"Naunahan mo na naman ako!" Natawa ako nang marinig ang reklamo niya
Bagaman nakuha ang sandali kong atensiyon ay ibinalik ko muli ang paningin sa karagatan. Tulad ng dati ay paputok pa lang ang araw at rinig na rinig pa ang hampas ng alon. Pinanonood ko rin ang malayang paglipad ng mga ibon na parang mga batang naglalaro at ang ere ang nagsisilbing playground
"Sino ba naman mag-aakalang tayo pa rin pala ang magkasama" nagtaas ako ng kilay saka natawa
"Kusa kang sumama sa'kin wag kang imbentor na parang hinila kita para samahan ako" humaba ang nguso niya saka natawa rin
"Martina, kamusta ka na?" Pinakiramdaman ko ang aking sarili, sa mga nagdaang panahon hindi ko alam kung ayos lang ba ako. Sa ilang beses na pagtatanong niya ay hindi ko pa rin alam kung kamusta na ba ako
"Hindi ko alam Martin..sa nakalipas na nagdaang panahon hindi ko masabi kung ayos lang ba ako o kung maaayos pa ba ako"
Unti unting lumapit sa akin si Martin, isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya at sabay naming tinanaw ang tanawin sa ibaba
"Siya pa rin ba?"
"Hindi nawala.."
Narinig ko siyang bumuntong hininga. Natawa ako saka ko siya kinurot pino sa braso
"Wag ka na ngang mag isip diyan, wag mo akong alalahanin!" Ngunit hindi niya pinansin ang biro ko
"Kung hindi ba ako nahuling magpakilala, mararanasan mo pa ito?" Hinarap ko siya
"Hindi. Dahil hindi mo naman ako sasaktan..." ngumiti ako sa kanya, tumulo ang luha ko. Naninikip ang dibdib ko ngunit pinilit kong ngumiti pa rin "..pero kung hindi ko 'yon napagdaanan, baka wala akong natutunan"
"Mahalaga pa ba yung natutunan Martina? Tignan mo naman ang sarili mong kalagayan" wala akong nakikitang awa sa mga mata niya ngunit mahihimigmigan ang lungkot sa boses niya "Ang hirap sayo, mali ka na nga ng minahal mali pa pag handle mo nung inalisan ka"
Namayani ang katahimikan sa aming dalawa, parehas nalang kaming nakatingin sa kung papaanong kinain ng liwanag ang kalangitan. Habang minamasdan ko ang mga ibong malayang hinahalikan ang karagatan sabay malayang lilipad ay hindi ko mapigilang maalala kung paanong kusa akong nagparaya noon, ako tuloy ang nakakulong ngayon
Tinignan ko si Martin na nakahiga na sa damuhan. Ilang taon na nga ba ang nakakalipas, parang kailan lang ay hindi ko pa alam na siya ang kababata ko. Samantalang ngayon parehas na kaming nandito sa bundok ng pangako o prayer mountain
Bakas na bakas pa rin ang kagwapuhang taglay niya noong kabataan gayo'ng nakikita na rin ang mga kulubot niya sa balat. Makikita na rin sa paglalakad at pagkilos ang mga napagdaanan na niyang panahon
"Kung mauulit muli ang buhay ko..hindi ako magsisisi kung pagdaraanan ko muli ito" Humiga ako sa tabi niya at pumikit
Inilabas ko ang cellphone na mahahalata na ang kalumaan. Medyo nanlalabo na ang aking paningin ngunit dahil siguro sa paulit ulit na gawain ay alam ko na ang mga dapat pindutin.
Unti unti kong itinapat ito sa may dibdib ko at nakapikit na ninamnam ang bawat salitang naririnig ko.
"Can you be my girlfriend Ms. Martina Ellie Geneauva?"
"Yes"
Ilang beses muna itong nagpaulit ulit sa aking pandinig bago ko naramdaman ang unti unting pagdalaw sa akin ng antok
***
Time is gold ika nga nila. Hindi ko inaakala na ang ilang palugit ng oras ay maaari kong pagsisihan sa haba ng panahon na mabubuhay ako. Hindi ko inasahang mauunahan ako gayo'ng hindi naman ako nawalaWala na atang mas papayapa pa sa kalangitan na tinitingala ko ngayon. Wala na atang mas tatahimik pa sa katahimikan na tinatamasa ko ngayon.
Ilang dekada na ang lumipas, gugustuhin pa rin talaga ng puso mo ang mahalin ang taong nakapanakit sayo. Hindi mo makikita yung sakit na natatanggap mo. Hindi talaga kailanman magiging hadlang ang sakit na nararamdaman sa taong totoong nagmamahal. Minsan iniisip ko,kung binilisan ko pa ng kaunti ang pagtakbo ko, makakahabol kaya ako?
Napapikit ako nang maramdaman ang lamig ng simoy ng hangin na dumampi sa aking balat. Unti unting bumigat ang aking talukap at tila'y dinuduyan ako ng antok
Nang magmulat ako ng mga mata'y puting kisame at kemikal na amoy ang tumambad sa akin. Napansin ko ang tubo na nakakabit sa akin maski ang unti unti kong panghihina. Marahil dahil na rin sa tagal ko ng nabubuhay
"Lo! Ayos lang po ba kayo?" Naramdaman ko ang mahinang haplos ng apo kong babae "Lolo, kasama mo po dito si Lola, nasa tabi mo po siya. Hindi ka pa po makakagalaw dahil sa naka kabit sa'yo pero nasa tabi mo po siya lolo!" Rinig ko ang pagbasag ng boses niya. Kasama niya sa kwarto ang naging anak nina Andrea, na aking kapatid. Ang anak ni Andrea ay ang naging nanay niya at ako naman ang lolo niya, ang lolo ni Adriena. Naging anak ni Andrea si Afemia, na siya namang nanay ni Adriena
Napatigil ang lahat nang bumukas ang pinto. Nakarinig ako ng nagmamadaling mga yabag. Lumipas ang ilan pang sandali ngunit nanghihina na rin ako unti unti. Para akong kinukuhaan ng lakas ngunit pilit ko itong nilalabanan. Dumadalaw na muli ang antok sa akin ngunit pilit kong ginigising ang aking sarili
"Martina Ellie Geneauva. Time of death 4:17 am"
Tila nawalan ako ng lakas sa katawan at hinayaang manalo ang antok na aking nararamdaman.
Kung mabubuhay akong muli, bibilisan ko na ang aking pagtakbo para hindi na ako mahuli sayo
Nang maghiwalay sila ay bumalik agad si Martina dito. Hindi na muli siyang naghanap ng iba. Wala na siyang kinausap muli. Ilang buwan lang makalipas ay napag alaman niyang nagdadalantao na ang mapapangasawa ni Eidren
Ilang taon pa ang lumipas nang mamatay ang mga magulang niya. Doon lang muli siyang nagbukas ng pinto para sa akin, bilang kaibigan niya
I am Martin Hernale, not a believer of the saying Love is Blind. Love sees everything, flaws and all but still accepts it anyway. I pursued my promise of loving Martina Ellie Geneauva until death. I'm wishing for a second chance in our next life and promise to keep her with me
I am Martin Hernale, bidding my goodbye to all the person who loved me and I loved. Let me tell you this—Love is about acceptance and patience.
YOU ARE READING
What is love: 2020
RomansLove is not about believing everything what your special person said, it is about being open to each other. Telling the truth, accepting the flaws and staying through the bad times.