Chapter 23

5 0 0
                                    

Matapos ang camping namin at ang two weeks staycation ay umuwi rin kami agad. It's been four days simula noong makauwi kami. Plano namin ni Krazielle na icongratulate si Eidren. He's our friend at all

From: Krazielle
Meet me at the café

Matapos kong matanggap ang text ni Krazielle ay umalis na ako sa condo ko para puntahan siya sa café malapit sa condo ko. Matapos ng mga nangyari ay napagdesisyunan kong tanggapin na lang ang lahat.Masakit,oo pero kailangan.Kung ipagpapatuloy ko pa 'to at ipaglalaban si Eidren ay mas guguluhin ko lang ang buhay niya.Ang kasiyahan niya pa rin ang mahalaga para sa akin

Nakita ko naman agad si Krazielle sa may tapat ng café. Sumakay na kami sa kotse niya. Umupo ako sa passenger seat "Where are we going?"

Ngayon kami magkikita kita nila Eidren.Alam ko na masyadong mabilis ang mga pangyayari pero kung patatagalin namin ay wala namang magbabago,magsasayang lang kami ng oras.Kailangan kong itago ang sakit na dala dala ko kay Eidren para hindi na siya mahirapan pa.Alam kong ayaw niyang nasasaktan ako kaya kung ipapakita ko sa kaniya kung gaano ako nasasaktan sa sitwasiyon namin ay mahihirapan lang siya at 'yon ang ayokong maranasan niya.

Tumigil kami sa tapat ng pinagtatrabahuhan ni Eidren. Nandito kami sa may building niya—sa kumpanya nila. Nagtype si Krazielle sa cellphone niya,matapos no'n ay tumingin siya sa'kin ng seryoso ngunit bakas ang pag aalala

"Kaya mo na ba talaga?Ayokong pilitin ka sa isang bagay na hindi mo pa naman kaya" I smiled at her "Ayos na 'ko and besides,kung magmumukmok lang ako sa isang tabi mas maiisip ko yung lungkot ko. I have to move forward after all" nginitian niya rin ako ngunit ang pag aalala ay hindi pa rin nawala

"Sorry kung feeling mo nagmamadali rin tayo.I don't want to lose you both.." yumuko siya ay napabuntong hininga bago tumingin uli sa'kin "Kung meron lang ibang paraan para mai-keep kayong pareho nang hindi nasasaktan ang sinuman sa inyo" ngunit binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti saka siya tinapik sa balikat. Inginuso ko na sakaniya ang papalapit na si Eidren

Kinatok niya ang bintana ng kotse ni Krazielle "I'm glad you came" nakangiting sabi niya kay Krazielle. Ayun na naman yung kirot na muli nabuhay sa puso ko. Parang nag-iinit ang mga mata ko kaya inilipat ko sa iba ang paningin ko. Inakala ko pang para sa akin ang sinabi niya. Napailing na lang ako sa sariling naisip

Binuksan niya ang pintuan sa likod at doon siya naupo. Pinaandar na ni Krazielle ang kotse. Pinanatili ko sa daan ang tingin ko upang maiwasang tignan si Eidren mula sa salamin sa harap ko. Tahimik lang ang naging byahe at walang sinumang gumawa ng ingay

Napabuntong hininga nalang ako sa sobrang awkward ng atmosphere. Nag ipon ako ng hangin sa katawan ko bago ako lakas loob na lumingon kay Eidren

"So Eidren..How are—" Napatingin sa akin si Eidren ngunit hindi ko na natuloy ang sasabihin ko at naputol na ang tingin niyang 'yon nang magring ang cellphone niya

Napapahiya akong lumingon uli sa daan. Nararamdaman ko ang titig ni Krazielle ngunit isinawalang bahala ko na lang ito

"Tyra?..N-no—I'm with my f-friends..Okay!" Napatitig na lang ako sa mga daliri kong pinaglalaruan ko habang nakayuko. Nang tumigil ang kotse ay saka na lang ako nag-angat ng tingin

Nasa mall kami na may parke sa harapan. Nauna na akong bumaba sumunod naman si Krazielle pagkatapos ay si Eidren "So guys..Jollibee?" Napangiti kami pareho sa tanong ni Eidren bago kami naglakad papasok ng mall at pumasok sa Jollibee

