Chapter 6

16 1 0
                                    

Do they know each other? Why are they talking like that? Anong kinalaman ko sa pinag-uusapan nila?

BAKIT ANSAKIT NG ULO KO?!!!!

Lalapit na sana ako para magtanong kung anong pinag-uusapan nila at bakit nadamay ang pangalan ko nang may mga kamay na humawak sa braso ko

"Martin.."

"Halika na kain na tayo Martina, gugutom na ako" He pouted at talaga namang ang cute cute niya! Ginulo ko ang buhok niya pagkatapos ay hinawakan ko na ang kamay niya papunta sa upuan namin kanina. Ngunit tumigil muna ako nang nasa tapat na ako ni Tita Belinda at ni Mommy

"Mmy, Tita doon muna po kami" Nakita ko kung paano nanlaki ang mata ni mommy nang makita si Martin. Siguro dahil bagong mukha o baka nagwapuhan, eh?? Tumikhim ako at tumayo ng maayos "Mommy si Martin nga po pala, kaibigan ko at.." itinaas ko ang kamay ko para ituro si tita Belinda "Anak po ni tita" ngunit walang nagbago sa reaksyon ni mommy. Nanatiling malaki ang mga mata nito. Napasimangot ako saka hinila si Martin paalis doon

"Martin, Aaah" hay nako para akong nanay ni Martin na sinusubuan siya habang siya naman ay parang baby

baby?

natawa ako sa sarili kong naisip. Patuloy kong sinusubuan si Martin at ginugulo ang buhok niya "Martina kain ka din"

"Oo na" sumubo ako ng carbonara pero siyempre ibang tinidor gamit ko 'no!

Sa kalagitnaan ng pagsusubo ko sa kaniya ay nagvibrate ang cellphone ko na nakalagay sa high-waisted short ko

From: Zielle

I have to tell you something, call me asap.

Napakunot ang noo ko. Tinapos lo muna ang pagsusubo kay Martin bago magpaalam "Saan ka pupunta?" nakangusong tanong nito

"Krazielle wants to talk to me" napakunot din ang noo nito pagkatapos ay tumango at ngumiti "You look handsome when you smile" puna ko sa kaniya. Imbes na magpasalamat ay lumabi ito "So hindi ako gwapo when I do this?" Pinagkrus niya ang kaniyang braso at nagpout

"You look cute when you do that. Gwapo ka naman na pero mas gwapo ka kapag nakangiti, okay na? Should I call Krazielle na ha baby Martin" namula ang mga pisngi nito at nakayukong tumango. Napangiti ako sa inasal nito

Such a baby.

I immediately dialed Krazielle's number pero walang sumasagot. Ilang beses pa akong nagtry pero wala talagang sumasagot. Worry consumed me. I texted her instead

To: Krazielle

I'm calling you bakit hindi ka sumasagot? Answer me you're making me worry!

Ilang minuto pa ako naghintay pero walang sumasagot ng text ko. Napagdesisyunan ko na lang na bumalik sa pwesto namin ni Martin. Mag gagabi na rin pala. Hapon na kasi sinimulan ang party ni Daddy tutal ang pinaka celebration naman niya ay gabi. Mag-iinuma sila nila Tito at ng mga kapit bahay namin dito

Pagkabalik ko ay isinalpak ko ang earphones sa tenga namin ni Martin. Tig-isa kami

Because I've been waiting for you
Been waiting for this
Dream to come true
Just to be with you

And if i'll die
Remember this line
I'm always here guarding your life

Dinadama ko ang kanta nang tumigil ito at magvibrate. Kunot noo kong tinignan kung bakit at napatalon ang aking puso nang makitang tumatawag si Krazielle. Magsasalita na sana ako nang makarinig ako ng nag-uusap

[Tangina naman kailan mo ba aaminin sa bestfriend ko?]

[Kra..please wag mong sabihin, ako na lang magsasabi]

[Tanga ka ba? Bestfriend ko ang ginagago mo at gago ako para hayaan kang gawin 'yon. Sa bataan pa lang, nag warning na ako sa'yo!]

[Just..please]

[No, break up with her! Now! o gusto mong ako pa ang magsabing nabuntis mo ang pinsan niya Nico!]

Nabingi ako sa huling sinabi ni Krazielle. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang iyak niya sa kabilang linya at pagmumura niya kay Nico. Tanging ang puso ko ang nanatiling maingay. 

Namatay na ang tawag ngunit nakasalpak pa rin sa tenga ko ang earphone ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.

Galit..sakit..poot..pagsisisi

Walang mailabas na luha ang mga mata ko. Nanlalamig ang kamay ko at nanginginig. Nanuyo ang lalamunan ko at parang pinipiga ang puso ko. Hanggang sa may maramdaman akong mga brasong nagkulong ng aking mga katawan

"Nandito lang ako Martina,hindi ako aalis sa tabi mo. Hindi na ulit Martina,hindi na"

Kusa akong napaharap kay Martin at niyakap siya. Nang pumulupot ang kamay ko sa likod niya ay kusang bumuhos ang mga luhang kanina pa nais makawala

"Martin ansakit sakit. Hindi ko na alam kung may isasakit pa to" Patuloy akong mahinang humihikbi sa mga bisig niya "Kung may bagay pa akong kailangang malaman na ikasasakit ko sana malaman ko na lahat ngayon. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang mga susunod na sakit sa ibang pagkakataon" Naramdaman ko ang paghaplos sa buhok ko

"Sabi ko naman sayo. Ang pagmamahal ay hindi bulag, kung nabubulag ka nito at nagpapabulag ka siguro hindi ito ang tunay na pag-ibig na inaasam mo"

Natigil ang aking hikbi maski ang tibok ng akinh puso. Nanlamig ang aking kamay at napabitaw sa kaniya. Napatingala ako at pilit hinahanap ang kaniyang mga mata

"Oo Martina, tama ang nasa isip mo at kung totoo ang sinabi mo na gusto mo ng malaman ang lahat ngayon. Sasabihin ko. Mamayang gabi, Alas diyes magkita tayo sa burol ng pangako. Sasabihin ko sa iyo ang lahat. Ngunit isa lang ang aking kahilingan" Nanatiling seryoso ang boses nito at hindi makilala. Nawala ang pagpapa cute. Lumunok ito bago ipagpatuloy ang pagsasalita "H'wag mo na uli akong kalilimutan, gaano man kasakit ang iyong malalaman"

Iyon ang huling katagang sinabi niya bago ako halikan sa noo at kumalas sa pagkakayakap ko. Tumayo ito at dere deretsong umalis sa bahay.

Ngunit naghuhuromentado na ang puso ko marahil sa kaba na nais malaman. Ngunit unti unting nanlaki ang aking mata at kusang pumatak ang ilang butil ng luha nang may mapagtanto

Tangina, umalis si Martin nang dere deretso. Nakakakita siya!

What is love: 2020Where stories live. Discover now