"Hoy anong nangyari sayo?" Bahagyang binangga ni Krazielle ang balikat ko saka parang tangang tumingin sa kaniya "Muka kang tanga Ellie hahaha" sumimangot ako sa sinabi niya
"Heh! Halika na nga punta na tayo sa condo ko"
"Sorry Ellie bawal ako ngayon, Jayzon's waiting for me" napalabi ako sa sinabi niya "Hey,bawi ako nextime okay?"
"Okaaaaay" mahabang sabi ko saka siya tatawa tawang naglakad papalayo pero gaya ng ginawa ng lalaki kanina, hindi pa siya nakakalayo nang maglakad siya patalikod at tumigil sa tapat ko
"Everything doesn't turned into the way we wanted but rather in the way that we needed, okay? Bye. You should go home na" natatangang tumango ako sa kaniya ng mabagal
This day is weird. As in weird. And everything about them seems off. Super off. Una, may unregistered number na nagtext sa'kin ng kalokohan. Pangalawa naman ay yung misteryosong text ni Nico. Pangatlo ay yung lalaking hindi daw bulag ang pag-ibig at ang pang-apat ay ang mga katagang binitawan ni Krazielle bago niya ako iwan.
Tamad na tamad kong isinalampak ang sarili ko sa kama ko pagkarating na pagkarating ko sa condo ko. Hindi ko na nga namalayan na nakaidlip na ako
Kukusot kusot pa ako sa mga mata ko nang biglang magring ang cellphone ko
Incoming Call
Ina...Tumatawag pala si mommy. Dali dali kong sinagot ito "Yes mommy? Anything you need po?" Magalang na sambit ko
"Anak! You need to come here by wednesday since it's your daddy's birthday on Saturday!" Lumawak ang pagkakangiti ko sa sinabi ni mommy
"Talaga Mom? Pero bakit sa wednesday pa ako uuwi kung pwede namang ngayon na lang hehe masiyado pang matagal ang two days na paghihintay" Naeexcite ako na hindi malaman
"Hay nako mag enjoy ka muna diyan sa Manila tutal dalawang linggo ka naman dito sa Mindoro. Oh sige na tumawag lang ako para sabihan ka, bye nak. I miss you"
Pagkatapos ng usapan naming iyon ay naging masigla ako. Bumili pa nga ako ng mga pasalubong para sakanila
Unan para kay mommy at daddy kasi hilig talaga nila ang mga unan. Bumili na rin ako ng regalo ko para kay Daddy. Bumili din ako ng teddy bear para sa sarili ko. A half a human sized mocha colored teddy bear.
Excited na ako dahil mamayang 2am lang ay babyahe na ako papuntang mindoro. First, I have to take a bus saka ako mag babarko and then tricycle papunta sa bayan namin
It's already 9pm when I got home. Sandali kong ipinahinga ang sarili ko sa kama at inalarm ang cellphone ko ng 10:30pm
Hindi ako makatulog sa di malamang kadahilanan at nanatili akong nakatulala sa kisame. Hindi pa nagtetext sa akin si Nico since nung huli naming pagkikita sa Cafeteria. Hindi na rin muli pang nagtext ang misteryosong unregistered number sa akin.
Namalayan ko na lang na unti unti ng pumipikit ang mata ko ngunit hindi pa ako nakakatagal na nakapikit ay tumunog na agad ang cellphone ko
Shit! 10:30 na???!
Huminga muna ako ng malalim bago ako tumayo at naiiling na pumasok sa banyo para maligo. Habang dumadaloy ang malamig na tubig sa aking katawan ay iniisip ko pa rin ang mga pangyayari sa Cafeteria. Dalawang araw na ang nakararaan.
May problema ba? Bakit parang konektado yung mga pangyayari na hindi. Bakit parang gusto kong alamin kung sino yung nagtext sa akin na parang ayoko. Hindi dahil sa takot akong malaman kung sino ito kundi dahil ang takot na malaman ang nais nitong sabihin sa likod ng mga mensaheng ligaw kuno nito...
YOU ARE READING
What is love: 2020
RomanceLove is not about believing everything what your special person said, it is about being open to each other. Telling the truth, accepting the flaws and staying through the bad times.