Chapter Seventeen: Birthday Surprise

8 3 0
                                    

_Chapter 17_
"Birthday Surprise"
_Troy's POV_

A/N: yung mga parts po sa Jeju Island ay fiction nalang yung mismong lugar. Hindi ko alam itsura ng Jeju.

Pagkasundo ko kay Tita Kahapon ay pinag usapan na namin ang plano. Sobrang galing magplano ni Kuya Raver ng mga Surprises. Abangan nyo nalang mamaya kung ano yun.



Maaga palang ay nagpunta na kami dito sa Jeju Island para hintayin si Joyce at Raven. Lahat kami ay nandito na pwera lang sakanilang dalawa. Sa ngayon ay tulog pa si Raven, pero mamaya paggising nya, magugulat nalang sya bigla. BWAHAHAHHA.



_Raven's POV_



"Raven gising!" Tarantang sigaw ni Joyce habang niyuyugyog ako. "Bakit?" Tanong ko sakanya habang naka pikit parin ang mata.



"Iniwan nila tayong dalawa dito sa Korea! Nasa Pinas na sila!" Pagkasabi nya nun ay napabalikwas ako ng tayo. "Ano!?" Sigaw ko. "Nagtext saakin si Troy. Sabi nya, bumalik na daw sila sa Pilipinas tapos isinabit nila sa isang puno sa Jeju Island yung passport natin! Jusko!" Sabi ni Joyce at umupo sa tabi habang takip takip ang mukha.



Agad akong tumayo. "Anong oras na?" Aligaga kong tanong. "11:30am" sabi nya. "Maligo ka na pupunta tayo sa Jeju" kumaripas ako ng takbo patungo sa Banyo upang maligo. Mabilis akong nagbihis at hinintay si Joyce. Pagkatapos nya ay agad ko syang hinila palabas ng hotel para sumakay ng taxi papuntang Jeju. Matagal tagal pa ang byahe namin. Jusko! Ano ba namang trip nitong Sila Troy at iniwan pa kaming dalawa! Tangina humanda sila saakin pag uwi namin ng Pilipinas.



Jeju Island, South Korea;

"Girl dito muna tayo maghanap" hinila ako ni Joyce sa isang parte na mapuno

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





"Girl dito muna tayo maghanap" hinila ako ni Joyce sa isang parte na mapuno. Ang ganda!!!Naglilibot ako ng tingin sa mga puno. Ang tataas ng puno! Paano namin yun maaabot. Habang aligaga sa paghahanap ay nagulat ako bigla nang may pumutok na confetti. Napatingin ako rito at natulala nang makita sila Troy, at ang... PAMILYA KO!



"Happy Birthday, Raven!" Sigaw nila. Bigla namang may tumugtog na kanta. Maluha luha akong tumingin sakanila. "My Gosh" bulong ko at nagpunas ng luha. Niyakap ako ni Joyce at naramdaman kong niyakap din ako ng marami. "Thank you" sabi ko at niyakap sila. "Oh, party party na!" Sigaw ni Troy at tumugtog naman ang malakas na beat at nagwala silang lahat. Ngayon ko lang napansin na walang tao dito sa buong Part na ito. Inarkila nila ito!?



Sumayaw ako pero hindi ko napansin yung bato kaya muntik na akong madapa nang nay biglang sumalo saakin. Napatingin ako sa kanya at napatitig sa mga mata nya. Troy...



"YIIIEEEEEEE!" Sigaw nilang lahat at nagpatugtog ng kanta na pang ballroom dance. Ngumiti si Troy at itinayo ako. "May I have this dance?" Sabi ni Troy at inilahad ang kamay nya. Pasimple akong ngumiti at tinanggap ang kamay nya. Hindi ko narin maitago ang kilig lalo na at napaka lapit nya saakin. Sumasayaw kami sa saliw ng tugtog at nakabilog silang lahat saaming dalawa.



Teenage Life [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon