Lumipas ang mga araw hanggang sa maging linggo. Busy na kaming lahat kaya naiintindihan ko ang hindi nila gaanong pagpaparamdam. Dalawang linggo na ang nakararaan mula noong mag over night sila sa bahay. Dalawang linggo na rin noong mag-usap kami ni Krazielle.
Pinili kong manahimik sa kabila ng sinabi niya. Hindi ko pwedeng ibahin ang trato ko kay Eidren dahil lang sa nalaman ko sa kaibigan ko. Gusto kong magtiwala kay Eidren at naniniwala akong hindi niya ako sasaktan gaya ng ipinag aalala ni Krazielle
Bagaman hindi alam ang tunay na namamagitan sa amin ni Eidren ay masaya ako sa kung anong meron kami. Hindi pa din siya nagtetext sa akin ngunit ayos lang. Huling usap namin ay last week pa na ako pa ang tumawag ngunit ayos lang. Masiyadong maraming gawain si Eidren para magmaktol pa ako sa kawalan niya ng oras
At hindi ka naman kasi girlfriend, Bakla ka!
Napabuntong hininga na lang ako. Isinubsob ko ang sarili sa trabaho ko. Ilang beses din akong nawala sa Laundry shop
Matapos ang lahat ng gawain ko para sa araw na 'to ay dumeretso ako sa itaas, sa condo unit ko. Dumeretso na ako sa banyo para makaligo pagtapos ay magpapahinga.
Nagpapatuyo na ako ng buhok nang magvibrate ang cellphone ko
From: Eidren
Open the door babeNanlaki ang mata ko nang mabasa ang text niya saka dali daling binuksan ang pinto. Pagbukas ko ay napangiti ako ng makita ko si Eidren. Mukhang kagagaling lang sa trabaho dahil naka long sleeves lang ito na nakabukas pa hanggang tatlong butones at bahagyang nakataas ang manggas.
Niyakap niya ako ng mahigpit pagkasara ko ng pinto. Nakayuko ang ulo sa aking balikat, naiipit ang magkabila kong braso sa pagitan kaniyang yakap
"Hmm kamusta ka?" Hinaplos ko an buhok niya nang sagutin niya ako ng buntong hininga. Pagod na pagod siguro siya sa trabaho, kaya siguro ngayon lang siya nakapunta sa akin
Inalalayan ko siya papasok sa loob ng kwarto ko pagtapos ay ihiniga siya sa kama. Nakabagsak lang ang katawan niya sa kama habang bahagyang pikit ang mga mata, parang pinipilit na dumilat
Lumuhod ako para tanggalin ang sapatos niya. Pagkatapos naman ay inalis ko ang belt niya. Omg bakla tanggalin mo na yung pantalon! Napalunok ako sa sariling naisip. Dahan dahan kong tinanggal ang pantalon niya gamit ang nanginginig na kamay
"Martina.." parang bigla gusto kong yakapin si Eidren nang marinig ko ang mahina niyang halinghing habang natutulog
Anong ginagawa ko sa panaginip ng gwapong binata na 'to?
"D—don't leave me..B—babe" nakangiti akong tumabi sa kaniya sa higaan nang mahubad ko ang pantalon niya, naiwan na lang ang polo at ang boxer
Tinitigan ko si Eidren. Mula sa mapupungay at malalim na mata patungo sa perpektong tulis na ilong hanggang sa mapupulang labi panaba sa nakaumbok na adams apple. Inilapit ko ang ilong sa kaniyang leeg at napangiti nang masinghot ang kaniyang natural na amoy
Nagising ako nang maramdaman ang init na tumatama sa aking mga paa. Wala na si Eidren sa tabi ko, babangon na sana ako para magluto ng almusal ng makakita ng sticky notes sa may side table ko
Thanks for tonight babe, might comeback later! Keep safe
-EidrenNakangiti kong tinapos ang pag aalmusal ko. It's wednesday today kaya sarado ang laundry shop ko. Napagdesisyunan ko na lang maglinis since dadating mamaya si Eidren—well, not sure
Pawis na pawis na ako mula sa pagpupunas ng mga furnitures pati sa pagba-vacuum. Huli kong lilinisin ang kwarto ko. Nang makapasok sa sariling kwarto ay iniligpit ko kaagad ang ilang nakakalat na damit at iba pang gamit. Winalisan ko rin ang ilalim ng kama ngunit ganoon na lang ang aking pagtataka ng may mawalis ako
YOU ARE READING
What is love: 2020
RomanceLove is not about believing everything what your special person said, it is about being open to each other. Telling the truth, accepting the flaws and staying through the bad times.