Chapter Seven: Unexpected Betrayal

13 5 1
                                    

_Chapter 7_
"Unexpected Betrayal"
_Raven's POV_



Kahapon pa kami nag usap ni kuya. Ang laki ng naitulong ng advice nya kaya naman laking pasalamat ko sakanya.



Bago ako pumasok ay nagtext muna ako kay Rassel. Habang nagdadrive ay ikinulat ko ang biglang pagring ng Cellphone ko. May parte sa dibdib ko na hinihiling na si Rassel ang tumatawag. Nagmamadali kong sinilip ang screen pero ganon nalang ang pagkadismaya ko nang makita kung sino ito. Si Troy.



d-.-b



Sinagot ko ang tawag nya.



"Napatawag ka?" Agad na bungad ko sa kanya.



[Yayayain lang sana kita mamaya sa Lunch] nakaconnect ang cellphone ko sa kotse kaya naman nabalot ng boses nya ang buong kotse ko.



"Bakit?" Bagot na bagot kong tanong.



[Nag aaya kasi si Kuya. Sabi nya ay tawagan daw kita. Sabay sabay daw tayong maglunch kasama ang Boyfriend mo] diniinan nyang muli ang salitang boyfriend. Napairap nalang ako kahit hindi nya nakikita.



"I'll ask him first. Itetext ko nalang si kuya mo"



[ako nalang ang itext mo]



"Si kuya mo nalang"



[ako nalang sabi eh. Busy si kuya]



"Ah basta. Si kuya mo ang itetext ko. Tapos ang usapan"



[tss. Okay. Fine. See you]



"Okay" tanging sabi ko at ibinaba ang linya.



Ano nanaman kaya ang pag uusapan namin? Tss.



Pagkarating ko sa school ay bored na bored akong umakyat sa Room. Pagbungad ko sa pintuan ay nakita ko si Rassel na ngingiti ngiting nakatingin sa cellphone nya.



'Tss. Tutok na tutok sa cellphone pero ni hindi manlang ako nireplyan'



Hindi ko ipinaalam na pumasok ako. Nasa likuran kasi ang pintuan kaya naman hindi nila ako napansin dahil lahat sila ay nakaharap sa blackbored habang may sarisariling ginagawa.



Tumayo ako sa likuran ni Rassel at tiningnan ang ginagawa nya.



'Kita tayo mamaya. Bye. ^_^'



Nangunot ang noo ko sa text nyang yon sa isang unknown number.



"Sino yan? Mukhang abalang abala ka ah" sabi ko at diniinan ang abalang abala. Napalingon sya saakin at napalunok.



"K-Kanina ka pa dyan, H-Hon?" Tanong nya, kinakabahan.



"Kararating ko lang" sabi ko at pilit na ngumiti. "Sino yan?" Kumpronta ko sakanya sabay upo sa tabi nya. Nangulum-baba ako at humarap sakanya.



Teenage Life [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon