"Bilisan mo Martina!" Kanina pa ako napapagod kakatakbo pano ba naman kasi si Martin pahabol ng pahabol
"Ayoko na nga! Hindi naman kita mahabol Martin ambilis bilis mo tumakbo!" Tinalikuran ko na si Martin ng may nagbabadyang luha sa mga mata
Aalis na ko! Hindi na ko sasama kay Martin. Hindi na kami bati!
Umiiyak akong tumakbo pababa sa Burol ng Pangako. Isusumbong ko siya kay Mommy. Tumakbo ako ng mabilis na mabilis kahit na wala na akong nakikita dahil sa mga luha ko
"Aray!" Napabagsak ako sa lupa nang may mabunggo ako. Tumingala ako para makita siya at magsorry pero nagulat ako nang si Mama Bel ang nakita ko
Nakita niya siguro na ako ang nakabunggo sa kaniya kaya lumuhod siya sa harap ko "Oh Martina anak, nasaan si Martin?" Napansin siguro ni Mama Bel ang namumula kong ilong at pisngi "Teka bakit ka umiyak?" Doon na ako yumakap at pumalahaw ng iyak nang tanungin ako ni Mama Bel
Naramdaman ko na lang na binuhat niya ako habang nakahawak ako ng mahigpit sa leeg niya at umiiyak ng tahimik
Kinusot ko ang aking mga mata nang magising ako. Mahapdi ang aking mga mata, inilibot ko ang aking paningin at natagpuan ko ang aking sarili sa kwarto ni Martin. Nakasimangot akong bumangon at nakita ko si Mama Bel na naghahanda sa lamesa. Nakita niya ako at tinawag
"Martina anak wag ka na malungkot halika na kain na" kahit na walang luha ay sumisinghot singhot akong umiling "Nagluto akong bananaque" doon nagliwanag ang aking muka at umupo sa plastik na upuan sa may lamesa. Binuhat pa ako ni Mama Bel para mabilis na makaakyat
Ansarap talaga ng bananaque na luto ni Mama Bel! Para siyang si mommy kasi parehas sila masarap magluto pero hindi kasi palagi nagluluto si mommy kaya lagi ako nandito kila Mama Bel
Masaya kong nginunguya ang bananaque na luto ni Mama Bel nang biglang pumasok si Martin. Hinihingal siya habang hawak ang isang plastik na hindi ko alam ang laman. Pagkakita pa lang sa kaniya ni Mama Bel ay pinagalitan na siya "Ikaw talagang bata ka bakit mo iniwan si Martina? Saan ba kayo nagpupunta at iniwan mo pa 'tong kaibigan mo" oo nga pala, hindi alam nila Mama Bel at mommy na nagpupunta kami sa Burol ng Pangako
Kamot ulong lumapit sa akin si Martin. Iniabot niya sa akin ang plastik na hawak niya at nagningning ang aking mga mata nang makita na puro lollipop iyon at puro grapes flavor! favorite ko! Sumisinghot singhot akong bumaba sa inuupuan ko at tinanggap yon bago ngumiti ng malaki. Natawa si martin kaya naman napasimangot ako "Bakit mo ako pinapag tawanan?" naiiyak na naman na sambit ko
Hinawakan niya ako sa ulo kasabay ng pag angat niya ng laylayan ng damit niya saka ako niyuko at pinunasan ang aking bibig "Puro ka kasi asukal. Ang kalat kalat mo naman kumain Martina parang bananaque lang eh!"
Natawa kami pareho. Niyakap ako ni Martin kaya niyakap ko rin siya. Si Martin lang ang pinaka paborito kong bestfriend!
Pagkatapos kami pakainin ni Mama Bel ng bananaque ni Maritin sabay na kaming natulog sa may kwarto niya na ang design ay frozen. Yon kasi ang paborito kong cartoon buti nga pumayag siya na ganon ang design ng kwarto niya, answerte swerte ko talaga sa best friend ko
"Sige po Mama Bel bukas na lang ulit!" Nakangiti akong kumaway kay Mama Bel bago ako pumasok sa gate namin. Kanina pagkagising namin ni Martin ay saka ko lang naalala na kailangan ko na palang umuwi kasi baka patulugin na naman ako ni mommy sa tanghali bago ako palabasin. "Bye Martin!" kumaway din sa akin si Martin at ngumiti
Habang naglalakad ako sa may bakuran namin ay naririnig ko na sila mommy at daddy. Naku! Mukhang nag-aaway sila dahil sigaw ng sigaw si mommy. Tumakbo ako ng tahimik para silipin sila. Naiyak ako nang makita ko si mommy na nakayuko sa sofa at umiiyak habang si daddy naman ay niluluwagan ang necktie na suot niya at namumula.
YOU ARE READING
What is love: 2020
RomanceLove is not about believing everything what your special person said, it is about being open to each other. Telling the truth, accepting the flaws and staying through the bad times.