Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga, natagpuan ko na lamang ang sarili na habol habol ang hininga habang malakas ang pintig ng puso. Pawisan ang aking mga noo ngunit nanginginig sa lamig ang aking mga kamay
"Ellie.." nasa loob ako ng isang kwarto. Pamilyar ang kwartong ito, puimikit ako at inalala kung saan ko ito nakita. Ah sa panaginip! Iginala ko ang aking paningin at nakita ang mga nakadikit na iilang poster ng Frozen. Tama ako ito nga ang kwarto ni Martin gaya ng nasa panaginip ko "Uminom ka muna ng tubig anak. Kamusta na ba ang pakiramdam mo?" tinapunan ko ng tingin ang isang magandang ginang na nasa harap ko. Nakalahad ang baso sa aking harapan habang puno ng pag-aalala ang mga mata ng ginang
Imbes na tanggapin ito ay tinitigan ko ng mabuti ang ginang. Walang nagbago sa kaniya,lihim akong napangiti sa aking naisip. "Mama Bel" nakangiti at dahan dahang sabi ko
Ang singkit nitong mga mata ay nanlaki na lang bigla. Inilapag nito ang basong kaninang iniaalok sa akin sa may side table saka nagmamadaling tumabi sa akin "Naaalala mo na?" hindi magkaugagang tanong nito. I could hear the excitement, longing...and fear on her voice. Tumango ako sakaniya "Opo pero sa tingin ko kulang pa po ang naaalala ko pero kahit na ganon naman po ay sapat naman na po siguro yun para makilala ko kayo" unti unting nanubig ang mga mata nito saka ako mahigpit na niyakap
"Jusko! Ellie,anak ko!" naiyak na rin ako sa mga bisig niya.Ramdam ko yung longing sa mga yakap niya, at ganun din ang namamayani sa puso ko. Bumitaw na siya sa yakap at iniharap ako sa kaniya. Basa pa ang kaniyang mga pisngi dahil sa mga naglandas na luha, tinitigan ako ni Mama Bel na para bang pinag-aaralan niya ang mukha ko dahil antagal niyang hindi nakita, which is totoo naman
"Ayos ka lang ba anak?" tumango ako kay Mama Bel "Alam ba ng mommy mo na nandito ka hija?" umiling naman ako "Alas siyete na ng gabi, napakahaba ng itinulog mo. Dito ka na lang muna kasi masiyado ng delikado kung babyahe ka pa ngayon. Sa makalawa yung susunod na byahe ng barko papuntang Batangas. Alas sais ng umaga"
"Ahm Mama Bel, nasaan po si Martin?" nahihiyang tanong ko. Hindi pa kami nakakapag usap matapos ng nangyari. Ngayong naalala ko na kung sino siya at kung anong koneksiyon meron kami una pa lang, masaya ako dahil bumalik pa rin kami sa isa't isa kahit pa maraming taon na kaming nagkahiwalay. Ang kaibigan ko!
Eksaktong pagkatanong ko nun kay mama Bel ay pumasok ng kwarto si Martin. Bakas ang gulat sa mukha nito nang makitang magkaharap kami ng mama niya at magkausap,ngunit hindi rin nagtagal ay nagpakawala ito ng hininga at saka umalis na.
Binalak ko siyang sundan upang makapag-usap kami,inalis ko na ang kumot na nakabalot pa sa kalahati ng katawan ko at akmang tatayo na nang pigilan ako ng mga kamay ni mama Bel. Ngumiti ito sakin na parang pinapahatid na hayaan ko na lang muna ang anak niya. Napayuko ako "Ako na muna kakausap sa kaniya Ellie. Nang malaman niyang naalala mo na lahat doon naman siya naduwag, siguro may mga bagay na hindi pa siya natatanggap makalipas ang mahigit isang dekada. Sampung taong gulang ka pa lang noon at bentesingko ka na ngayon. Kita mo naman, napakaraming oras na ang lumipas pero hindi pa rin siya naghihilom. Bigyan muna natin siya ng panahon nak"
"Paano niya po nalaman na may naaalala na ako eh diba po ngayon lang naman po ako nagising? ikaw pa lang po yung nakakaalam mama Bel"
"Siguro may hint na rin siya na naaalala mo na kasi noong dalhin ka niya dito na buhat sa bisig niya may binubulong ka tapos amputla putla niya. Siguro nagsasalita ka habang tulog about sa past na nagbalik sa alaala mo"
Bigla akong nawalan ng gana,bumalik na lang ako sa pagkakahiga ko. Malalim ang iniisip,bakit kaya ayaw niya ako kausapin? kung alam niyang naaalala ko na ang lahat diba dapat mas dapat kaming mag-usap?
tumingin ako sa orasan sa may side table. Alas dos na pala, pero hindi ko pa rin nakikita si Martin na pumasok dito, o baka naman pumasok na siya noong tulog ako? I let out a heavy sigh. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito siya bigla.
