"Take off your dress na Martina Ellie!" tuwang tuwang kumukuha ng picture si Krazielle sa paligid inis na inis na nga sa kaniya si Eidren eh paano ba naman kasi puro stolen ang kinukuha niya, yung pangit na kuha talag
"Mamaya na, doon na kila Eidren" nakaupo ako sa may buhanginan at tinitignan ang paligid. Unti unti ng nagiging kahel yung kalangitan, kumokonti na rin yung tao kasi nagpupuntahan na doon sa parteng mageextreme event daw. Inaayos pa lang nila yung venue nakita ko kanina, naglalagay ng stage, inaayos yung sound system
"Ang arte!" sinamaan ko ng tingin si Zielle, she just raised her brows. Bumuga ako ng hangin at tinignan na lang ang dagat. Maya maya lang naramdaman kong may tumabi sa akin, imbes na lingunin ay nanatiling nasa karagatan ang paningin ko "Ayos ka lang?" nilingon ko ito "Oo naman Eidren" I tried to smile at him but his eyebrows furrowed "Liar" nakangusong sambit nito, nginitian ko naman siya lalo ng mas malaki at ibinalik ang tingin sa karagatan
Ano pa bang ineexpect ko, sa tatlong taon naming pagkakaibigan masasabi kong kahit papaano ay kilala na niya ako. Alam nila ni Zielle ang tungkol sa amin ni Martin at pati ang pangyayari sa akin noon. Maybe tha's one of the reason why I healed, minsan talaga kailnagn lang nating may masabihan sa mga bigat na dala dala natin sa buhay, yung mapagkakatiwalaaan
"I don't know why do you have to lie about you being not okay" napataas ang balikat ko ng bahagya nang maramdaman ko ang paglapat ng ulo sa sa may braso ko,sumandal siya sa akin. Hinayaan ko na lang siya at napangiti sa loob ko "Kilala ka naman na namin Martina kaya hindi mo na kailangang magsinungaling tungkol sa nararamdaman mo. Ano bang nangyari?" kilala nilang dalawa si Martin pero dahil wala kaming picture na dalawa, hindi nila alam kung anong itsura nito
Hindi na lang ako sumagot at hinayaang nasa ganoon kaming posisyon. Inaagaw na ng kahel na langit ang kanina nitong kulay. Napakasarap tignan ng araw sa ibang lugar, hindi ko lang akalain na makikita namin ito ni Martin ng hindi magkasama. Matapos kong makita siya kanina na nakikipaghalikan sa isang babae, pinanatili ko ng tikom ang aking bibig. Hindi ko na binalak na lapitan siya, kahit na noon ko pa man siya hinahanap. Ayos na sakin yung nakita ko, masaya na siya. Baka hindi niya rin magustuhan na makita ako
"Hubarin mo na yang dress mo bilis! Magsisimula na yung event balita ko may mga kumakanta dito palagi. Mga yummy sila lalo na yung Dale!" nandito kami sa comfort room at kanina pa ako pinipilit nitong ni Zielle na magpalit na, wala na akong magawa kaya hinubad ko na ito at inilagay sa isang tabi, babalikan ko nalang mamaya. Lumabas ako sa cubicle para tignan ang sarili ko sa salamin. I saw Krazielle's brow raised "Ano?" asik ko rito, natatawa naman itong binatukan ako. Tinignan ko ito ng masama na ikinatawa niya. Inaayos ko ang buhok ko sa harap ng salamin pati na rin ang bikini na suot ko "Tignan mo, nagpapabebe ka pa kanina eh bagay na bagay naman pala sayo! Grabe nakakainggit naman katawan mo" Slim nga ang katawan ko palibhasa kasi'y hindi tabain sila mommy at daddy "Nakakainggit din naman suso mo" natatawang sabi ko, binatukan na naman niya ako "Ano ba!" kanina pa siya batok ng batok sa akin "Sira! hindi naman maliit joga mo, sakto nga lang eh. Masasabi kong malaki rin joga mo mas malaki nga lang yung akin" humahalakhak na sabi nito bago lumabas, sumunod naman ako sa kaniya
"Hoy Eidren baka naman uminom ka ng uminom doon, walang mag aalalay samin pag nalasing kami" unti unti ng nag-iingay doon sa venue ng event, nandoon na rin ang karamihan ng mga tao
"Edi wag ka uminom ng marami para di ka abala sakin mamaya kasi parang nakakahiya yon diba?" nagsisimula na naman silang magtalo
"Ulol babaero ka kasi, mambababae ka lang mamaya wag mo kaming gawing tanga. Iuwi mo kami mamaya ah"
YOU ARE READING
What is love: 2020
RomanceLove is not about believing everything what your special person said, it is about being open to each other. Telling the truth, accepting the flaws and staying through the bad times.