Chapter 7

18 1 0
                                    

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Hindi ko alam kung anong uunahin kong isipin. Una, nakakakita si Martin. Hindi ako pwedeng magkamali, nakita siya mismo ng dalawang mata ko na dere deretsong tumayo at umalis nang hindi hawak ang tungkod niya. He seems so confident at hindi ako naniniwalang kabisado niya lang ang daan kaya di na niya kailangan ng tungkod niya.

Were you lying all this time?

Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Marahil dahil kaibigan na rin ang turing ko kay Martin. Sa ikli ng pinagsamahan naming dalawa hindi ko inakalang mapapalapit agad ako sa kaniya. Siguro dahil hindi ko kailangang itago ang tunay kong reaksiyon at nararamdaman dahil sa pag-aakalang bulag siya.

Pero kung hindi siya bulag, ano yung eksena sa bus? Tinutulungan ba siya ni tita Belinda na magsinungaling sa'kin kasi maski si tita laging inaalalayan si Martin. Baka naman bulag talaga siya? Hay! Di ko na alam

Pangalawa, nagchicheat sa'kin ang boyfriend ko at alam 'yon ng tinuring ko ng bestfriend ko. Hindi lang 'yon, pinsan ko ang nabuntis niya. Pero sino sa mga pinsan ko? Tangina naaawa ako sa sarili ko. Ganon na lang ba 'ko kadaling lokohin at paglaruan? Ganon na ba ako kabulag para hindi makita yung mga galaw nila?

What the fuck Martina Ellise?!

Tinignan ko ang orasan, Alas siyete pa lang. Tatlong oras pa bago kami magkita ni Martin sa burol ng pangako. Ang prayer mountain. Pagkaalis ni Martin kanina ay tumakbo na rin ako dito sa kwarto ko. Hindi naman na ako kakailanganin sa baba dahil marami namang mag aasikaso doon.

Dahil marami pa akong oras ay tinawagan ko muna si Nico. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ko, basta gusto ko lang siya makausap

[Babe?]

[Nico. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, bakit mo ako niloko?]

[Babe look, it's not what you think it is I--]

[What do you mean it's not what I think it is eh wala naman akong iniisip? Shut the fuck up and tell me why did you cheat on me?]

Galit ako. Ramdam ko yun. Mas lamang ang galit ko kaysa sa sakit na nararamdaman ko. Puro tanong ang nasa isip ko at hindi ko alam kung paano masasagot isa-isa at kung kailan

[Just..listen to me babe. Hindi ko sinasadya I just..We just..]

[Bobo ka ba? You cheated on me with my cousin Nico for God's sake! Pinsan ko ang binuntis mo tapos sasabihin mong hindi mo sinasadya? Now tell me what happened! Tinitigan mo ba sya at sabay kayong nilabasan, napunta ang modtak mo sa kaniya at nag unite ang modtak niyong dalawa?! Did that happen that way?!]

Wala na akong pakialam kung marinig ako sa baba sa lakas ng boses ko. Pero mukhang imposible rin kasi rinig na rinig dito ang videoke nila

[Ellise! I told you to listen to me. Hindi ko sinasadyang nabuntis ang pinsan mo pero hindi ibig sabihin no'n nagsisisi akong may nangyari samin. I am not sorry for cheating on you, I am sorry for getting caught this early]

Nagpantig ang tenga ko sa narinig

[So you're trying to say na you really cheated on me because that's what you want? Why the fuck Nico? Binigay ko sa'yo lahat ng hinihingi mo, How could you cheat on me with my cousin?!]

I heard him laugh

[The fuck Ellise! You what? You didn't give everything I want. We can't even make out! 2 years of relationship Ellise and all we ever did is kiss! And you're expecting me to be faithful? To hell with you but Jia's better than you]

Natigilan ako sa sinabi niya. I heard a defeaning sound. Jia? No no no. This couldn't be. Jia is tita Andy's daughter!

[So it's Jia..] Natigilan siya sa sinabi ko [Oh well, Congratulations Nico. I hope you can be the best dad to your child and sana, if ever you will be having a daughter, hindi siya maloko tulad ko ng isang manlolokong tulad mo]

Nanginginig kong pinatay ang tawag. I can't breathe. Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak hanggang sa nakatulog ako.

Naalimpungatan ako at napatingin sa orasan. 12:15 am Shit! 2 hours had already passed! Mabigat pa rin ang pakiramdam ko at pakiramdam ko ay ubos na ang luha ko. Mahapdi na ang mga mata ko. Tahimik na rin sa labas. Tapos na ang party. Tulog na siguro sila.

