Magdamag kong inisip ang mga nangyari kanina, panay ang ikot ko sa kama at parang di mapakali. Kinurot kurot ko rin ang pisngi ko para malaman kung totoo nga ba ang lahat, hindi talaga ako makapaniwala sa mga pagaming ginawa ni Marcus kanina. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako at talaga namang parang sirang kaset na paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga binitawan niyang salita. Napupuyat ako sa ginagawa kong to, kailangan ko ng beautyrest, baka magmukha akong zombie at ayawan na ni Marcus. Yiehh!
Isang pigil na tili ang ginawa ko. Tinakpan ko ng unan ang bibig ko dahil baka magising pa ang dalawang bruhang kasama ko rito sa kwarto. Matapos nun ay di ko na namalayan na unti-unti na rin akong dinalaw ng antok. I heart you Marcus! Sana sa susunod ligaw na ang gawin mo! HaHa #AssumeraAttack.
Maaga kaming lahat nagising para makapagswimming ulit sa beach, then pagkatapos nun nagtanghalian muna kami bago lumarga at ng makauwi ng maaga. baka kasi gabihin pa kami sa daan kaya naman binilisan na namin ang gayak.
Kasalukuyan na kaming nasa biyahe ngayon pauwi. At as usual alone na nanaman ako kasama si Marcus dito sa car niya. Sinabi ko sakanila Janine na sasabay nalang ako sakanila, kaso puno na daw sila sa S.U.V kaya di na daw kasya kapag nakisakay pa ako. At may dagdag pa na, baka daw maflatan pa. Litsing babae yun.
So, no choice ako ngayon kasama ko nga sa iisang sasakyan ang lalakeng talaga namang espeyal sa akin in ewan way. Tsk, basta.
Ang awkward ng atmosphere namin ngayon simula kasi kagabi nung umamin siya sa akin di pa kami nagkikibuan buti nga at di masyadong pansin dahil kung hindi siguradong kantyaw to the max nanaman yung iba.
"Umm.." Parang may gustong sabihin si Marcus pero di na niya itinuloy kaya naman. Silence ulit ang buong paligid. Hindi pwedeng ganito kailangang may sabihin ako.
"Ah." Sabay naman naming sabi. OMGee magpopropose na ba siya?!
"Mauna kana." Pinapauna ko na siyang magsalita. Syet, eto na yun..
"Kasi, Olive... kalimutan mo nalang yung sinabi ko kagabi.. I mean sana hindi yun maging sagabal sa pagkakaibigan natin." Medyo nahihiya niyang sabi habang nagmamaneho. Hindi ko masyadong makita yung mukha niya dahil na rin sa daan siya nakatingin, pero sa palagay ko naiilang siya.
"Sus wala yun." Tanging naisagot ko, pero sa loob loob ko parang nasasaktan akong binabawi niya yung confessions niya sa akin kagabi. Bakit mo binabawi Marcus! Gusto kong sabihin yan kaso wala akong lakas ng loob sabihin.
"Friends?" Sabi niyang ulit. Parang salaming nabasag ang naramdaman ko ng sabihin niya yan. Gusto ko rin naman siya, kaso sana naman mag-effort pa siya sa nararamdaman niya. Akala ko iba ka Marcus, yun pala para parehas lang kayong lahat. Paulit-ulit niyo nalang ako ng pinapaasa at sinasaktan.
"Yup, friends." Ngumiti ako ng mapait, tutal di rin naman niya kita.
"Ikaw, ano yung gusto mong sabihin?" Tanong niya na medyo nakakunot ang noo.
"Ah... Gusto ko lang sana sabihing thank you, for.. this date." Tumingin ako sa mukha niya, at nakita ko ang isang smirk doon.
"Thank you din sa pagpayag mong sumama." Lumingon siya sa may gawi ko at nakita ang isang matamis na ngiti sakanyang labi.
Put*ngina! Kung alam mo lang kung paano mo ginagawang roller coaster ang feelings ko Marcus. Mababaliw na ata ako sa dami at paiba ibang emotions ko sa isang araw.
--
Mag-iisang linggo na rin matapos nung beach thingy. Sa isang linggo na rin na yun ay naging mailap din ang pagkikita namin ni Marcus. Ni hindi na nga rin siya sumasabay sa aming kumain. Mas maganda na rin siguro yun, kaysa namang lagi ko siyang nakikita at patuloy na umasang may something kami.
BINABASA MO ANG
I Love You More Than Food
HumorTrip niyo bang magmahal? Ako slight lang. Nasaktan na kasi ako ONCE Naranasan ko na ring magmahal. Sabi nga nila 'di ba, Iba magmahal ang mga katulad KO. Masarap. Sagad. SOBRA sobra akong magmahal. BINIBIGAY ko ang LAHAT LAHAT You're my first. And...