Chapter 18

6 0 0
                                    

"Breakfast is ready" Nakangiti akong lumapit kay Krazielle pagkalabas ko ng kwarto habang lumilinga sa paligid "Nakaalis na si Eidren" disappointed filled me, akala ko ay makakasabay ko siyang mag-almusal

Habang kumakain ay napapansin ko ang paminsan minsang sulyap sa akin ni Krazielle at ang pagkibot ng mga labi niya saka siya iiling at bubuntong hininga. Hindi ko na lang ito pinagtuunan ng pansin. Pagkatapos kumain ay nagpresinta na akong maghugas ng plato saka ako pumasok sa bathroom para maligo

Hindi muna ako papasok ng laundry shop ngayon. I asked Feigh na siya na muna ang bahala. I have no plans today, manonood lang ako ng movies, eenjoyin ang me-time ko. I just wear my spaghetti strap sando partnered with satin shorts. Inilugay ko ang aking buhok para matakpan ang sandamakmak ko na marka sa leeg, Damn,Eidren!Akala ko ay aalis na rin si Krazielle but I saw her sitting on the sofa. She's wearing an oversized shirt and a cycling shorts,well, marami naman syang damit nya na naiiwan dito

"What you watching?" Ngumiti ito sa akin saka sinenyasang tumabi sa kanya "Pumipili pa lang ako. I'm thinking about Twilight marathon" tinanguan ko siya "Sige but what about our food? Padeliver na lang tayo" I was about to dial jollibee nang pigilan niya ako "Eidren's coming & uh..Martin?" Pinanlakihan ko siya ng mata

"What the hell Zielle, Martin? really? Are you some kind of friends?" Sarkastiko kong sabi pero hindi mahihimigmigan ang galit "I have his number and you said you want all of us be friends,right?" Napabuntong hininga na lang ako

Maya maya lang ay nag-iingay na ang doorbell ko, tumayo si Krazielle para buksan ang pinto "Hi, pasok" naramdaman kong umupo si Martin sa tabi ko and he said hi "You're blooming, dahil ba in a relationship na?" I stick out my tongue at him "Walang kami" confusion is written all over his face. Magsasalita pa sana siya nang tumabi na si Krazielle sa amin, pinapagitnaan nila ako

"Wait sunduin ko lang si Eidren sa baba" I was about to tell Krazielle na ako na pero tinaasan lang niya ako ng kilay bago diretsong lumabas

"So back to I was saying, akala ko kayo na Martina kaya pinaraya kita" Nginitian ko si Martin ng tipid "Wala naman akong sinabi na kami" bumungtong hininga siya "You like him" It wasn't even a question but a statement "Does he like you?" Tinignan ko lang siya sa mata saka matunog na nag buntong hininga

"Let me help you with that" sinagi niya ang braso ko maybe to cheer me up. I looked at him puzzled "Just ride on everything. We'll see" he smirked at me "See what Martin?"

"Let's see if I should really let you go or just try harder to keep you with me"

Dumating na si Krazielle kasama si Eidren. Nakaupo si Martin sa may pinakadulo ng sofa katabi ako, tinabihan naman ako ni Eidren, pinapagitnaan nila ako sunod naman sa kabilang dulo ay si Krazielle na nilalantakan na ang pizza

Nakapatay ang ilaw at tanging ang liwanag lang mula sa flatscreen tv ang nagsisilbing liwanag. Maya maya pa ay sinagi ng marahan ni Martin ang balikat ko dahilan para mapalingon ako sa kaniya. Kasabay noon ay naramdaman ko ang simpleng pagyapos ng braso ni Eidren sa bewang ko kaya napataas ang balikat ko ng bahagya

Ilang segundo pa ay tumayo si Martin kaya napalingon kami sa kanya. Nagulat ako ng bigla siyang umupo sa gitna namin ni Eidren dahilan para magkapalit kami ng pwesto saka siya ngumisi sa'kin. I saw how Eidren wanted to speak but chose to remain silent. Maya maya lang ay bumulong sa'kin si Martin "Kulang pa. That doesn't make him move an inch" I told him to stop but he refused. Nang nasa part two na kami ng palabas kung saan si Jacob ay unti unti ng napapalapit kay bella nang iwan ito ni Edward, biglang inilagay ni Martin ang braso sa may likuran ko at iginiya para sumandal sa kaniya "Ride Martina" I sighed and lean. Hindi sa braso kundi sa dibdib niya, kahit na nireject ko ang feelings niya ay namiss ko pa rin 'to sa kaniya

What is love: 2020Where stories live. Discover now