Chapter 12

223 27 0
                                    

Nakabili na ako ng susuotin ko bukas at talagang excited na ako sa lakad namin ni Marcus. Nireplayan ko rin ang text niya at sinabing "Okay lang basta ba't libre mo lahat." Wag nga kayo alam niyo naman ang girls dapat pa hard to get naman muna at first, chos!

Ngayon nakalihata lang ako sa room ko at talagang titig na titig sa phone ko hinihintay ko kung magtetext ba ulit siya or what. Lagi-lagi ko ring binabasa yung text niya ng pagyaya sa aking lumabas, kinikilig ako kahit paulit-ulit kong binabasa yung text niya. Parang di ako makatulog, nanlalamig yung paa ko tapos ang bilis ng tibok ng puso ko. Ano kayang mangyayari bukas sana naman umayon sa amin ang araw, pfft makapagpray na nga lang kay Papa Jesus ng maging mabait ang araw sa amin ni Marcus.

Kinaumagahan.

Pagkamulat na pagkamulat ko palang ng mata agad ko nang tiningnan yung phone ko kung may text ba or missed call galing kay Marcus, medyo nadisappoint ako ng makitang wala ni isa.

Bumangon na ako at dumeretso agad sa banyo para maghilamos at magbrush. Nagbabrush ako ng magring ang phone ko, agad ko namang binanlawan ang bula sa bibig ko at kumaripas ng takbo papunta sa cellphone ko, tiningnan ko kung sino ang tumatawag at talaga namang natuwa ako ng makita kung sino ito. Agad ko na itong sinagot ng makumpirmang si Marcus nga.

"Hello?" Paguumpisa ko ng conversation.

"Hello, Olive? sa beach ang punta natin mamaya. Siguro bukas na ng umaga o hapon tayo makakabalik. Okay lang ba?" Sweet na siya magsalita hindi na tulad ng nakasanayan kong pasigaw o pagalit niyang tono. Beach? Bukas pa makaka-uwi? So magkasama kami matulog?! Oh no baka pagnasaan ni Marcus ang sexy body ko, hindi pa ako ready, masyado pa akong bata! Lord kung sakaling magkasala man kami please ipaintindi mo nalang sana sa mga magulang namin na tao lang po kami as in TAO lang po, Amen.

"Magpapa-alam na muna ako kila mommy kung papayagan ako." May halong pagpapacute yung sagot ko sakanya.

"Sige, oo nga pala kasama rin sila Lyra, Jay, Nick, at Janine. Kukunin nalang kita mamayang nine diyan sa bahay niyo." Spell P*tang in*!!! Akala ko ba kami lang. Saka DRESS po ang binili ng lola niyo. DRESS po. Paano ko ngayon magagamit yun? Alangan namang magpakatimang akong magdress sa beach, nakakaasar, busit! Kaya naman pala pang beach yung binili ni Lyra kahapon na damit. Eh ako? Muntanga lang. Magshoshorts na nga lang ako at T-shirt, nababanas na talaga ako.

--

I Love You More Than FoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon