_Chapter 2_
"Raicez and Dianna"
_Raven's POV_Nang lumubog na ang araw ay napagpasyahan na naming umuwi. Mas marami nang tao kumpara kanina. Ngayon ko lang nalaman na mas matao pala dito kapag gabi na.
"Let's go home na" Sabi ko at tumango naman sya. Magkahawak kamay kaming naglakad patungo sa kotse at nakikita ko namang nakatingin saamin ang mga tao.
"Grabe ang gwapo ni Kuya"
"Ang ganda din ni Ate. Bagay sila"
"Grabe nakakainggit"
"Ang sweet ni Kuya kay ate oh! Mukhang happy sila together"
Rinig ko pang bulungan ng ilan. "Did you hear that?" Tanong pa ni Rassel. "What?" Takang tanong ko. Hinalikan nya naman ang kamay kong nakahawak sa kamay nya. "Bagay daw tayo" sabi nya. Humagikgik naman ako.
Nang marating namin ang kotse nya ay pinagbuksan nya ako ng pinto. "Thank you" sabi ko at pumasok na sa loob. Pumasok na rin sya.
Nagsimula na syang paandarin ang kotse at pinatugtog ang music Player.
"Hey, have you ever tried
Really reaching out for the other side
I may be climbing on rainbows
But baby, here goes
Dreams, they're for those who sleep
Life is for us to keep
And if you're wondering what this song is leading to
I want to make it with you🎵"Naalala ko nanaman ang kantang yan. Kakaibang kilig ang nararamdaman ko tuwing naririnig ko yan. Pakiramdam ko tuloy ay iyan ang theme song namin ni Rassel.
Tumitig ako sa kanya habang nagmamaneho sya. Nilingon nya naman ako ng nagtataka.
"M-May dumi ba sa mukha ko?" Nauutal na sabi nya. Napahagikgik naman ako. "Wala. I just want to stare at your handsome face. Hehehe" sabi ko. Natawa naman sya ng bahagya.
"Sa tagal nating dalawa ngayon mo lang nalamang gwapo ako?" Natatawang sabi nya. "Hindi naman, pero ngayon, mas narealize ko na maswerte akong magkaroon ng isang mapagmahal, sweet at poging pogi na boyfriend na katulad mo" sabi ko.
Pilit nyang tinago ang ngiti na animong kinikilig. "Wag mo nang itago yung kilig mo, Hon. Namumula ka na oh?" Sabi ko pa sakanya.
"Yeah Right" humahagikgik na sabi nya. Maya maya lang ay nakarating na kami sa bahay. Nakita pa namin si Harris sa Terrace nila at tinaasan pa ako ng kilay na para bang sinasabing, 'Lukaret ka! Gabing gabi na kasama mo pa yang Honeybunch mo! Tse!'
Nginitian ko nalang sya.
"Umm, gusto mo muna bang pumasok sa loob?" Tanong ko. "Wag na hon, gabi na din baka nag aalala na si Mom. Tatawagan nalang kita pag uwi ko" sabi nya.
"Okay. Take care. I love you" sabi ko at niyakap sya. "I love you too" sabi nya at hinalikan ako sa noo. "Pumasok ka na. Aalis ako pag nasigurado kong nakapasok ka na" dugtong nya pa kaya naman kumalas na ako sa pagkakayakap at tumango.
![](https://img.wattpad.com/cover/217783393-288-k777297.jpg)
BINABASA MO ANG
Teenage Life [COMPLETED]
RomansaRaven Gonzales is a Normal Teenager that studies at Winst Academy. She has a Boyfriend, Rassel James Cortez, and they broke up when Raven caught him kissing another girl. Then, Raven met Troy Stanford when they bumped at each other on the Stairs and...