Chapter Fifteen: Korea

8 3 0
                                    

_Chapter Fifteen_
"Korea"
_Raven's POV_

[Ready ka na Girl?] tanong saakin ni Dianna mula sa kabilang Linya.



"Yup. I'm waiting here infront of our house" sabi ko at umupo sa mahabang steel chair na nasa tabi habang hawak parin ang maleta ko. Naka pantalon ako at naka hoodie. Boots ang suot kong sapatos pero may dala pa akong dalawang sneakers. Ayoko mag heels. Psh.



[okay! We'll be there at exactly 5:30. See ya']



"See ya'. I'll wait here. Ingat kayo"



Binaba nya nadin ang telepono matapos kong magpaalam. 5:24 palang naman and 5:30 nila ako susunduin dito. 6:30 yung flight namin kaya maaga kaming pupunta sa Airport.



And knowing Dianna, sa sobrang expert nun sa Time Management, kaya nyang dumating dito at exact 5:30am.



Nag alarm ako ng 5:30am para sure nadin. Maya maya ay lumabas si Mommy. "Oh anak? Wala pa sila?" Tanong nya. "Wala pa po. Pero parating na daw po sila" sabi ko. Tumango lang sya at tinabihan ako.



*KRINGGGGGG/BEEP BEEP*



Napangiti nalang ako nang sabay na tumunog ang busina ng kotse ni Dianna at yung Alarm Ringtone ko.



"Hi Tita! Susunduin na po namin si Ravs!" Bati ni Raicez habang nakadungaw sa bintana. Sya pala yung nagdadrive. "Oh? Kasya ba kayo dyan? Mukhang andami nyo eh" tanong ni mommy. "Don't worry tita, kasya po si Raven dito. Sexy naman po yung anak nyo. Tsaka nasa pinaka likod po yung boys." biro ni Dianna.



Mom chuckled. "What about her things?" Tanong nito. Maya maya lang ay may dumating na Van. "Manong Jeorge, paki lagay po yung gamit ni Raven sa Van" magalang na utos ni Dianna. Bumaba yung driver nung Van at binitbit ang mga gamit ko patungo roon.



"Yan po tita" natatawang sabi ni Dianna. Natawa din si Mom. Magsasalita sana si Mommy nang lumabas si Dad sa gate. "Mag iingat kayo ha? Kayo kayo lang magkakaibigan ang pupunta sa Korea kaya naman wag kayong gagawa ng kung ano anong kalokohan" paalala ni Daddy. Natawa naman sila, pati ako.



"Opo dad. Hindi po kami gagawa ng kalokohan" sabi ko. Niyakap nya naman ako. "Oh sya sige na anak, baka malate pa ka—" naputol ulit ang sasabihin ni mom nang sumigaw si kuya. "Teka!" Tumakbo sya patungo saakin at niyakap ako. "Ingat ka ha? Wag mong kakalimutan yung pasalubong mo saakin" bulong nya at hinimas ang ulo ko. Natawa naman ako. "Opo panget" sabi ko at tinapik ang likod nya.



15 Minutes Later...



Maayos kaming nakarating sa Airport. Nagkasatan at nagtakbuhan pa kami kaya nasita kami nung guard. Pasimuno kasi si Troy eh. HAHAHA.



Maya maya lang ay tinawag na ang mga pasahero na pupunta sa South Korea. Tuwang tuwa kami habang nasa biyahe. Mangha kong pinagmamasdan ang ulap na nadadaanan namin. Napaka lambot siguro ng ulap noh? Pero parang usok lang yata yan. Gusto ko tuloy maka hawak. HAHAHA.



"We've arrived in our Destination" anunsyo ng Piloto. "OMG!!!" Sigaw ni Dianna nang makababa kami sa Eroplano. "I can't believe that we're actually here in our Dream Place!" Sabi ni Joyce habang malawak ang ngiti.



Teenage Life [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon