Chapter 1

667 30 4
                                    

"Ang dami mo na namang kinakain! Akala ko ba nag-dadiet ka? Magbawas ka namang nang lamon, kahit konti lang anak, di ka na ba naawa diyan sa katawan mo?" Sermon na naman ng mommy ko.

Ano bang magagawa ko, ang sarap kayang kumain. Nam nam nam.

"Bukas nalang ulit ako mag-uumpisang mag diet mommy, ang sarap kasi nitong luto mong adobo." Lahat naman masarap sa akin, basta nakakain hihihi.

"Mommy mo pa ngayon ang sinisisi mo kaya naging dambuhala ka?" Si daddy na kahahain lang nang kanin at ulam sa plato niya.

"Si daddy naman, ang sexy ko kaya" Totoo na naman sexy ako, sa paningin ko. Ewan ko ba sakanila di nila makita yung kasexihan ko.

Minsan nga iniisip ko na siguro puno na ng muta yung mga mata ng tao sa paligid ko. Ano ba kasi para sakanila ang definition ng sexy? Yung buto't balat ba na model ng FHM.

"Huwag mong gawing biro yang katabaan mo, mas malaki ka na sa amin nang mommy mo." Si daddy sabay higop ng juice.

"Opo, basta pahingi allowance pangbili ng bagong damit." ako habang lumalamon.

"Oh bakit? Pumuputok na naman ba sa iyo yung mga damit mo? Kung sexy ka o di hindi sana ganyan." Sus! mommy ginatungan pa si daddy.

By the way, I'm Maria Olive Penelope Celeste, pinakasexy na nilalang sa balat ng bahay namin. Maganda, mabait, matalino at lalo na ang SEXY. With wavy curves ang body ko, di tulad ng iba na straight lang parang poste ng light diyan sa kanto. May friend rin naman kahit papaano, pero boyfriend? Syet! Madami, madami kaming pagkain sa ref.

--

Pagkatapos maghapunan, dumiretso ako kaagad sa kwarto ko para mag laptop. Nakaka-asar sila mommy at daddy, palagi nalang pinupuna yung kasexihan ko.

Sa totoo lang naman inaamin ko ring medyo nananaba na ako pero di naman ako dating mataba, sa katunayan nga sexy talaga ako.

Ewan ko ba kung paano ako tumaba nang ganito siguro sinumpa ako nung babaeng pulubi na hindi ko binigyan ng limos, ano ba yan kung ano-anong iniisip ko makapag facebook na nga lang.

"OMG!!! Ang gwapo talaga ni Kade!" Sabay tili sa katabi kong unan.

Baka marinig ako nila mommy siguradong mapapagalitan nanaman ako nun pag nagkataon, kaya nagpipigil ako sa pagtiling muli. Pano ba naman kasi ang hot ni Kade sa bago niyang upload na photo.

Siguro nagtataka kayo kung sino ba itong gwapong nilalang na to? Siya lang naman ang ultimate crush ng bayan na si Kade Javier Leones! Ang gwapo niya talaga, siya nga yung inspiration kong magpapayat.

Pero ayun, sa tuwing may nakahaing masarap na pagkain yung inspired kong damdamin nagiging expired.

Ano ba yan sino ba tong babae na nagcomment ng ("Iloveyou Kade ❤❤❤") with pa heart heart effects pa! Landi mo te!. Buti pa ako kahit crush na crush ko si Kade di ako ganyan mag comment sa pictures niya.

Teka lang, Natasha Ranido? Oo! Siya nga, ang Natasha lang naman na yan ay ang ultimate panira ng buhay ko. Siya yung laging nambubully sa akin, crush niya lahat ng crush ko at higit sa lahat ang dahilan kung bakit ako nanaba ng ganito!

--

"Gurl! Wait lang ang bilis mo namang mag lakad, hintayin mo naman ako!" Sigaw ng bestfriend kong si Lyra.

Lyra Sandoval isa sa pinakamaganda at pinakapopular na student sa school namin ang Castille State University.

Hindi ko nga alam kung paano ko naging bestfriend yan. Joke! Mag bestfriend na kasi dati ang mommy naming dalawa kaya noon pa man ay magkaibigan na din kami. Siguro napipilitan lang yan kasi wala na siyang choice kundi maging kaibigan ko. Pero sa tinagal tagal kong kaibigan si Lyra masasabi kong isa nga siyang true friend. Ang cheesy!.

I Love You More Than FoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon