KRAZIELLE
Nagulat na lang ako nang itext ako bigla ni Martina to check myself.
To: Martina Ellie
Ulol???Anong tinira mo hahahaFrom: Martina Ellie
Gago! I think you left your ring hereTalagang ganoon na lang ang gulat ko nang mareceive ang reply niya. Naalala ko kanina na nag iinstagram ako hanggang sa lumabas sa newsfeed ko ang post ni Tyra, ang ex-girlfriend ni Eidren
Hindi lingid sa kaalaman ko ang namamagitan kay Eidren at Ellie, mas lalong hindi naman ako tutol. Nakilala ko si Eidren nang wasak siya dahil iniwan siya ng ex niyang si Tyra. Matapos ang isang taon ay ipinakilala ko na rin siya sa best friend kong galing rin sa break up na hindi naman siya jinowa
Una pa lang ay napapansin ko na ang panaka nakang sulyap ni Eidren kay Ellie pero hindi ko ito pinapansin. Nang minsang mahuli namin si Ellie na umiiyak nang buong magdamag sa kwarto niya ay nakita ko ang kakaibang pag-aalala sa mukha ni Eidren. Nasaksihan ko kung gaano kadilim ang mukha niya sa t'wing mababanggit si Martin.
Kaya noong nakumpirma ko ngang may something kay Ellie at Eidren ay hindi na ako nagtaka pa. Kahit na bumalik na si Martin ay natutuwa akong nangunguna na sa puso ni Ellie si Eidren
Ngunit heto na naman. Nang makita ang post ni Tyra at text ni Ellie ay kaagad akong dumiretso sa condo unit niya
Hindi pwedeng masaktan ang bestfriend ko! Una kay Nico, sunod kay Martin tapos eto naman ngayong si Eidren!
Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nakumpirma kong ang singsing na sinasabi ni Ellie ay ang pinost ni Tyra. Lubos akong magagalit kay Eidren kaysa sa dalawa. Alam ni Eidren ang pinagdaanan ni Ellie. Nasaksihan niya kung paanong halos ikamatay na ni Ellie yung iyak at higit sa lahat kasama ko siyang maghintay noon na papasukin ni Ellie sa mundo niya at pagbuksan
Hindi ka ganito Eidren, you're more than this!
Nang maiabot sa akin ni Ellie ang singsing ay biglang nanuyo ang lalamunan ko habang pabalik balik kong tinitignan ang cellphone ko at ang singsing. Akala ko nagloloko lang si Tyra dahil balak niyang maghabol kay Eidren
Nang makuha ni Ellie ang phone at makita ang reaksiyon niya, doon ako napahikbi ng tahimik. Nilulukob ako ng kakaibang awa ngunit nangingibabaw na galit para kay Eidren. Napakaswerte na nito na mahal siya ng best friend ko. Tatanga tanga ang best friend ko sa pag-ibig pero masasabi kong masarap siyang mahalin at mas lalong masarap magmahal
Pagkatapos akong iwan ni Ellie ay nanatili ang pagtulo ng luha ko. Iniligpit ko ang hinanda niyang mesa habang tumutulo ang luha ngunit ganon na lang ang lumukob na kalungkutan sa akin nang marinig ang malalakas na hikbi ni Ellie
Tangina mo Eidren! Tangina ka! Umiiyak na naman ang bestfriend ko
Nang matapos magligpit ay dumiretso ako sa guest room. Ayokong iwan si Ellie dito. Hindi ko na sinubukang katukin siya dahil kilala ko na siya. Paniguradong hindi niya ako pagbubuksan at siguro tama na hayaan niya muna ang sarili niyang umiyak ng mag-isa
Lumabas ako uli para kunin ang naiwan kong sling bag sa sofa nang makita kong may umiilaw sa may ilalim ng sofa. Pinulot ko ito at ganoon na lang ang pagdidilim ng mukha ko nan makita ang nakarehistrong pangalan ni Eidren
"M-martina.. I can't come h-home" narinig ko ang pagkabasag ng boses nito nang sagutin ko ang tawag niya
"Si Krazielle 'to.." malamig na tugon ko
"Kra? Uy! Ahm bakit hawak mo ang cellphone ni Martina? Movie marathon kayo 'no shkk sayang di ako makakauwi" napapikit na lang ako sa sobrang galit
"Ang kapal ng mukha mo" tumulo ang luha ko matapos ko sabihin ang linyang 'yon. I never imagined cursing him, my bestfriend "Ang kapal kapal ng mukha mo Eidren! You've been there!" Bigla akong napaluhod nang maalala ang reaksiyon ni Ellie kanina
"You knew" It wasn't a question kaya nakumpirma ko ito galing sa kaniya
"We knew! Ang lakas ng loob mo Eidren! Saan mo kinuha ang kapal ng muka mo na saktan ang bestfriend ko?! Itinuring kitang kaibigan eh pero eto ah realtalk, atin atin lang..PUTANGINAMO GAGO KA!" Nagngangalit ang kalooban ko dahil sa sitwasyon na naman ngayon ni Ellie at wala man lang akong nagawa para protektahan siya
"Where's she?" Umakyat na ata ang galit ko sa ulo ko at parang puputok na nang tanungin ako ni Eidren. Oo nga't mahihimigmigan ang basag sa boses niya pero yung kaibigan ko, pagkatao ang nabasag!
"Oh! You wanna know where the hell is she? Then guess! I'll give you a clue. A girl has been in her jail again & crying out loud, nearly going crazy and every information is tearing her apart!" Narinig ko ang mahihinang hikbi ni Eidren ngunit hindi non matutupok an naglalagablab na galit na nararamdaman ko
"Ilalayo ko siya sa'yo Eidren. Hindi ko na siya hahayaang malapitan mo! Not even once. Hahayaan kitang mamiss mo ang mga alaala niyo—nating magkakaibigan! Gusto kong alalahanin mo kung paano ka minahal ng bestfriend ko at magsisi ka na sa kabila non ay dinurog mo siya ng ganito. Fuck you! Mas maganda si Ellie kay Tyra! Yung fiancé mo mukhang bakla gago!"
After that call ay bumalik na uli ako sa guest room. Iniwan ko ang phone ni Ellie sa may table sa living room saka ako nahiga sa kama
Alam kong hindi mo na naman kaya Martina Ellie. Nabigo man akong protektahan ka sa pananakit na naman sayo ng taong pinili mo, mananatili naman ako sa tabi mo. Sabay tayong tatakbo. Let's run away and I'll be with you while you're choosing yourself
—
Kaunti lang ang update nito dahil gusto ko lang makita niyo ang point of view ng pinaka mamahal na bestfriend ni Martina. Hope I could get a friend like her!Enjoy reading :) and sana magustuhan niyo. I'm still learning kaya sana pagpasensiyahan niyo na yung grammatical errors hehe
Spread Love! ❤️❤️❤️❤️
YOU ARE READING
What is love: 2020
Lãng mạnLove is not about believing everything what your special person said, it is about being open to each other. Telling the truth, accepting the flaws and staying through the bad times.