_Chapter 19_
"Courtship"
_Troy's POV_"U-Uuwi na po tayo?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Tita Rachelle at tito Albert. Narito kami sa loob ng room nila Raven. Binantayan kasi nina tito at tita si Raven buong gabi. Tulog pa si Raven sa ngayon pero nagising sya kaninang madaling araw para maligo at magpalit ng damit pang lakad dahil ready na daw syang pumunta sa Nami Island. Pero di nagtagal ay muli itong nakatulog.
"Oo, hijo. Nakakalungkot man ngunit kailangan na talaga nating umuwi. Dapat ay kami lang ni Rachelle ang uuwi dahil may business kaming aasikasuhin pero dahil sa nangyari kagabi ay dapat siguro pati kayo ay umuwi narin" malungkot na saad ni Tito Robert. Napayuko naman ako at mahinang bumuntong hininga.
"Anong uuwi? Bakit uuwi? Hindi ko pa nga natutungtong yung Nami Island eh"wika ni Raven na naka upo na pala sa kaniyang kama. "Anak, sa nangyari sayo, alam naming kailangan mo ng pahinga dahil baka natrauma ka" sabi ni Tita Rachelle at nilapitan si Raven. "Mom, ako? Mato-trauma? Sus! Ang tapang tapang ko kaya! Natuhod ko pa nga sa bayag yung lalaki na yun eh" sabi ni Raven at nag cross arms. Ngumuso pa ito at nag iwas ng tingin.
Pinigilan kong hindi matawa sa ka-childishan nya ngunit kumawala sa bibig ko ang isang mahinang bungisngis. "Naku! Ikaw talagang bata ka!" Sabi ni Tita Rachelle at mahinang binatukan si Raven. Tumawa lang si Raven kaya nahawa nadin si Tita at Tito. "Ang ibig mo bang sabihin ay magpapa iwan ka rito sa Korea kasama ang mga kaibigan mo?" Tanong ni Tito.
"Ganon na nga po. Gusto ko po kasing maranasang maglakad sa mga kakaibang uri ng dahon na hindi makikita sa Pilipinas. Tsaka mom, dad, this is my first time here in korea" Pagpapahayag ni Raven habang nakatitig sa isang painting. Painting ng Nami Island na nakasabit sa dingding ng kanilang kuwarto.
"Oh sya nga pala, maya maya lang ay lilipad na ang eroplano patungong Pinas. Siguraduhin ninyong walang mangyayaring masama sa inyo lalo na sa mga babae." Paalala ni Tito Albert. Tumingin ito saakin. "Ikaw na ang bahala, Troy" lumapit ito saakin at niyakap ako. Ngunit may iba palang purpose yung pagyakap nayun. "Goodluck sa gagawin mo mamaya, hindi mo na kailangan ng aming permiso dahil approve ka na" biro ni tito kaya naman napatawa ako.
"Sige, aalis na kami. Mag iingat kayo anak" sabi ni tita Rachelle at niyakap ang anak. Yumakap din si tito. Napangiti nalang ako nang makita ko ang higpit ng yakap ni Raven sa mga magulang nya. Labis talaga ang pagmamahal nya sa mga ito. Sa mga mata nya palang ay makikita mo na.
Napadako ang paningin ko sa ngiti sa kaniyang mga labi. Isang matamis na ngiti mula sa kanyang kulay rosas at mamasa masang labi. Ang labi nyang gusto kong halikan at—
Napa iwas ako ng tingin at bahagyang kinurot ang sarili mula sa likuran.
'Ano ka ba naman, Troy! Kung ano ano yang naiisip mo'
Umalis na sila tito at tita. Nasa labas sina Dianna, Joyce, Harris, Raicez, Franz, JZ at si kuya Raver. Napalingon ako kay Raven nang marinig ko syang bumungisngis. "B-Bakit?" Utal na tanong ko. Tumingin sya saakin. "Tara na. Alis na tayo" sabi nya at tumayo. Kinuha ko ang maleta nya. Hawak na ng iba ang kanya kanya nilang mga gamit.
"Ako ang hahawak ng sayo" sabi ni Raven at inagaw saakin ang maleta ko. Aagawin ko sana ito pero dinilaan nya lang ako. Napa iling nalang ako. Tingnan natin kung makaganyan ka mamaya kapag nasa Nami Island na tayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/217783393-288-k777297.jpg)
BINABASA MO ANG
Teenage Life [COMPLETED]
RomansaRaven Gonzales is a Normal Teenager that studies at Winst Academy. She has a Boyfriend, Rassel James Cortez, and they broke up when Raven caught him kissing another girl. Then, Raven met Troy Stanford when they bumped at each other on the Stairs and...