Si Eidren na ang umorder para sa amin habang kami naman ni Krazielle ang humanap ng mauupuan. Nang makakita kami ay saka ko inabala ang sarili ko kapipindot sa cellphone ko kahit na bukas sara lang ako sa mga applications ko

"I hope you're okay Martina Ellie.." Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Krazielle pero nginitian ko lang siya to assure her na okay lang ako. Hindi na rin kami nakapag usap dahil dumating na rin agad si Eidren

Habang tahimik kaming kumakain ay nagsalita si Eidren dahilan para mapatingin kami sa kaniya "How are you ladies?" Nakangiti niyang tanong

Nagpunas muna si Krazielle ng tissue sa gilid ng labi bago sagutin ang tanong "We're incredibly fine, I wish you are too" tipid nitong sagot. Sumeryoso naman si Eidren

"Kra..Martina I am really really sor—" Krazielle showed her palm to Eidren,trying to stop him "Mamaya na lang natin pag-usapan. We're still eating pa" napabuntong hininga lang si Eidren ngunit wala ring nagawa

Hindi ko alam kung paano ko naubos ang pagkain ko at paano ko ito nalulunok gayo'ng maliliit lang naman ang hiwa ko. Pinilit kong wag tignan si Eidren at inabala ang sarili ko sa pag kain. Nang matapos kami kumain ay inaya kami ni Krazielle sa may rooftop ng mall kung saan may mga fake bermuda grass. Open air doon at maaliwalas, mas magandang venue para mag-usap.

"It's nice to meet you again, Eidren Welgie Albaro" nakangiti munit seryosong sambit ni Krazielle

Sinuklian siya ni Eidren ng tipid na ngiti. Naupo ako sa tabi ni Krazielle,pinapagitnaan kami ni Eidren. Pumunta si Eidren sa harap naming dalawa saka yumuko "I'm sorry for what I've done.." pumiyok ang boses niya ngunit mataman akong tinignan sa mga mata "..And what I've put you through" iniwas ko ang aking paningin saka tahimik na bumuntong hininga

"I know what I did was unjustifiable and wrong. I'm not here to clean myself,I'm here to plainly say sorry.I have no excuse for what I've done and I'll accept if you'll get angry with me..j-just.." nakita naming tumingala si Eidren,nagpipigil ng luha "D-dont break the friendship..You can get angry as long as you want j-just please..P-please.." unti unti ng bumagsak ang mga luha niyang pilit niyang tinatago kanina pa "L-let's be friends.." Bumalatay ang sakit sa mga mata niya. Hindi niya sa akin 'yon sinabi ngunit pakiramdam ko ay ako lang ang sinabihan niya.Namanhid ang mukha ko at nag-init ang gilid ng mga mata ko kaya bago pa tuluyang tumulo ang luha ko ay mabilis kong niyakap si Eidren

Nagulat siya sa ginawa ko kaya napataas pa ang balikat niya sa gulat. Maski si Krazielle ay nagulat rin pero sinenyasan ko siyang yakapin rin si Eidren "I'm really..really sorry"  Namuo ang luha sa mga mata ko na palihim ko ring pinunasan

"It's okay..I—We understand" pilit kong iniharap siya sa akin at hinaplos ang buhok niya. Nginitian ko siya ng tipid

"Galit pa rin ako sayo Eidren.." sabat nu Krazielle "But atleast..kahit papaano ay nabawasan. You know how important Martina Ellie is to me,kaya nang makita ko ang kalagayan niya ay umakyat ang galit sa ulo ko.I'm sorry for what I've said about you and your fiancé..but I never regretted it" parang nakahinga ng maluwag si Eidren

"Let's be friends forever. If that's the only way that we could keep each other" Nakangiting sabi ko kasabay ng kirot sa puso ko. Nag fist bomb pa kaming tatlo

"So who wants Ice cream?" Nakangiti kaming tumayo at bumili ng ice cream. Tulad ng dati ay nagkulitan kami at nag asaran

Nakakatuwa lang na sa kabila ng lahat ay mas pinili naming maging magkakaibigan..para wala ng masaktan. Para wala ng maiwan. Kahit na masakit sakin,ayos lang ako..lilipas din 'to

What is love: 2020Where stories live. Discover now