Chapter Twenty-Three: Official

10 3 0
                                    

_Chapter 23_
"Official"
_Raven's POV_

"Tinext ko na sila Francis na mamaya na sila umakyat at nagkabati na tayo" sabi ni Rassel na nasa tabi ko ngayon. Nagkwentuhan muna kami hanggat hindi pa sila bumabalik.



"Uh-Huh. Itext mo din si Joyce na ibili ako ng maraming maraming snacks. Hihihi" sabi ko. Ngumiti naman sya at tumango.



"Raven, I had this very cool Idea" napalingon ako sakanya at nagtataka syang tinignan. Nasa cellphone parin ang atensyon nya.



"What is it?" Tanong ko. "Alam mo naman siguro yung sa mga novels na napapanood natin dati?" Tugon nya. Nagtataka naman akong tumango. "Yung ano... diba kapag nag break yung mag Bf/Gf parang mag aact sila na they forgot everything and pretend that they just met" Paliwanag nya. Napabungisngis ako sa sinabi nya.



"Sure ka? Hindi ba parang ang weird non?" Natatawang tanong ko. Tumawa naman sya at umiling. "Akong bahala" sabi nya.



_Troy's POV_



Narito parin kami ngayon sa Canteen ng Ospital habang naghihintay sa pagbaba dito ni Rassel. That darn man. Sobrang tagala nya nang kausap si Raven. We left there almost 30 minutes before and hanggang ngayon wala padin sya?



"Guys I'm starting to get worried. I'll check on them" sabi ko sa mga kaibigan namin. "Dude, nag uusap pa sila. Give them Privacy" sabi naman ni Raicez na mukhang nang aasar na ewan. "Privacy my Ass" sabi ko lang at agad na umakyat patungo sa room ni Raven.



Bubuksan ko na sana ang pinto pero Napakunot ang noo ko nang marinig silang nag uusap habang nagtatawanan.



"Sure ka? Hindi ba parang ang weird non?" Rinig kong tumatawang sabi ni Raven. Weird ang ano? "Akong bahala" rinig kong sagot ni Rassel. Mas lalong kumunot ang noo ko. Ano bang ginagawa nila?



"Okay Mr. Cortez. Then, if we are going to do that. Do something that'll make me laugh first" hmm. I'm starting to get curious. Ano bang ginagawa nila!? Maya maya lang ay narinig kong tumawa si Raven. "Stop it! HAHAHA it's ticklish HAHAHA"



Hindi na ako nakapagpigil at agad akong pumasok sa Room. Nakita ko si Rassel na kinikiliti ang palad ni Raven habang naka upo sya sa gilid nito. Napatigil sila at napatingin saakin. "What are you guys doing?" Hindi ko maitago ang inis sa tono ng boses ko.



"We're laughing?" Pamimilosopo ni Rassel. "Ugh! What I mean is bakit kayo nagtatawanan? Nakaka irita. Akala ko ba magkaaway kayo? So nagkabalikan na kayo ganon? Ah so ibig sabihin ba nito kayo na ulit. Oh okay I'mma getta outta here. Enjoy!" Sarkastiko kong sabi at padabog na bumalik sa Canteen. So hindi pala talaga ako gusto ni Raven? What she said is a lie!? Psh!



"Oh? Anong ginagawa nila?" Tanong ni Franz. "Nagkabalikan na sila" diretso kong sabi at umupo sa tabi nila. Nagkatinginan naman silang lahat at tumawa. Kinunutan ko sila ng noo. "Bruh are you joking?" Tatawa tawang tanong ni JZ. "Do I look like Joking huh?" Inis kong tanong. Mas lalo silang tumawa. People are getting weirder and weirder everytime. Psh.



_Raven's POV_



"HAHAHA Grabe yung itsura nya, Ravs. Para syang toro na sasabog na sa galit" tatawa tawang ani Rassel. Napupuno ng tawa namin itong buong kwarto. Paano naman kasi ay grabe maka react si Troy. Kami na daw ulit ni Rassel? HAHAHA Kaloka!



Teenage Life [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon