Chapter 26

7 1 0
                                    

"Tamlay mo ata" matapos ng pag uusap namin ni Tyra ay umaalis na ako at dumiretso sa may likod bahay namin para magpahangin. Umupo si Krazielle sa duyan sa may tabi ko

"Hindi ko kasi alam kung mahal ko pa eh" Nilingon niya ako ngunit nanatiling nasa nagkikislapang mga bituin ang aking paningin "Hindi ko maintindihan Zielle. Alam ko sa sarili kong siya pa din. Hindi siya mawala wala sa akin kahit na anong gawin ko pero hindi na ako umaasa. Masiyadong magulo na parang maayos naman,hindi ko talaga maintindihan"

"Edi wag mong intindihin" Isinandal niya ang kalahati ng katawan sa puno at magkakrus ang brasong humarap sa akin habang ako ay nakatagilid sa kaniya at nakatingala sa langit "Kapag hindi mo maintindihan,pumikit ka lang at subukan mo namang pakiramdaman" parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya

"Sa tingin mo magiging okay pa ako?" Nilingon ko na ito

"Oo naman. Isang araw,maaalala na lang natin 'tong pag uusap natin na 'to tapos tatawanan natin yung sarili natin kasi para tayong engot" Nqpangiti ako sa sinabi niya

"Kanina nag-usap kami ni Tyra.." nilingon ko siya saka ko kinwento lahat ng napag usapan namin "Hindi ko alam Zielle. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung siya pa rin o hindi na"

"Ano naman?" Nakataas ang kilay niya sa akin at parang nag iisip "Ano naman ngayon kung siya pa rin o hindi na siya? May mababago pa kung siya pa rin? All that's left to do is to accept" malungkot siyang ngumiti "Kahit na mahal mo pa siya, hindi niya pinili na piliin ka"

Naramdaman kong kusang tumulo ang mga luha ko at bahagyang umiling. She just hit a point! Umiiling ako na para bang hindi makapaniwala

"Tama ako diba? I've been really really handling you with care kasi ayokong masaktan ka pero based on what happened,siguro mas tama na sabihin ko lahat kesyo masaktan ka atleast isang sakitan na lang" Hinawakan niya ang pareho kong braso at tinignan sa mata

"We both know how great of a man is Eidren. Hindi siya masisindak ng kahit na sino and he can't be manipulated by anyone. Why do you think he has Tyra?" Doon unti unting lumiwanag ang lahat sa akin "You're right. Because that's his choice. Why did he chose that? Because he has the right to decide on his life"

Nagbagsakan ang mga luha ko nang mapagtanto ang lahat. Wala ako sa telenovela para isiping kinontrol lang siya ng mga magulang na niya na magpakasal sila, dahil hindi nagpapakontrol si Eidren. Mabait ang mga magulang niya at hindi kailanman sila magkakaroon ng prinsipyong ganon

Inaya na ako ni Krazielle na pumasok uli sa loob,nadaanan namin ang mga kumpare ni Daddy na nag-iinuman kasama siya. Nandoon rin si Jazon ngunit wala si Eidren

"Una ka na mag aakyat lang ako ng tubig kuha ako sa ref" tumango siya saka umakyat

Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig. Nang isasara ko na ang ref ay halos mapatalon ako nang makita si Eidren na pababa ng hagdan. Namumula siya dahil nakainom. Dumiretso din siya sa kusina at para akong mauubusan ng hangin. Sobrang tahimik naming dalawa na ultimong paghinga ko ay kailangan kong pigilan dahil maririnig

Kumuha siya ng chopping board saka kutsilyo pagkatapos ay dumiretso sa akin at kinuha ang mga sibuyas at iba pang rekado

Pinilig ko ang aking ulo saka uminom na lang ng tubig

Nanghihinayang, nanghihinayang ang puso ko
Sa piling ko'y wala ka na
Nasaktan lamang kita

Hindi na sana..
Hindi na sana nilisan pa
Ang puso mong nag-iisa
at nagdurusa

"Kamusta ka na?" Binasag niya ang katahimikang namayani sa aking dalawa. Nilingon ko siya saka nginitian

"Ayos lang Eidren" nanatili akong nakangiti kahit na parang may nakabara sa lalamunan ko,sinasabayan pa ng kanta sa labas ng mga manginginom

"Sorry" yumuko ako matapos niyang sabihin 'yon. Isang salita lang ngunit para akong pinagsakluban ng lupa at langit. Para akong sinampal ng katotohanan "Hindi dapat kita iniwan. Hindi ko dapat ginawa 'yon"

