_Chapter 6_
"Misunderstanding"
_Raven's POV_Nang maglunchbreak ay inaya na ako ni Rassel na kumain. Umiling naman ako.
"Hindi ako makakasabay sainyo" sabi ko at nagtaka naman sila.
"Huh? Why?" Nalilitong tanong ni Rassel. Naguguluhan silang tumingin saakin.
"Sa library ako kakain. Gagawin ko pa kasi yung activity kanina sa Chemistry na hindi ko natapos. Eat well. I love you" pagsisinungaling ko at niyakap sya. Hindi naman sya yumakap pabalik.
"But hon. You need some break. Hanggang bukas pa naman ang deadline diba?" Kunot noong tanong nya saakin.
Bumuntong hininga ako at hinawakan ang kamay nya. "Hon. Marami tong activity na ipinagawa ni maam kaya hindi ko kakayanin to ng sandalian lang"
"Samahan na kita"
"Wag na. Sa kanila ka nalang sumabay" turo ko sa mga kaibigan namin.
"But—"
"Hon" putol ko sa sinasabi nya. Bumuntong hininga nalang sya at binitawan ang kamay ko.
"Yeah right. Sige na hindi na kita pipilitin kung ayaw mo. Halata namang ayaw mo kong kasama eh. Eat well. Bye" sabi nya at dirediretsong umalis. Iniwan na nya ang mga kaibigan namin.
"Hala ghorl. LQ?" Tanong saakin ni Harris. "Sige na mauna na ako. Doon na ako sa cafeteria ng juniors oorder ng kakainin ko for lunch. Tatapusin ko pa kasi tong activity" sabi ko at tumango nalang sila.
I just Lied. Hindi ko pa naman gagawin ngayon tong activity namin dahil kaya ko pa to kahit mamaya nalang sa uwian. Mag aadvance reading lang ulit ako sa Library at duon na din kakain.
Nalungkot ako sa naging reaksyon ni Rassel kanina. Feeling ko tuloy ay ang sama sama kong girlfriend para iwasan sya. Hays. Bakit ba kasi hindi ko kayang pagsabayin ang studies and relationship!
'I'm really sorry honey. But I need to study well for our future. Hindi marunong maki cooperate yung utak ko eh. Tss'
Pagkabukas ko ng glass door ay napunta saakin ang atensyon ng lahat ng nandoon. Naiilang man ay naglakad na ako para pumila.
"Waaahhh! Si ate Ravs! Hi ate!"
"Sya yung jowa ni Kuya Sel diba? Yung pogi sa seniors? ang swerte nya grabe!"
"Swerte din si kuya Rassel kay ate Raven noh! Look at her! Perfect is an understatement for her!"
"Ate Ravs, ang ganda mo!"
Natawa nalang ako sa huling sigaw na yun. Nginitian ko nalang yung mga nakita kong nagbubulungan kanina at napanganga naman sila matapos kong ngumiti. Laahhh? OA?
Nang makaorder ako ng kakainin ko ay dumiretso na ako sa Library na malapit lang naman sa Juniors' Cafeteria. Hinanap ko agad yung tungkol sa accountancy at binasa yon habang naka upo sa isang table at kumakain.

BINABASA MO ANG
Teenage Life [COMPLETED]
RomanceRaven Gonzales is a Normal Teenager that studies at Winst Academy. She has a Boyfriend, Rassel James Cortez, and they broke up when Raven caught him kissing another girl. Then, Raven met Troy Stanford when they bumped at each other on the Stairs and...