_Chapter 16_
"Innocent Eyes"
_Raven's POV_Pagkabalik na pagkabalik namin sa Hotel ay agad akong nagdive sa Higaan ko. Nakadapa kong hinubad ang jacket ko at itinapon na lamang sa kung saan. Sobrang nakaka pagod talaga yung gala na yun. Ewan ko pero dalawa palang naman ang napupuntahan namin pero sobrang pagod na pagod talaga ako.
"Raven, tara na magdidinner na" pagyayaya saakin ni Dianna na tinatapik tapik ang binti ko. "I'm not gonna eat. I'm on a diet" sabi ko at ipinikit ang mata para matulog. Wala na namang choice si Dianna at Joyce kaya umalis na sila.
KINABUKASAN...
"Raven gisinggg! Maligo ka na!" Excited na paggising saakin ni Joyce. "Bakit? Anong meron?" Tanong ko habang inaantok at nakapikit pa. "Concert Ngayon ng BTS!" Sigaw nila ni Dianna kaya agad akong napagising. "Nakaligo na kayo?!" Taranta kong tanong. Nakita kong naka ayos na sila at nag lalagay na lang ng mga Kolorete sa katawan.
"Fvck!" Sabi ko at dali daling tumakbo sa Bathroom para maligo. Matapos kong maligo ay nagdamit ako ng Crop top at Jeans. Naka Nike ako na Sapatos at naglagay din ako ng Clip sa Buhok ko para cute. Nagface powder na ako at nagmake up saka palang kumain ng almusal. "Nakabihis na kaya yung boys?" Bulong ko sa sarili ko. "Girls puntahan ko lang yung boys ah? Icheck ko kung ready na sila" sabi ko. Tumango naman silang dalawa.
Dali dali akong pumunta sa Hotel Room ng boys. Ang saya siguro ni Harris dun dahil may kasama syang mga gwapong lalaki sa iisang kwarto lang. Psh. Manyak pa naman yun.
*TOK*TOK*
Pagkakatok ko ay walang sumagot. Sinubukan kong pihitin ang seradula at hindi ito naka lock. Pagkabukas ko ng pinto ay isang kagimbal gimbal na pangyayari ang aking nasaksihan.
Nagbibihis. Yung. Boys!!!!
May mga tuwalyang nagtatakip sa bagay na nasa pagitan ng kanilang mga hita. WTF si Harris!? 6 pack abs!? Mukhang lalaki kapag wetlook!? WTFFFFFF! Si Troy!? May 8 pack abs!? Akala ko ba 8 pack abs doesn't exist!?
'Forgive me lord for I have sined' pagdarasal ko sa aking isip.
"WAAAHHHHH!" Sigaw ko at nagtakip ng mata. "Raven!?" Hiyaw nilang lahat. Nakatakip parin ang mga mata ko. "Kaloka ka teh" sabi ni Harris. "S-Sorry. I'm just checking kung ready na kayo at ito yung bumungad! My God! My Innocent Eyes!" Sabi ko. "Babalik na ako sa Room namin. P-Pumunta nalang kayo dun" sabi ko at dali daling nagtatakbo pabalik sa Room namin.
"Oh? Humahangos ka?" Sabi saakin ni Dianna. Pilit akong ngumiti. "K-Kasi ano. S-Sabi nila pupunta nalang daw sila dito. Bilisan ko daw bumalik kasi baka ano eh..." humingal na sabi ko. Shocks wala akong maisip na excuse!
"Ano?" Naguguluhang tanong ni Joyce. "Ah basta. Ayusin nyo na yung mga gamit na dadalhin nyo" sabi ko nalang at kinuha ang Louis Vuitton Black Sling Bag ko na may Golden Chain na hindi ko sure kung Gold talaga. Baka scam yung nagbenta sakin online. Char!
Maya maya lang ay dumating na yung boys. Mukha silang mga koreano. Pwera lang kay Harris na naka pormang Vice Ganda. Wig nalang kulang. Sayang tong baklang to. Hindi maipapamana yung magandang Lahi.
BINABASA MO ANG
Teenage Life [COMPLETED]
RomansaRaven Gonzales is a Normal Teenager that studies at Winst Academy. She has a Boyfriend, Rassel James Cortez, and they broke up when Raven caught him kissing another girl. Then, Raven met Troy Stanford when they bumped at each other on the Stairs and...