Chapter Twenty: Harana ulit?

7 3 0
                                    

_Chapter 20_
"Harana Ulit?"
_Raven's POV_

Hindi parin ako mapakali simula nang mangyari yun sa Nami Island. Kasalukuyan kaming nasa Hotel ngayon. Maaga kaming umuwi at maagang kumain ng dinner. Nanonood kami ng K-drama ngayon dito sa kwarto naming mga girls. Let's fight ghost ang palabas. Nakahiga sa kama si Raicez at Dianna, si JZ naman ay nakaupo sa Sofa habang nakahiga sa hita nya si Joyce. Si Harris, si Franz at si Troy ay nakaupo sa tabi ng kama. Habang ako ay nasa harap ng TV katabi si Kuya.



"Hoy" tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan nang marinig ko ang boses ni kuya na halatang may galit sa tono. "B-Bakit, P-Panget?" Nauutal na tanong ko at pilit na ngumiti. Malamig pero tumutulo ang pawis sa noo ko. Nakita nya kaya kanina!? Paktay na!



"Nakita ko yun" sabi nya at masamang nakatitig saakin. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Kinakabahan ako. Nakita nya nga yata!



"A-a-Ang Alin?" Nagmamaang mangang sagot ko. Pinanliitan nya ako ng mata. "Akala mo hindi ko nakita yun ah" sabi nya at pinagkunutan ako ng noo. Lagot si Troy kay kuya kapag nalaman nya yun. Pakshet na malupet kasi si Troy eh.



"A-Ang alin nga kasi?!" Kunwaring inis na tanong ko. "Akala mo hindi ko nakitang kinuha mo yung Tatlong Lata ng Pringles sa Bag ko! Pati yung Soju kinuha mo pa letche ka!" Sabi nya at pinitik ang noo ko. Napahawak ako sa noo ko. "Aray naman kuya may pimple ako dyan!" Inis kong sabi.



Nangumit nga pala ako kanina sakanya. Hihihi. Nakita nya pala yun. Buti hindi nya nakita yung kay Troy.



"Tapos may isa pa akong nakita!" Muling sabi ni kuya. Nagpanic naman ang mga kung ano ano sa utak ko. (Inside out ang peg) manahimik ka nga Miss Author. Kita mong kinakabahan ako dito eh(paki ko? Patayin kita dyan eh. Keyboard lang pangpatay ko sayo) edi gawin mo. As if naman na kaya mo. Bleehhh.



Maya maya ay may UFO na biglang dumating. Bumaba yung mga alien at kinuha nila si Raven tapos ibinagsak mula sa 1000 ft. na taas. The End...



UWAAAAA JOKE LANG NAMAN MISS AUTHOR EH. buhayin mo na ulit ako.



(Psh. Kala mo ha. Ano palag ka pa!?) hehehe hindi na po master.



So iyon na nga... napalunok ako sa kaba. "A-Ano naman yung isa pa?" Tanong ko at napaiwas ng tingin at niyakap ang mga binti ko.



"Nakita kong hina..." hina-likan!? Jusko Lord wag naman po sana. "Hinawakan mo yung Libro ko na DNHMSL 1 and 2! Alam mo bang hinawakan yon ni Sicario!? Ako lang ang pwedeng humawak non!" Bulyaw nya at binatukan ako. Aba aba nakakadalawa na to ah.



Binatukan ko sya pabalik. "Eh paanong hindi ko hahawakan yung libro eh nakita kong nakalagay lang sa kama mo!? Inilagay ko na nga sa Bag mo choosy ka pa. Tse" sabi ko sakanya at ibinaling ang tingin sa TV.



Two Days Later...



Hays. Malungkot man ay sabay sabay kaming nag ayos ng kanya kanya naming mga gamit. Uuwi na kami ngayon. Sa isang araw kasi ay may pasok na. Masaya padin naman dahil sa dalawang araw na nag daan, nakapunta kami sa Temple Bulguksa na nasa Gyeongju, South Korea. Ang cute kapag nakasuot ng Hanbok. Hihihi.

 Hihihi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Teenage Life [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon