"Ayaw mo ba talagang sumabay sa akin pauwi Olive. Susunduin naman ako ni manong kaya ihahatid ka nalang namin sa meeting place niyo ng mommy mo" Pagpupumulit ulit ni Lyra sa akin.
"Oo nga okay lang ako. Mag cocommute nalang ako." Alam ko kasing iba ang route nila kaya siguradong laking abala pa pag nagpahatid pa ako.
Nakakainis naman kasi, nagtext kanina si mommy na magcommute nalang daw ako papuntang mall kasi nagbakasyon nga pala si manong edmund yong driver namin. Hate ko pa man din nagkocommute.
Sure naman akong sasamahan ko nanaman yung magshopping ng mag shopping. Sa jeep nalang ako sasakay mas malapit lang kasi sa school kesa naman taxi medyo malayo layo pang lakarin, ayaw ko ngang pagurin mga alaga kong fats baka mastress pa sila.
Naiabot ko na yung pamasahe ko at pasakay na ako ng jeep ng bigla akong pigilan nung barker. "Miss doble po dapat ang bayad niyo."
"Excuse me? May bagong batas na ba ang pilipinas at naging doble ang bayad ng mga pasahero?" Nag-uumpisa na akong mainis.
"Ang taba mo kasi pangdalawang tao yung uupuan mo." Yung barker. Aba sinasagad ng mukang patay na kuko na ito ang pasensiya ko.
"Ay sorry di kita namukhaan. Oo, ikaw nga. Ikaw nga yung pinaghahanap nilang endangered species na nakawala sa zoo. Dapat ireport ko to sa animal control baka makasakit ka pa dito sa siyudad." Habang nagdadial kunu ng number. Kala niya, di siya uubra sa akin.
"Wag ka mag-alala padating na ang mga animal control, teka nga lang paano ka ba nakatakas sa kulungan mo?" Ako, sabay tapik sa balikat nung barker. Tapos pumasok na ako sa jeep. Natameme siya buti nga. Nagtawanan yung ibang nakapila na pasakay ng jeep. Napahiya tuloy si mukhang palakang ginisa na barker.
Nasa loob na ako ng bigla niya ako pahabulan ng lait. "Baboy!" Letse talaga tong unggoy na ito.
"Ang lupet ng hininga mo kuya abot hanggang dito!" Sigaw ko dun sa endangered species na barker, sabay takip ng ilong.
Nang mapuno na yung jeep, super sikip na di na ako gaanong makagalaw. Kaya ayaw na ayaw kong nag kocommute eh, sana pala nag taxi nalang ako o di na ako nagpakipot nung niyaya ako ni Lyra na sumabay nalang sakanya. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Bakit ba kasi jeep pa naisipan kong sakyan langya.
--
"Ang tagal mo naman anak kanina pa kita hinihintay." Pagsalubong sa akin ni mommy. Nandito kami sa isang restaurant.
"Nag jeep kasi ako, ano bang lakad natin ngayon mommy?" Kunyare naman di ko alam.
"Ano ba kasing naisip mo at nag jeep ka, pwede namang taxi. Ubos nanaman ba allowance mo?"
"Hindi, mas malapit kasi yung sakayan ng jeep sa school kaya ganoon. Nagugutom na ako mommy." Pag-iiba ko ng topic.
"Umorder ka na din at nang makapag shopping na tayo."
Pagkatapos kumain dumiretso na kami kaagad sa isang pamilihan ng damit.
"Maghanap ka na ng kasya mo diyan bie, isusukat ko lang to sa fitting room." Tapos naglakad na si mommy papuntang fitting room. Habang ako eto nganga. Ang liliit naman kasi nitong mga damit na to, anong akala nila sa mga customer bamboo?
Naghanap ako ng saleslady at nagpahanap ng kasya ko, kaso nasa bodega pa daw yung mga double XL nilang stock ng damit kaya nagpaalam muna para kumuha.
Habang tumitingin tingin ng ibang damit may biglang bumunggo sa aking lalake. "Futcha naman oh!" Reklamo ko. Pero sa totoo lang siya pa ata tong nasaktan kaysa sa akin.
"Sorry miss, hindi ko sinasadya sorry talaga." Paghingi ng nang pasensiya. At W-O-W ang gwapo nang nilalang na to. Artista ba siya? Pero hindi eh di naman ata.
"Ano pang magagawa nang sorry mo. The damage has been done." Kunyare di ko tinanggap yung apology niya para mas matitigan ko pa siyang maiigi.
"Nagsorry na nga lang yung tao ang hard mo pa rin." Yung gwapong nilalang. Kilig si ako.
"Hindi ako hard nagsasabi lang ako ng totoo."
"Bahala ka na nga diyan taba." Si mysterious pogi guy. Tapos nagmadali nang umalis. Pisti yun ah.
"Feeling mo!" Pahabol kong sigaw.
"Ma'am, eto na po yung damit." Biglang dating nung saleslady sa tabi ko.
"Ano to?! Bakit maternity dress! Anong tingin mo sa akin buntis?" Pagalit kong sigaw dun sa saleslady.
"Sorry ma'am di po ba kayo buntis?"
"Olive anong nagyayare dito?" Siya namang dating ni mommy.
Ano ba namang buhay to.
Pagkamalan ka ba namang buntis?!
--
a/n: abangan ang next chapter, sana magustuhan niyo ;))
BINABASA MO ANG
I Love You More Than Food
HumorTrip niyo bang magmahal? Ako slight lang. Nasaktan na kasi ako ONCE Naranasan ko na ring magmahal. Sabi nga nila 'di ba, Iba magmahal ang mga katulad KO. Masarap. Sagad. SOBRA sobra akong magmahal. BINIBIGAY ko ang LAHAT LAHAT You're my first. And...