ko. Kasi totoo naman diba? Best friend, ayun lang naman ako diba? Ganon lang kami.
"I just wish you'll both realize your true feelings sooner, before it's too late." Bumulong siya pero di ko narinig.
"Ha ano?" Takang takang tanong ko kasi wala ako naintindihan sa huling sinabi niya e.
"Ah sabi ko buti bati na kayo ni Miggy." Sabi niya at ngumiti. Napangiti din ako. Yeah, para namang matitiis ko yang kakambal mo.
"Kaya nga eh. Pero ang iniisip ko si Izzy. Baka isipin niya—" Di ko na natuloy kasi nagsalita agad si Zel.
"Mau, it's you and Miggy's business. Wag mo siyang isipin pag tungkol sa inyong dalawa lang ni Miggy okay? About Izzy's feelings for Miggy, hindi mo kasalanan yon. Yung sinabi ni Izzy the day before ng christmas ball na baka agawin mo si Miggy sa kanya, wag mo ring isipin yon kasi hindi ka mang aagaw, at hindi sa kanya si Miggy. Wag niyang papakialaman yung friendship niyo ni Miggy at wag na rin nating pakialam sina Izzy at Miggy, hayaan nating si Izzy mismo magsabi ng feelings niya kay Miggy ng harapan. At ikaw, alam kong you're one of the important persons that Miggy treasures." Napangiti at napatango nalang ako sa sinabi ni Zel. Grabe, parehas silang makulit ni Zepp pero parehas din silang magsalita kapag seryosong usapan.
"Oh wait, Izzy's calling, wag ka maingay. Let's just listen sa sasabihin niya. Pag ku-kuwentuhan ko rin ang gaga para alam natin both sides ng story niyo okay?" Tumango nalang ako.
I just hope she'll say something na makakapagpagaan sa loob ko. Ayoko ng ganito kami.
•
Zepp Miguel's POV
It's passed 10 pm already nang bigla akong magutom. Makababa nga muna para makakuha ng pagkain. Tulog na kaya si Antheia? Tss. Napadaan ako ng kwarto ni Zel at di nakasara ng maayos yung pinto. Isasara ko sana but I heard them talking about something serious. Wala naman akong balak makinig nung una pero napatigil ako.
BINABASA MO ANG
Definitely My Happy Pill
Teen FictionLove or Friendship? But what if you found both love and friendship in one person? Will you choose one? Or both? [TagLish] [On-Going]