"Manong sa may Abra po" sambit ko sa driver ng tricycle na sinakyan ko bago ako sumakay
Ilang oras na rin ang nakaraan matapos kong makasama ang bulag na estrangherong nakilala ko. Mula ng makababa ako ng bus ay hindi ko na uli inintindi ang paligid ko. Hindi ko alam kung saan ang destinasyon niya at wala na akong balak alamin pa.
Pagkababang pagkababa ko ay dumiretso na agad ako ng sakay sa barko at doon na nakabawi ng kakaunting tulog. Hinayaan ko ang isip kong harangan ang mga problema dahil kailangan ko rin naman ng peace of mind
"Manong dito na lang po ako sa bayan" Bumaba na ako matapos iabot ang bayad
Gusto kong maglakad na lang papunta sa amin tutal napakalapit lang naman. Namiss ko rin kasi 'to. Nakakamiss maglakad lakad dito sa munting bayan habang nakalalanghap ng sariwang hangin. Hindi pa naman mahapdi sa balat ang sikat ng araw
Chineck ko ang oras sa cellphone ko at tama nga ang hinuha ko. Alas otso pa lang ng umaga. Habang naglalakad lakad ay bumabaling sa kaliwa't kanan ang aking ulo at inaalala ang mga dati kong gawain noong nasa puder pa ako ng mga magulang ko.
"Mommy! Daddy! Nandito na ako" tuwang tuwa akong nagtatalon sa bahay nang marating ko ito
"Ellie anak!" Sinalubong ako ni mommy na galing sa kusina at nakasuot pa ng apron. Niyakap ako ni mommy at hinalikan sa pisngi "Buti naman maaga aga ka"
"Mommy nasaan po si Daddy?"
"Nako wala pa. Hinayaan ko muna ang daddy mo na sumama sa mga kumpare niya. Pahinga ka muna ellie ako na bahala diyan sa mga gamit mo"
"Sige po mommy doon muna ako sa kwart ko since namiss ko talaga dito" hinalikan ko si mommy sa pisngi bago ako excited na pumunta sa dati kong kwarto
Maingat kong sinara ang pintuan upang hindi makagawa ng ingay. Bitbit ang aking cellphone ay umalis ako ng bahay. Isinalpak ko ang earphones sa magkabilang tenga at nagpatugtog
Hindi pa sumisikat ang araw dahil alas kwatro pa lang ng umaga. Balak kong tumakbo paikot sa bayan tulad ng aking gawain nuong naririto pa ako.
Slow rhyth of music is filling my ears as I run slowly towards our neighborhood. I let my mind be empty thought while running but a sudden image flashed into my mind
It was that guy. Martin..I never saw him again after we seperated our ways on the bus. I don't know what it is but there's really something in him.
Mula sa mga kilos niya hanggang sa mga salitang binitawan niya na nakapag patahimik sa amin.
Why does everything feels so connected? It's like everything that happens is a jigsaw puzzle that I need to fix for me to see everything that is hidden.
Iwinaksi ko na lang sa isip ko ang lahat dahil gusto ko ng peace of mind. Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa bayan.
"Ellie hija!" Napangiti ako nang marinig anh boses na iyon
"Aling Floresca, Magandang umaga po!" Nakangiti kong bati. Si aling floresca ay nagtitinda dito sa bayan ng bulaklak. Maliit lamang ang pwesto niya ngunit marami ang bumibili sa kaniya. Karamihan sa tinda niya ay rosas na pula. May katandaan na ito ngunit makikita mo ang bakas ng kagandahang taglay noong kadalagahan
"Ngayon ka lang uli nakabalik rito. Mukhang maganda ang dulot sayo ng Maynila dahil gumaganda ka" natawa ako sa sinabi niya
Nag-usap pa kami saglit tungkol sa naging buhay ko sa Maynila ngunit kinailangan ko ring umalis.
Malapit ng sumikat ang araw kaya nagmanadali akong tinahak ang daan paakyat palayo sa bayan at sa aming bahay.
