Chapter 13

240 25 1
                                    

"Beach, B*TCH pala ah!" Nakapamewang kong sinalubong si Marcus sa tapat ng bahay namin. Nagempake ako ng dalawang malalaking bags ng gamit ko para mahirapan siyang magbuhat, kulang pa yang ganti ko sa pagpapaasa niya sa akin nuh!

"Akala ko ba gusto mo? Dadalhin mo ba yang buong bahay niyo at ang laki laki ng dala mong bags? One night lang tayo dun Olive. Tsk." Pagrereklamo niya, pasalamat siya at yan lang, kung umiral yung pagkamaldita mode ko di lang yan ang aabutin niya.

"Anak, siya ba yung naghatid sa'yo nung nakaraang araw?" Sumulpot nalang bigla si mudra sa tabi namin ni Marcus.

"Hi, ma'am ako nga po yun. I'm Steven Marcus Godinez, nice meeting you po, mas maganda at lalong mas sexy po kayo kaysa sa anak niyo." Inabot niya yung kamay niya kay mommy tapos nagmano pa, ang kapal feeling close agad.

"Hindi naman, ang gwapo mo namang bata at mabait pa. Tita Clara nalang ang itawag mo sa akin." WOAH!!! talagang nagpacute pa itong si mommy, gwapo? Pwede pa pero mabait agad agad mommy? Porket pinuri ka lang nung tao. Hay buti nalang talaga at hindi ako nagmana sa'yo.

"Ano to? Oi tama na nga yan at buhatin mo na itong mga gamit ko." Pag-iinterrupt ko sakanilang dalawa.

"Pen, ang dami mo namang dalang gamit? Lalayas ka na ba? Makikipagtanan?" Biglang puna sa akin ni mommy ng makita niya ang dalawang malalaking bags sa tabi ko.

"Si mommy ang O.A." With Rolling Eyes ko, by olive.

"Ganyan po talaga yang si Olive sa akin tita, lagi nga po akong inaaway niyan eh." With paawa effect pa tong Marcus na to.

"Pen, hindi kita pinalaki para mambully ng kapwa. Mag sorry ka." Pinandilatan ako ng mata ni mommy, anong gayuma ba ang meron ang Marcus na ito at talagang napapaikot ang mommy ko.

"Chor--ry." Nakayuko ako at medyo whisper lang kaya di masyadong marinig. Naaninag ko rin yung mukha ni Marcus at talagang may malapad na ngiti.

"Di ko narinig, ulitin mo." Pagpupumilit ni mommy. Naku, humanda ka sa akin mamaya Marcus. Grrrr. Nakakapang gigil ka.

"Okay na po yun narinig ko na po siya tita." Ngumiti siya kay mommy, tapos sinuklian naman din siya ni mommy ng smile, pfft.

"Iwan mo na tong isang bag Pen, sige na at nang di kayo mahuli sa lakad niyo. Mag-iingat kayo sa daan." Si mommy sabay yakap sa akin at kiss sa pisngi.

"Opo." Naiinis pa rin ako, magaling pala ang lalakeng to magpaikot ng tao. No wonder napaniwala niya akong mutual ang feelings namin sa isat-isa.

Binuhat na niya yung bag na dala ko, na talaga namang sinadya kong pinabigat ang mga laman. Inilagay ko kaya sa loob nun yung ibang figurine display ko sa kwarto. Pero siyempre sinecure ko na di sila mababasag. Dineretso niya agad sa may backseat ng dala niyang red car yung mga gamit ko.

Ano ba yan bakit parang di siya nahihirapan sa pagbuhat, parang sanay na ata itong magbuhat ng mabibigat. Kargador ba tong lalake na to. Ang gwapo naman niya masyado para maging kargador. Nevermind may kasalanan pa yan sa akin at sisingilin ko siya mamaya.

"Aray ko naman!" Sigaw ni Marcus ng bigla ko siyang suntukin at kurutin sa may braso niya. Nasa loob na rin naman kami ng dala niyang car, kaya di na kami makikita ni mommy.

"Ano yung kanina? Bwisit ka." Kinurot ko ulit siya.

"Nagjojoke lang naman yung tao, sorry na." Nagpipigil siya nang tawa.

"Jokjokin mo mukha mo. Bahala ka na nga lang diyan." Sinuksok ko sa tainga ko yung earphones na dala ko, mas maganda pang makinig nalang ng music kaysa makinig sa explanations niyang bulok.

Nakapikit lang ako at dinadama talaga yung brokenhearted songs sa may playlists ko ng bigla nalang niya akong tusok-tusukin sa may tagiliran ko. Ang lakas pa man din ng kiliti ko.

"Hoy, di ka ba nakikinig?" Tanong sa akin ni Marcus pagkatanggal ko ng earphones.

"Bakit?!" Naiinis kong tanong sakanya. Nawala kasi yung moment ko kanina, yun pa man din yung part na may luha luha effect namang tutulo sa right eye mo. Tsk panira.

"Sabi ko, iba ang sasakyang gamit nila Lyra. Hindi ka ba nagtataka na di natin sila sinundo?" Ngayong nasabi na niya, oo nga nuh. Kasi naman ang buong pagkaka-alam ko KAMI lang ang pupuntang beach. Yan tuloy naging B*TCH.

"Yun lang ba?" Tanong ko sakanya, isusuksok ko na sana yung ulit yung earphones ko ng pigilan niya yung kamay ko.

"Ano nan---." Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko ng bigla niya ba namang hinawakan yung mukha ko. Pero nasa daan pa rin yung tingin niya kasi kasalukuyan siyang nagdadrive.

"Ang cute cute mo talaga." Pinagpipisil niya yung cheeks ko tapos kasunod yung ilong ko.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako Marcus, oy ang sakit na!" Pilit kong tinanggal yung kamay niya sa mukha ko. Akala ko pa naman kung ano na yung kanina. Mahirap pala talagang maging assuming.

--

I Love You More Than FoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon