"Ellie saan ka galing anak?" Tanong sa akin ni mommy pagkagaling ko sa prayer mountain
"Diyan lang po mommy, nagjogging po ako" nakangiting tugon ko bago ako dumiretso sa aking kwarto. Lingid sa kaalaman nila mommy ang tungkol sa Prayer Mountain. Hindi ko alam kung alam nilang nage exist 'yon o kung alam man nila, hindi nila alam na nagpupunta ako doon.
Ibinagsak ko ang aking katawan sa malambot na kama. Ramdam ko ang pagod sa aking katawan ngunit hindi ako makatulog. Nanatili ang aking paningin sa ceiling fan sa kisame at kasabay ng pagtakbo ng elecy nito ay ang paglalakbay rin ng isip ko sa mga katagang binitawan na naman ni Martin
"Do you believe that love is blind?"
Napatigil ako sa tanong niyang 'yon. Bumungtong hininga lang siya samantalang nanatiling tikom ang aking bibig.
I do believe that love is blind. Love does not look at someone's downside and flaws but rather love someone whole-heartedly no matter what the difference and situation is
Kinatok ni Mommy ang kwarto ko pagkasapit ng tanghali upang kumain ng lunch. Marami kaming napag-usapan tulad ng buhay ko sa Maynila,kung nahihirapan ba ako o kung may kailangan pa ako.
Nang tanghaling 'yon ay napagdesisyunan kong bumalik sa Prayer mountain para sana magpahinga. There's really something in that place that could make me feel at ease. It's like no matter how heavy the problem I am carrying, that place could ease them all for a moment just as that.
Nagpalit ako ng damit. I wore a simple high-waist short partnered with my oversized mocha coloured shirt. Bahagya kong ibinuhol ang aking oversized shirt to expose my high-waist short. I tied my hair into messy bun and didn't bother to put any make ups. Lalabas na sana ako ng harangin ako ni Daddy sa may tapat ng kwarto ko
"Dad what are you doing outside my room?" Takhang tanong ko
"Can I ask you something?" Hesitant can hear in his voice and fear is written on his eyes. Tumango ako kay Daddy "D-did you have a safe trip?" Napatulala ako sa tanong niya pero tumango na lang ako bago niya ako iwan saka ako pumuntang prayer mountain
Tanaw na tanaw ko ang kalmadong karagatan mula sa pwesto ko pati na rin ang matayog na light house. Tanaw ko rin ang bayan sa ibaba na tila langgam ang mga tao
Naalala ko na naman yung tanong ni Daddy. It seems off. Parang kakaiba. Parang hindi 'yon ang gusto niyang itanong ngunit 'yon ang lumabas sa bibig niya. Maybe I'm just paranoid because of recent incidents..
Kinumbinsi ko ang aking sarili na baka ganoon nga lang 'yon. Baka napaparanoid lang ako. Tahimik kong tinatanaw ang payapang kapaligiran nang mapabaling ako sa likod ko sa ibaba. Kung saan ang paanan ng maliit na burol na ito.
I felt myself smiled when I saw a man trying to go up here. Nakangiti akong tumayo at bumaba hanggang sa mapunta ako sa harap niya. Nagkakapa kapa siya gamit ang tungkod niya kaya napatigil siya nang may mabangga ang tungkod niya-ang paa ko.
"Martin!" Nakangiting bati ko sa kaniya. His face light up and smile at me. Masasabi kong matalas talaga ang pakiramdam niya dahil talagang masasabi kong ako ang tinitignan niya. Kung hindi ko nga lang alam na bulag siya dahi sa tungkod niya ay hindi ko ito mapagkakamalang may diperensiya sa paningin
"Martina, nandito ka uli" nakangiting aniya. Hindi ko na pinilit na itago ang aking ngiti dahil sigurado naman akong hinsi niya iyon makikita.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay na ikinagulat niya. Confusion is written all over his face na ikinabungisngis ko "Come on, alalayan na kita" napangiti siya sa sinabi ko
Inalis ko ang tungkod niya at tinupi muna ito bago ibalik sa kaniya "But I need this Martina" naguguluhang aniya
"And I need you to trust me Martin. Kumapit ka lang sa kamay ko magtiwala ka sakin na di kita bibitawan"
YOU ARE READING
What is love: 2020
Roman d'amourLove is not about believing everything what your special person said, it is about being open to each other. Telling the truth, accepting the flaws and staying through the bad times.