_Chapter 13_
"Confession"
_Troy's POV_"Wag kang pipikit" sabi ko kay Raven habang inihihiga sya sa backseat ng kotse nya.
Ayokong mapahamak sya... oo tama kayo. May gusto ako sa kanya. Hindi ko alam kung kailan to nagsimula, pero nagising nalang ako na, hinahanap hanap ko sya, napapangiti ako tuwing makikita ko sya, nalulungkot ako kapag umiiyak sya, naiinis ako kapag may umaaway sakanya. Bigla nalang akong nagiging kumportable tuwing kasama ko sya.
"Sorry. Kasalanan ko to. Hindi ka magkakaganito kung hindi dahil saakin" nangingilid ang luhang sabi ko habang nagmamaneho ng mabilis.
"W-Wala kang k-kasalanan" rinig kong hirap na bulong nya. Pinunasan ko ang luha ko dahil nanlalabo ang mata ko. Baka mabangga pa kami.
Pagkarating namin sa Ospital ay agad syang isinugod sa Emergency Room. Sumusunod kami sa kanya. Nandito na ang mga kaibigan namin at ang parents ni Raven.
"Raven, Anak" umiiyak na sabi ni Tita Rachelle habang tumatakbo. "Dito nalang po kayo" sabi nung nurse.
Naghihintay kami dito sa pintuan. Umiiyak akong sumandal sa pader habang nakaupo. Dumukdok ako sa tuhod ko habang yakap ito.
"Sorry po tita, kasalanan ko po ito" umiiyak na paumanhin ko kay Tita Rachelle. "It's not your fault, Hijo" sabi nya at hinamas ang ulo ko. Mas lalong bumuhos ang luha ko.
"Bro okay ka lang?" Tanong saakin Raicez. "How could I be okay? Kasalanan ko to!" Sabi ko at sinabunutan ang sarili ko.
"Bro hindi mo kasalanan, walang may gusto nito" sabi ni Francis habang tinatapik ang balikat ko. Nagangat ako ng tingin at nakita ko si Harris at Dianna na umiiyak na nakaupo sa upuan sa tabi.
"I swear kapag may nangyaring masama kay Raven, papatayin ko ang babaeng yon. Hayop sya" sabi ko. Tinapik tapik nila ang likuran ko. Alam ni Francis, Raicez at JZ na gusto ko si Raven. Ayaw naming sabihin sa Girls at Gay dahil baka sabihin nila kay Raven.
'Napakatorpe ko. Paano na nya malalaman na gusto ko sya kung mawala sya'
"Aaminin ko na sakanya na gusto ko sya pagkagising na pagkagising nya" bulong ko.
Lumipas ang ilang minuto ay dumating si JZ at Joyce.
"Where is Ravs? Nasan ang kaibigan ko?" Panic na tanong ni Joyce habang lumuluha. Niyakap sya ni JZ.
Maya maya ay lumabas ang doktor. "Doc ano na pong lagay ng anak ko?" Tanong ni Tito Albert.
"She's Critical. Maraming dugo ang nawala sa kanya. Natamaan din ang kidney nya. Kaya kailangan nyang dumaan sa operasyon. All we need is Kidney and Blood Donor."
"Kunin nyo po ang akin" volunteer ni Tito Albert.
"Mine too" sabi ni Kuya Raver. Nag volunteer din si Tita Rachelle, Harris, Raicez, Francis, JZ, at ang iba pa naming kaibigan.
"Kunin nyo po ang akin. Kahit maubos lahat ng dugo at laman ko. Okay lang. Basta umayos ang lagay nya" sabi ko at tumayo. Inassist kami ng nurse sa isang laboratoryo para kuhanan kami ng dugo. Ako ang nakuhang Kidney Donor at si Harris at si Kuya Raver ang Blood Donor. Ihinanda na kami para sa operasyon.
BINABASA MO ANG
Teenage Life [COMPLETED]
Roman d'amourRaven Gonzales is a Normal Teenager that studies at Winst Academy. She has a Boyfriend, Rassel James Cortez, and they broke up when Raven caught him kissing another girl. Then, Raven met Troy Stanford when they bumped at each other on the Stairs and...