"Martina Ellie Geneauva!"
Nakangiti akong lumapit kay zielle at saka siya niyakap ng mahigpit
"Yo! Krazielle Tolentino" Umirap siya sa akin kaya naman sabay kaming natawa
It's been a month since the last time we met kasi nagkaroon siya ng trip to Bataan with her parents while me nandito lang sa manila di ko pa kasama sila mommy because they're at our home
"Hindi ko akalaing dito pa tayo magkikita sa cafeteria ha" natatawang ani niya kasabay ng paghampas sa balikat ko
"Babe.." Namumula akong napatingin sa tumawag sa akin sa likuran
"Nico?" Nagtatakang sambit ni Zielle
"Oo, by the way kumakain kasi may date kami ni babe sakto naman nakita kita Zielle buti na lang. Sabay ka na samin?"
Naguguluhang tumango na lang si Zielle "Babe doon tayo oh sa may loob lika na" tangay tangay kami ni Nico sa may loob pa ng cafeteria kung saan nandon ang mga maliliit na mesa
"Bakit ka nga pala nandito Ellie? Anlayo mo dito ah" Ani Krazielle
"Nope diyan lang ako sa may condo malapit dito. Lumipat na kasi ako sabi ni mommy dapat daw maging independent na ako" napailing na lang ako, si mommy talaga di ko alam kung anong gusto sa buhay pinaalis ako sa bahay
"Talaga? Si tita talaga hahaha" Kilala na sa amin si Krazielle dahil halos kambal na kami. Sa amin siya minsan natutulog ng isang linggo at minsan naman doon kami sa kanila. Sisters.
"Pero Elizcopidio's Condo ba yung tinutukoy mo?" tinanguan ko siya "Maganda nga daw don, kaso mahal"
"Well.. Si mommy naman nagbabayad, hindi ako"
After a few minutes may lumapit sa aming lalaki, yung crew ata
"Eto na po ang order niyo" Inorderan na pala kami ni Nico, sabagay alam naman niya ang gusto namin ni Krazielle sa tagal ba naman naming magkakaibigan eh
"Thanks Nico" Sambit ni Krazielle ng hindi man lang ito tinatapunan ng tingin na nginitian naman ni Nico
Habang kinakain namin ang order namin, nag vibrate ang cellphone ko
From: 09103472893
Don't just look through your eyes. Open your heart and you will see what's hidden behind"Bakit Ellie?" Dalian kong naitago ang cellphone ko ng makatanggap ng hindi inaasahang mensahe sa hindi kilalang numero
"Wala, naligaw lang ng text" Napatingin sa akin si Nico at napataas ng kilay. Inirapan ko naman ito saka tumawa
Seloso.
"Cr lang ako babe" nilingon ko ito pagtayo niya at noong nasa likod ko na siya ay hinawakan ko ang kamay niya
"Hindi ka naman galit, diba?" Baka kasi nagalit siya kasi may naligaw na text sa akin
"No way, Cr lang talaga ako" ngumiti ako at tinanguan ito. Pagkalingon ko kay Krazielle ay nakatingin ito sa papalayong si Nico
"Huy, tahimik ka what's wrong? Kanina pa yan ah"
"Tss paranoid" natatawang sabi niya kaya nagkibit balikat na lang ako "By the way, patingin nga ng text sayo"
Inilabas ko ang cellphone ko at ipinakita ang text na natanggap ko kanina. Pagkakita'y parang gulat na tumingin sa akin si Krazielle
"Bakit? Kilala mo ba 'to, ganiyan reaksiyon mo?" natatawang tanong ko na tinawanan din niya
"Sira! Nagulat lang ako siyempre andami daming tao sa mundo tapos sayo mapupunta yang ligaw na text na' yan"
Nagkibit balikat na lang ako sa kaniya at itinuloy ang pag kain ko. Maya maya pa'y dumating si Nico
"Babe sorry hinahanap na ako ni Daddy" guilt is written all over his face "Okay lang ba?" huminga ako ng malalim bago ako ngumiti sa kaniya
"Go. May pag-uusapan din kami ni Krazielle"
"What?"
"Anong what? Siyempre lahat ng pwede naming ikwento ikekwento namin hahaha you know naman us, oh sige na bye na" Tumango lang ito bago ako halikan sa pisngi at nagmamadaling lumabas
"So going back to the guy na nagtext sa'kin, do you think it's just a mistake?" Napapaisip kasi talaga ako eh kasi out of all people sa akin mapupunta yung text niya tapos parang anlalim pa "Kasi Krazielle parang may gustong sabihin tong sender eh, para bang may alam siya na hindi ko alam tapos kailangan kong alamin mag-isa"
Nakatingin lang sa akin si Krazielle saka nagkibit balikat "Well, who knows?"
Nang maubos na namin ang order namin napag desisyunan naming pumunta sa condo ko since hindi ngayon lang naman uli kami nagkita. I miss bonding with her
"Ellie magsi-cr muna ako ha" nandito na kami sa labas ng cafeteria ng magsabi siya
"Ha? Doon na lang sa condo ko Zielle" natatawang sabi ko pero umiling lang siya at sinabing mabilis lang siya kaya naman tinanguan ko na lang siya
Habang naghihintay sa labas ng cafeteria nakatanggap ako ng text from Nico
From: Nico
Babe nandito na ako sa bahay, ingat kayo ni Krazielle ha. I love you so much babe and sorry sa mga kasalanan koNagtataka kong binasa ng maigi uli ang text message niya sa akin saka ako nagreply
To: Nico
Okay babe. I love you too hehePinili ko na lang wag intindihin ang text niya. Iba man ang pakiramdam ko sa kasalanan na sinasabi niya siguro I shouldn't take that seriously baka mag-away lang kami.
Teka bakit ba ang tagal ni Krazielle. Nilingon ko muli ang loob ng cafeteria at napangiti ng makita ko siyang papalabas na ng Cr
"Ah!" Napaingit ako ng mahina ng may makabangga sa aking lalaki
"S-sorry" nakayuko ito sa harapan ko
"Ayos lang" naglakad na uli siya ng bahagya pa ring nakayuko ng muli siyang maglakad paatras hanggang sa matapat siya sa akin
"Love is not blind. If you're being blinded, then it's not True Love" sabi niya at saka naglakad na ng diretso habang ako naiwang nakatulala sa bulto ng papalayo niyang likuran
What was that?!
YOU ARE READING
What is love: 2020
RomantizmLove is not about believing everything what your special person said, it is about being open to each other. Telling the truth, accepting the flaws and staying through the bad times.