Habang paakyat ay hindi ko maiwasang mapangiti dahil alam kong nagbalik ako. Sa pananatili ko rito sa Mindoro ay ito lang ang lugar na paulit ulit na binabalikan ko. Siguo dahil walang nakakalaam o kung meron man ay wala itong nga pakialam
Nang halos marating ko na ang destinasyon ko ay napahinga ako ng malalim sa sobrang tuwa. Nakangiti kong tinahak ang daan paakyat kahit na nakakapagod dahil galing lang ako sa takbo
Ngunit hindi ko ito sinukuan. Ilang saglit pa ay narating ko rin sa wakas. Dito ako madalas pumunta walong taon pa lang ako. Pagod kong iniupo ang sarili ko at tinanaw ang pier. Kitang kita mula sa kinauupuan ko ang pier at ang mga kabahayan pati na rin ang light house
Habang ina-appreciate ko ang tanawin ay hindi ko maiwasang maisip ang dati kong gawain dito noong bata pa ako. Napatingin ako sa punong wala ng dahon sa tabi ko. Parang trunk nalang ito at patay na. Tanging katawan na lang nito ang nakatayo.
Ngunit sa tagal kong nagpupunta rito ay ngayon ko lang napansin ito. Sa tagal kong naging tambayan ito ay hindi ko pa ito kailanman nakita
Pinadausdos ko ang aking daliri upang sundan ang traces nito. Nakaukit ito sa may katawan ng puno at kung titigna'y may katagalan na ito.
Mighty My T
Habang sinusundan ko ang traces nito habang tinititigan ng maigi ay kinilabutan ako bigla. Parang may kusang hinahalungkat ang isip ko na tinatago nito.
Naiwan akong nakatitig sa katagang nakaukit sa puno habang tila hinahataw sa bilis ang tibok ng aking puso.
What's happening? Why is everything seems so connected?
Pilit kong pinapakalma ang naghuhuromentado kong puso. Hindi ko magawang ipikit ang aking mata at tila ayaw niyong malingat sa mga katagang iniukit sa puno
Kaya naman halos malaglag ako sa gulat nang makita ang lalaking nasa tabi ko.
Mula sa tahimik nitong singkit na mga mata pababa sa perpektong tulis nitong mga ilong hanggang sa mapupula nitong labi. Nakaawang ang aking bibig habang pinagmamasdan ang nilalang na nasa tabi ko at pilit na iniisip kung paano ito nangyari
Tila naramdaman nito ang titig ko kaya mula sa diretsong tingin niya sa tahimik na karagatan ay nilingon niya ako
"Dito ka rin pala naghihintay sa pagsikat ng araw" Mahinahon at nakangiting sambit nito ngunit heto ako at tulala pa rin sa kaniya
Kinurot ko ang aking sarili upang magising "A-ah oo.." nauutal na sambit ko. Ngumiti ito ng bahagya sa gawi ko bago ibalik ang tingin sa harap namin
Papasikat na ang araw at nagkakahel na ang kalangitan. Napakaganda ng tanawing ito kaya naman hindi ako nagsasawang balikan ang lugar na ito.
Ang prayer mountain.
Ilang sandali pa'y sa gitna ng katahimikan na namumutawi sa amin ay nagsalita ito. Habang nakatingin sa araw na animo'y totoong nakikita nito ang pag angat ng araw sa kalangitan
"Do you believe that love is blind?" Nakangiting sambit nito ngunit iba ang boses niya. Parang may hinahalong sakit, pangungulila na hindi ko malaman.
Ngunit ang nakakuha ng atensiyon ko ay ang mga mata niya. Kumikinang ito at parang may gustong sabihin. Napahawak ako sa aking dibdib habang nakatingin sa kaniya.
Martin..
YOU ARE READING
What is love: 2020
RomantizmLove is not about believing everything what your special person said, it is about being open to each other. Telling the truth, accepting the flaws and staying through the bad times.