_Chapter 14_
"Same Feelings?"
_Raven's POV_Nakapikit ako, pero gising na gising yung diwa ko. I hear everything. Hindi kasi ako makatulog kaya pumikit nalang ako.
"Oh mga Hijo? Maupo kayo" rinig kong sabi ni Daddy. Sino kaya yung dumating?
Maya maya'y naramdaman kong may tumabi saakin.
"Ravs, gising ka na ah? Tutulungan pa natin si JZ na ligawan si Joyce" natatawang sabi nung lalaki. Is this Troy!?
"Gising ka na, Raven. Hindi pa ako nakaka amin sayo eh" ano naman kayang aaminin nito? WTF!? Baka aaminin nyang bakla sya!
"Hindi ko pa naaamin sayo na mahal kita. Since the first day that I've met you, I felt something in my heart that no one can Answer what. I... I felt that Spark thing that My mom told me. Na kapag daw nafeel mo yung Spark, That means that girl is meant for you. Kaya gising ka na ah? I... I love you" naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko at muntik na akong mapa igtad nang halikan nya ito. WTF nanginginig ako!
Nararamdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang may kung anong gumagalaw sa tiyan ko na hindi ko maiexplain.
Wtf!!!
Wala na akong nararamdamang presensya ng kung sino sa gilid ko kaya naman bahagya kong iminulat ang mata ko para makita kung wala talaga.
Nang makita kong wala ay nilibot ko ang tingin ko at nakita kong tulog na si mom and dad pati si kuya. Napahawak ako sa noo ko. Pinagpapawisan ako!
Actually, okay na ako, my stomach still hurts but I'm already fine. "Mahal... nya ako?" Mahina kong sabi. Tumingin ako sa kamay kong hinalikan nya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Napangiti nalang ako bigla. "Mahal nya ako" masaya kong bulong.
Bakit ako masaya? Kase... mahal ko din sya. Yup. You read it right. I realized it when...
~FLASHBACK~
"Girl. Bakit ang bilis mo naman yatang maka move on kay Rassel?" Tanong saakin ni Harris. Nandito kami sa damuhan sa bahay nila. Gabi nadin pero naisipan naming mag late night talk.
"I don't know. Baka ganun lang talaga" sabi ko at humiga sa damo. Dumapa naman sya at nangulumbaba at as usual, maarte parin ang dating.
"Or maybe, your heart is accepting someone new" sabi nya at ngumisi pa. Bat ba ang pogi ng baklang to? Sayang. Kung hindi lang to bakla ay baka maraming babae ang nahuhumaling dito.
"Sus. New one? It's been only 2 months since we broke up, Harris. Hindi ganun kadaling magmahal ng bago" natatawa kong sabi habang nakatingin sa langit.
Tumawa naman sya. "You know girl, may napapansin ako sa inyo ni Troy. Parang super close naman yata kayo" nakangiti nyang sabi at iginalaw galaw ang mga paa.
"We're friends" sabi ko at umirap.
"Friends nga lang ba? O baka naman May nararamdaman ka na para sakanya?" Muling tanong nya. Napa isip naman ako.

BINABASA MO ANG
Teenage Life [COMPLETED]
RomansaRaven Gonzales is a Normal Teenager that studies at Winst Academy. She has a Boyfriend, Rassel James Cortez, and they broke up when Raven caught him kissing another girl. Then, Raven met Troy Stanford when they bumped at each other on the Stairs and...