"What about sa inyo na lang kaya Martina Ellie?" Isang linggo na rin ang nakalipas mula noong nagka ayos muli kaming tatlo. Noong una ay may kaunting ilangan pa pero hindi rin nagtagal ay naging natural na ang pakikisama ni Krazielle kay Eidren at parang bumalik kami sa dati. Tila nakubli bigla ang gusot na namagitan kamakaylan lang
Nabalik na uli sa dati ang turingan naming tatlo. Kung gaano kabibo si Krazielle ay gano'n na uli siya kabibo ngayon..Nakakatuwa lang,hindi tulad noong ang gulo gulo namin. Puros lungkot ang makikita mo sa mga mata niya na sa oras na tignan ka ay hahaplusin n'yon ang puso mo.
Si Eidren naman ay bumalik ang natural na kulit at nakakainis na ugali. Nakakatuwa rin na natural na rin ang pakisamahan namin sa isa't isa..Wala na akong ilang na nararamdaman mula sa kaniya at gano'n din ako sa sarili ko
Ako..Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Nararamdaman ko ang tuwa dahil maayos na uli kami ngunit wala akong maramdaman kahit na kapiranggot man lang sa puso ko. Taliwas ang isinisigaw nito. Pinipilit kong labanan ang nakaraan na pilit akong kinakain,ang ideyang parang ipinipilit na ipagawa sa akin. Alam kong masaya ako, kasi dapat maging masaya ako
"Earth to our Martina..Hello?!" Napakurap ako nang makita ang nakangiting si Eidren sa harap ko
"What were you saying?" Nakangiting tanong ko "Sabi ko kung okay lang ba kako sayo yung suggestion ni Krazielle na sa inyo na lang muna. Sa province niyo. Ayos lang?" Nilingon ko muna si Krazielle bago nakangiting tumango "I'll tell my parents about it. Kailan ba ang alis?"
"The day after tomorrow" seryosong saad ni Eidren. Nalaglag ang panga ko. What?! I thougt mga next week pa..Well what do I expect from a successful businessman
"I'll bring Jazon with me ha" nagtataka ko itong nilingon pagtapos ay ngumiti rin ako ng matamis "Ofcourse..He's a friend of ours" nagkibit balikat lang si Krazielle telling me I know right!
"Uhm..Tyra wants to come?" Doon tuluyang nawala ang ngiti ko kasabay ng pagbagsak ng balikat ko. Namungay ang mga mata ko kasabay ng paglamig at pagbagal ng tibok ng puso ko. Krazielle saw it all, lahat ng emosyong mabilisan na lumitaw sa akin. Nakaharap ako sa kanya habang nakatalikod ako kay Eidren. She sighed before she looked at me. Like telling me that I have no choice
So I force myself to purse a smile before turning my head to Eidren "Sure! Excited na kami makilala siya" I silently thanked God because my voice didn't broke "Go bring her with you and a-ahm..Let's have fun there!" I suddenly felt Krazielle's hand on my shoulder
"Check mo muna sched mo girl, I think may gagawin ka the day after tomorrow" Nang lingunin ko ito ay nakita ko ang awa sa mga mata nito. Na parang inuutusan akong tigilan ko na ang pagpapanggap ko at sakyan ang sinasabi niya.Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko
"You both know I can always make time for this" saka ako lumingon pabalik kay Eidren. Nakangiti na ito at nagtatype sa cellphone. Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita "Need to freshen up!" Saka ako tumayo at dumeretso sa banyo. Naupo ako sa isang cubicle at tahimik na inilabas ang luha
I saw how his eyes sparkled while typing..He probably told Tyra about the vacation and he's finally happy because everything's fine. Our friendship got saved and so as his relationship with her..Ako na lang ang may mali and it's more painful to think that I should decide oppositely to what my heart wants because that's the right thing to do..
Mabilis na lumipas ang mga araw. Heto nga't inaantay na namin ni Krazielle si Jazon sa harap ng café. Dito kami magkikita nila Eidren. Napagdesisyunan kasi naming mag commute na lang para less hassle. Dito ang meeting place namin
Ilang minuto lang ay dumating na si Jazon at sa maikling pagitan na oras ay dumating na rin si Eidren. Nakita ko pa kung paanong alalayan niya ang babae na lumabas sa sasakyan niya. Hindi ko pa man nakikita si Tyra sa personal ay nasisiguro ko ng ang babaeng nasa harap ko ay ang fiancé ni Eidren
YOU ARE READING
What is love: 2020
RomanceLove is not about believing everything what your special person said, it is about being open to each other. Telling the truth, accepting the flaws and staying through the bad times.