"Ano bang ginawa mo?" Lumapit ako sa kaniya. Inilapag ko ang bote na hawak ko saka ako umupo sa harap niya "Ah, that. It's okay actually naiintindihan ko naman. We never had an official thing. Ang meron lang naman ako sayo ay nararamdaman pero wala akong karapatang pinanghahawakan. Ayos lang,hindi naman kita sinisisi"

"Thats's the reason why! Blame me Martina because that's how shit I am! I cheated on you! I hurt you! I've put you  in the worst situation and because all of that you've been through the hell part of your life. I cheated on you Martina, I cheated to the person I promised myself not to hurt"

Masakit para sa akin na makita si Eidren na umiiyak sa harap ko. Masakit para sa akin na makita siyang nahihirapan ng ganito. Masakit sa mata ang makita siya sa sitwasyon iniiwas kong mapunta siya

"You didn't cheat on me because we're not together. You didn't cheat, you chose your happiness. You hurt me, but I got hurt because I love you. You didn't put me in the worst situation because I was the one to blame. I expected something from nothing. And that was not the hell part of my life, that was my lesson I needed to learn"

"I'm still inlove with you" para akong binomba sa salitang binitawan niya. Hindi ko alam kung bakit mas lalong napunit ang puso ko. Dahil ba alam kong kahit anong pagmamahal niya,ikakasal pa rin siya sa iba?

"I love ME. M-E, it stands for..Martina Ellie" doon ako mas lalong nanghina. Para akong nakalutang at hindi matigil ang bilis ng tibok ng puso ko na parang nakikipag karera sa mga kabayo

"Let me fix this Martina. Kakausapin ko si Tyra. She'll understand. She's a great person" tinapik ko siya sa balikat matapos kong punasan ang pisngi ko

"Namimiss mo na lang siguro ako. There's a thin line between love and longing. Hindi mo na ako mahal Eidren, if only I could show you how different your smile to me and her..you'll know"

Umiling si Eidren sa akin "No babe, you don't understand"

"Can I have my last wish?" Nilapitan ako ni Eidren at niyakap. Hinahaplos ang buhok ko ngunit walang hinto ang iyak naming dalawa

"Can you ask me to be your girlfriend?" Halos mabasag ang boses ko nang sambitin ko 'yon. Hinarap ko siya sa akin at naglagay ng kaunting distansya sa pagitan namin. Ngumiti ako sa kaniya "I just want to feel how being your girlfriend feels like" natawa ako kunwari ngunit binasag ito ng mahina kong hikbi. Paulit ulit ang iling ni Eidren habang umiiyak. Paulit ulit niyang pinupunasan ang pisngi ngunit nababasa pa rin ito ng luha "Please..babe"

Huminga siya ng malalim at ganon din ako. Namumungay ang mga mata niya nang suriin ang mukha ko na para bang kailangan niya itong maalala at hindi malimutan "Can you be my girlfriend Ms. Martina Ellie Geneauva?"

Tinakpan ko ang akong bibig, mas dumami ang luhang lumabas sa aking mga mata at parang mabubuwal ako sa aking pagkakatayo "Yes" pagkatapos non ay hinapit niya ako at niyakap

Hinalikan ko si Eidren at rumesponde din ito ng halik. Madiin ang halik niya at parang uhaw na uhaw. Nanatiling pikit ang aking mga mata. Dumilat ako para tandaan ang lahat ngunit mas nadurog ako nang makita ang mga mata niyang nakikiusap. Naghahangad ng kung ano. Kung may matatandaan man ako base sa nakita ko, 'yon ay ang mga mata niyang umaasa sa pagbabalik ko.

Ako na ang tumapok ng halikan namin. Hinalikan ko siya sa noo pababa sa ilong saka dinampian ng halik sa labi. Tinignan ko siya ng mata sa mata, napakalapit namin sa isa't isa

"Thank you babe, I love you" dinampian ko pa siya ng isang halik sa noo ngunit pinatagal ko ito. Nang magbitiw ako ay nakapikit ito at may kumawalang luha sa mata,pinunasan ko ito habang bumabagsak ang luha ko

"I'm breaking up with you" ramdam ko ang pagkabasag ng boses ko nang magbitaw ako ng salita

Dumiretso ako ng pasok sa kwarto at umiyak na lang ng umiyak. Tahimik akong umiyak para walang makarinig at mas lalong walang makapansin. Hindi ko inakala na mas masakit pala sa puso ang umiyak ng tahimik para maiwasang may makarinig

What is love: 2020Where stories live. Discover now