Muntik na akong mapatalon nang makita ang bulto ng matipunong lalaki sa may bintana sa harap ko na naiwang nakabukas. Matatakutin pa naman ako! Nakatingin ito ng deretso sa akin, oh my god bakit parang hinihigop niya yung lakas ko! "Labas ka dito,usap tayo" kumurap pa ako ng ilang beses bago ko napagtantong inaayos ang sarili ko sa maliit na salamin na nakasabit dito sa kwarto.Dahan dahan akong naglakad palabas ng kwarto ni Martin saka ako dahan dahang sinara ang pinto ng bahay nila. Madilim pa sa labas, iginala ko ang aking paningin at natagpuan si Martin na nakaupo sa gulong na ginawang duyan. Nang mapansin niyang may nakatingin sa kaniya kaya lumingon siya sa gawi ko. Tumayo siya sa kinauupuan niya at sinenyasan akong lumapit sa kaniya
"Upo ka dito" pinaupo niya ako sa kanina niyang inuupuan habang siya ay nanatiling nakatayo sa harapan ko kaya kinakailangan ko pang tumingala para makita ang kabuuan ng mukha niya. Ang bilog na buwan na ang nagsisilbing liwanag para kahit papaano ay maaninag ko ang halos perpekto nitong mga mukha "Naaalala mo na" it wasn't a question but a statement of fact. Dahan dahan akong tumango and I heard him chuckled
"Hindi ko hinihingi ang pag-intindi mo Martina. Wala rin akong panahon para pag-usapan yung kung anong dating meron tayo at hindi ko rin alam kung anong ipapaliwanag ko sa mga dating nangyari. I need time to heal,kakapalan ko na yung mukha ko. I won't ask you to stay away from me Martina kasi I don't want to take away your freedom. Buhay mo yan ehm you should decide on that. Dahil ako ang may hawak ng buhay ko,ako lang rin ang may karapatang magdesisyon para sa sarili ko and I decided to run away from you"
Naramdaman ko na lang ang mainit na likidong umaagos sa pisngi ko. Ilang beses ko sinubukang punasan ang mga nagkukumawalang mga luha sa mga mata ko pero hindi talaga tumitigil sa paglalandas kaya hinayaan ko na lang ang mga itong maging malayang maglandas sa aking mga pisngi. Nahihirapan akong hinanap ang mga mata niya,ngunit wala akong nakitang mga emosyon dito. Sumasabay sa lamig ng ihip ng hangin ang lamig na bumabalot sa pagtrato at pananalita ni Martin
"H'wag mo sanang isipin na aalis ako kasi ayaw ko sayo. Aalis ako kasi ayoko ng guluhin ka. Tahimik ka na Martina and I want to give you that kind of peace because that is what you deserve. Hindi na ako babalik Martina, I am so sure of that kasi hindi ko na kayang makita ka na naguguluhan uli ng ganiyan. Kaya sasabihin ko na sayo ang bagay na dapat matagal mo ng alam" My heart skipped a beat when he started lowering himself para makapantay sa mukha ko. Everything seems so slow, mula sa dahan dahang paglapit ng mukha niya sa akin hanggang sa maramdaman ko ang marahan na paglapat sa aking mga labi
"Sobrang love kita,Martina" with that he left me with my mouth partly open ngunit nanatiling nasa labi ko ang aking daliri habang sumisikip ang aking paghinga sa tanawin ng likod niyang tinatalikuran ako. My mind went empty and all I could think is one thing
Did he just kissed me?
YOU ARE READING
What is love: 2020
RomantizmLove is not about believing everything what your special person said, it is about being open to each other. Telling the truth, accepting the flaws and staying through the bad times.