_Chapter 24_
"The Last Chapter"
_Raven's POV_7 Years Later...
Pitong taon na ang nakalipas. Naka graduate na kami ng College. Nakahanap ng magandang trabaho, Nakapundar ng sariling bahay and lastly, hindi na kami teenagers. I am now 25 years old. Seventh year anniversary namin ngayon ni Troy. And guess what? Ngayon din ang araw ng aming kasal. Masyado pang maaga pero atat na si Troy na magka anak na kami.
And my mom and dad always says, "Wear a wedding ring before sex, not condom"
"Sweetie, are you ready?" Napalingon ako kay mom na nasa kaliwa ko at nakakapit sa braso ko. "Yes I am" nakangiti kong sabi. "Dati isang batang sanggol ka palang na tinuturuan palang naming maglakad at magsalita, pero ngayon, nakatayo na tayo sa harap ng simbahan habang nakasuot ka ng puting gown at nakataklob ng puting belo saka may hawak na bulaklak. Ikakasal ka na bunso" mangiyak ngiyak na sabi ni Dad. Natawa naman kami ni mom. Mas emosyonal pa sya kay mom.
"Dad, be strong. Bubuksan na yung pintuan mamaya" sabi ko. Ngumiti naman sya at niyakap ako. Maya maya lang ay sinenyasan kami nung nag ayos ng lahat sa kasal namin ni Troy na bubuksan na daw ang pinto.
Narinig ko na ang piano at yung kumakanta. Nakangiti akong naglakad sa altar habang ang lahat ng tao ay nakatayo at nakangiting nakatingin saakin. Nakita ko sa Harap si Kuya, si Raicez, si JZ, si Franz, si Harris, si Rassel at higit sa lahat, si Troy.
Lumuluha sya habang nakangiti saakin. Nakangiti ko din syang tinignan. Nagkamay na si Dad at tito Leonard at nagbeso naman si Tita Trixy at si Mom. Nginitian ko ang mga kaibigan ko, pati si Rassel na tinanguan si Troy. Kinuha ni Troy ang kamay ko at iniharap ako sa altar.
"You look so Beautiful, Love" nakangiti nyang sabi. Bumungisngis naman ako. "And you look so Handsome, Love" sabi ko. Nagdaos ang seremonyas at hindi nawala ang ngiti sa aking labi. At Last, kasal na kami ni Troy.
"You may now kiss the Bride" sabi ng pari at inilahad ang kamay, sinesenyas na pwede nang alisin ni Troy ang belo na nakataklob saakin at hinalikan ako sa harap ng maraming tao. Nagpalakpakan naman sila.
Matapos ang picture picture ay isinakay na ako ni Troy sa Kotse, in a bridal way. Sa restaurant ni kuya Tyler at ng asawa nya yung reception.
Pagdating namin ay nagkanya kanya na kami ni Troy ng pakikipag usap. Nagpunta sya dun sa mga kaklase nya nung Junior High School. At ako naman, sa mga kaibigan namin.
"I'm so Happy for you Girl!" Sabi ni Joyce at niyakap ako. Kasunod nya ang iba pa naming kaibigan. "Thank you!" Niyakap ko silang lahat.
"Nako nako. Legal na kayo kaya pwede nang mag ano HAHAHAHA- aray!" Agad kong piningot si Raicez. "Ambastos mo!" Suway ko sakanya.
"Guys di daw makakapunta si Noah, nasa Palawan pa sya eh" sabi ni Harris. Who's Noah? Harris' Boyfriend. Oh diba may boyfriend na si bakla. "Si Ashley din eh. May trabaho sya ngayon" malungkot na saad ni Rassel. Ashley is his Girlfriend. Last year lang naging sila. Lawyer daw si Ashley. Kaklase pala sya ni Jeyanna. Nagpaalam pa nga saakin si Rassel bago nya ligawan si Ash eh. Naku bakit sakin sya nagpapa alam. Nanay nya ba ako.
"Congrats sainyo" sabay na bati ni Franz at Jeyanna at niyakap ako. BTW, sila na. 5 years palang sila dahil halos isang taon na nanligaw si Franz. "Salamat!" Pasasalamat ko. "Nako kapag nagka anak kayo, Ninong at ninang kaming lahat ah" sabi ni Dianna. I chuckled. "Aba oo naman, syempre. Kayo pa ba?"
"Bantayan mong maigi yang si Troy. Nako wag hahayaan mangbabae" natatawang sabi ni Raicez. "Aba makakatikim sya ng uppercut saakin kapag nambabae sya nako" matapang kong sabi. "Congrats Raven!" Napalingon ako sa aking likuran at nagulat pa ako nang bigla akong yakapin ni Ate Coline. "Thank you ate Coline" kasunod nya si kuya na ngayon ay umakbay sakanya. Maya maya ay lumapit saamin si Troy.
"Oh ate Coline, ang laki na ng tiyan mo ha. Congrats sa magiging baby nyo. Kasing gwapo yan ni tito Albert kapag lalaki. Kasing ganda mo naman kapag babae" sabi ni Troy at hinawakan ang tiyan ni Ate Coline. She's 6 months pregnant. Kasal nadin sila ni kuya last last year.
"Kasing gwapo ko. Hindi ni Dad" masungit na sabi ni Kuya at sinamaan ng tingin si Troy. "Nako sana nga kasing gwapo ni Tito-dad" natatawang sabi ni ate Coline. Nagtawanan naman kami.
Matapos ang reception ay isinakay na ako ni Troy sa kotse namin. Si Rassel ang kinuha naming engineer para sa bahay namin. Sya ang nagrequest na sya daw ang kuning engineer eh.
"Mamayang gabi, gagawa na tayo ng baby" pilyo nyang sabi. Hinampas ko naman ang braso nya.
"Kahit kailan talaga napaka pilyo mo!" Natatawa ko ding sabi. Pinagsalikop nya ang mga kamay namin habang ang isa nyang kamay ay nakahawak sa manibela.
"I love you, Raven" sabi nya at hinalikan ang likod ng palad ko. Ngumiti naman ako at nag init ang pisngi. "I love you too, Troy" sabi ko at binigyan sya ng isang mabilisang halik sa pisngi.
Dati pangarap ko lang ito. Pangarap ko lang na ikasal kami ni Troy at bumuo ng isang pamilya. Pero ngayon, mukhang magkakatotoo na. We are now Happily Wedded. At mamaya daw bubuo na kami. Naiisip ko palang ngayon ay natatawa na ako. Grabe talaga. Napaka pilyo nya.
To be Continued...
Hindi pa ito tapos! Read the Epilogue First. Hikhok. Kung naka abot ka dito at binabasa mo ito. Maraming maraming thank you :>
-Ms_Hasper

BINABASA MO ANG
Teenage Life [COMPLETED]
RomanceRaven Gonzales is a Normal Teenager that studies at Winst Academy. She has a Boyfriend, Rassel James Cortez, and they broke up when Raven caught him kissing another girl. Then, Raven met Troy Stanford when they bumped at each other on the Stairs and...