Ngayon na rin pala ang araw ng alis ko. Mabigat man ang kalooban ay tumayo ako para maligo at magbihis. Nagsuot lang ako ng black high-waisted ripped jeans na pinartneran ko ng maroon bralette. I wore my denim jacket and my white sneakers. It's already 2am nang matapos ako. I left a note sa may refrigerator bago ako umalis.

Habol ang hininga, inangat ko ang aking tingin sa nagkikislapang bituin. Tila dinadamayan ako ng kalangitan sa dami ng bituin na nakapaligid dito. Parang tulad ko, marami rin itong nararamdaman at hindi malaman kung anong uunahin.

Niyayakap ako ng malamig na simoy ng hangin. Iniyakap ko pa ng mas mahigpit ang denim jacket na suot ko para hindi ako masyadong mahamugan. Imbis na sumakay ng tricycle ay tinahak ko ang daang paakyat papuntang Prayer Mountain.

Narito ako ngayon ngunit wala na ang Martin na nais kong makita. Hindi ko pa rin alam kung anong gagawin ko. Nanatiling tikom ang aking bibig sa nangyari sa amin ni Nico ngunit nanatiling maingay ang aking isipan. Napakaraming suhestiyon. Napakaraming nais sabihin. Ngunit isa lamang ang sigurado ko

Wala na kami ni Nico. Wala na ang relasiyong matagal kong pinahalagahan.

Mapait akong napangiti. Hindi ko inaakalang sa kabila ng malaking pagtitiwala ko at pagmamahal ko ay may mga tao pa ring kaya akong saktan ng walang kurap. Iwinaksi ko na iyon sa aking isipan nang maramdaman ang unti unting pagbabadya ng aking luha at pagsikip ng aking dibdib

"Mabuti naman at dumating ka" Nanlaki ang aking mata nang marinig ang boses na iyon. Teka? Anong oras na nandito pa siya?

Lumingon ako sa likuran ko at nakita si Martin na nakatayo. Nasa bulsa ang dalawang kamay, suot pa rin ang suot kanina. Seryoso ang kaniyang tingin. Unti unti siyang umupo sa tabi ko habang ako naman ay nakamasid lang sa mga galaw niya. Umupo siya sa mga tabi ko at dahan dahang isinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Bahagya niyang hinihimas ang buhok ko. Doon ko napatunayan na tama ang hinala ko

Martin can see. Nakakakita si Martin!

"Sasabihin ko na ang gusto mong malaman pero sana, kaya pa rin kitang hawaka ng ganito kapag sinabi ko" Malumanay ang mga salitang binibitawan niya at parang ingat na ingat siya.

Inilayo koang aking sarili sa kaniya upang pagpantayin ang aming mga mata "Martin, sabihin mo na lang kung anong kailangan kong malaman. Kung sa tingin mo mahihirapan na tayong gawin ang maliit na gestures na to kapag sinabi mo ang gusto ko. Wag mo na lang sabihin. Yung kailangan ko na lang malaman ang sabihin mo"

Nakita kong pumikit siya, doon unti unting nahulog ang butil ng mga luha mula sa mga mata niya at napayuko, paulit ulit na umiiling. Nangunot ang aking noo at pilit siyang inihaharap sa akin "Martin look at me. Just tell me..." pagsusumamo ko sa kaniya

Unti unting nagmulat ang kaniyang mga mata, napangiti ako. Napakaganda ng mapupungay niyang mga mata. Nang tignan ako ng mga matang 'yon, dahan dahan kong pinunasan ang mga luhang naglandas sa pisngi niya. Nanatiling nakatingin sa akin ang mga mata niya.

"Nakakakita ako. I'm sorry for lying" umiyak na naman ito. Pinagdikit ko ang aming mga noo. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magalit. I feel disappointed but I'm nit angry. "I know you have your reasons" lalong dumami ang luhang naglalandas mula sa mga mata niya "You don't have to tell me kung hindi ka pa handa. I'm just here,okay? I will try my best to understand your reason please, tell me as soon as posible Martin"

Imbis na sumagot ay niyakap ako nito ng mahigpit. Nakangudngid ang aking muka sa kaniyang dibdib. Hindi ko alam ngunit namayani ang kalungkutan sa aking puso at unti unting tumulo ang aking mga luha na hindi alam kung para saan

"Martina ako to...Your mighty"

Iyon ang huling katagang narinig ko sa kaniya bago ako mamilipit sa sakit ng ulo kasabay ng pagdaan ng maraming nagbalik na alaala

What is love: 2020Where stories live. Discover now