_Chapter 5_
"Stalk"
_Raven's POV_Pagkauwi na pagkauwi ko ay binuksan ko kaagad ang computer ko. Nag online ako sa Facebook at sinearch ang pangalan ni kupal este ni Troy.
"Troy Stanford" bulong ko habang hinahanap ang pangalan nya. "Aha!" Nasabi ko nang matagpuan ko ito. Agad ko syang ini-stalk at nanlaki ang mata ko nang makita ang profile nya.
Topless sya at nag mirror shot. Naka B&W filter kaya ang hot tignan. Nanlaki ang mata ko sa reacts ng Profile nya. 7k reacts kahit kakapalit lang kahapon. Amazing! Napatingin akong muli sa profile nya at Agad akong napapikit ng mariin at iniscroll kahit hindi ko nakikita. Pagdilat ko ay tumambad saakin ang Bio nya at napataas ang kilay ko dahil feeling ko, ako ang pinapatamaan nito.
'Watch where you're going 'coz you might bump on my Abs. Tss'
Umirap ako sa hangin at nag scroll pa ulit. Puro sya shared post at nakakagulat na 1k plus ang nagrereact sa Shared post nya kahit 2minutes ago palang. Like, wtf?! Eh yung saakin, 2minutes ago tapos 15 reacts palang?! Tss. Famous palang tong hinayupak na to?! Kaya pala ang daming nagpapapansin. Tss.
Binalik ko na ulit sa home yung fb ko at 4messages ang unread. Isa isa ko itong binuksan.
Dianna Casipe: Hey, Ravs! Tapos mo na yung assignment natin?
Raven Gonzales: Almost done ^___^
Binuksan ko yung isa pa.
Rassel John Condez: hon, I'll call you later. Wait for it. Hehehe
Raven Gonzales: yes boss!
Then yung isa.
Tyler Stanford: hey! Thank you for coming on my party. Pagpasensyahan mo na si Troy dahil pilyo yun. Hihi.
Raven Gonzales: It's okay. Thank you very much for inviting us. Happy birthday ulit!
And the last one was unbelievable. I was like, woah! Nakaka shock!
Troy Stanford: accept my friend request crazy girl
Raven Gonzales: why would I?
Troy Stanford: because I said so. Ano palag?
Raven Gonzales: whatever.
Chineck ko ang friend request ko at nakita ko ngang naka flash sa screen ang pangalan nya. Nag aalinlangan man ako ay inaccept ko yun at bumuntong hininga.
'Wala naman mawawala kung Iaccept ko yung request nya. Diba?' Nasabi ko nalang sa isip ko. Maya maya lang ay nakaramdam ako ng gutom pero wala akong paki sa gutom ko dahil tumunog yung cellphone ko. Hahaha.
Maya maya lang ay biglang may nagpop na 1 dun sa messenger at agad ko itong tinignan. Napakunot ang noo ko nang makitang si Troy ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/217783393-288-k777297.jpg)
BINABASA MO ANG
Teenage Life [COMPLETED]
Любовные романыRaven Gonzales is a Normal Teenager that studies at Winst Academy. She has a Boyfriend, Rassel James Cortez, and they broke up when Raven caught him kissing another girl. Then, Raven met Troy Stanford when they bumped at each other on the Stairs and...