Past twelve na nang hapon ng makarating kami sa beach na sinasabi nila Marcus, medyo matagal nga compare sa normal daw na biyahe. Pano ba namang di tatagal, eh palagi akong binbadtrip ng lalakeng yan magmula sa bahay hanggang whole trip at ng makarating na kami puro pangiinis lang ang nakuha ko sa Marcus na yan.
Nasa isang beach resort kami ngayon sakanila Nick daw to, nasabi kanina ni Marcus nung nasa biyahe pa kami. Malaki siya at talaga namang maganda. Madami ka ring makikitang mga tourists sa paligid mapa foreign man o local. Tumitingin tingin ako sa paligid ng dumating sila Lyra kasama ang iba pa.
"Guys, may nakaready nang mga rooms for us. Optional naman, kung gusto niyong mag-isa lang kayo sa room or may kasama. Pero strictly walang magkasamang boy and girl, alam niyo na, hahaha." Si Nick na kasalukuyang nagsasalita sa harap namin.
"Mas gusto ko sanang magkakasama nalang kami nila Olive and Janine sa iisang room lang. Okay lang naman diba?" Tumingin agad si Lyra sa akin tapos kay Janine din. Tumango nalang kami bilang pagsang-ayon. Sus, kaya lang naman niya gustong makasama kami, para naman may kachismisan siya magdamag. Nasanay na nga ako sa madada niyang bunganga, haha.
"Ok, eh yung boys?" Si Nick.
"Napaka bromance naman kung magkakasama pa tayo sa iisang room pre, haha." Biglang singit ni Jay. Tumawa naman ang lahat sa sinabi ni Jay, except me.
Nakatingin lang ako dun sa may masasarap na pagkain, na ngayon ay chinichibog nung mga turista. Malapit lang yung open restaurant sa amin kaya maaamoy mo pa rin yung aroma ng foods sabayan pa ng malakas na hangin. Nagugutom na ako, kumukulo na yung tiyan ko.
"Olive anong tinitingnan mo diyan? Tsk, gutom ka nanaman ba?" Si Jay na ngayon ay nasa tabi ko lang, nakahawak pa kasi ako sa tiyan ko at wala rin ang atensiyon ko sakanila kaya siguro napansin nila akong nakatingin dun sa may pagkain, LOL.
"Ang takaw talaga ng dinedate ko." Hinatak agad ni Marcus yung kamay ko papunta dun sa may restaurant, habang naglalakad maririnig mo naman dun sa iba yung "yiehh!". Letse.
"So sa tingin mo mababayaran ng pagpapakain mo sa akin yung mga ginawa mo kani-kanila lang?!" Huminto ako ng lakad at tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. Mag-uumpisa na naman ang paghihiysterical ko.
"So ayaw mo ng grilled barbeque, tuna paella, at shawarma?" Nang-aakit na tanong sa akin ni Marcus.
"Di ba sabi ko with buko shake, tara na nga." Ako na yung humatak sa kanya papunta dun sa restaurant. Nagutom ako dun sa sinabi niya eh, hindi ko matanggihan ang alok niyang pagkain. Hay, talo nanaman ako, pero okay lang basta ba't di ako talo sa chibugan.
--
Ang dami kong nakain kanina, ang sasarap ng mga pagkain dito sa resort nila Nick.
"Kamusta yung naging biyahe niyo be, may exciting moments ba na nangyare?" Tanong ni Lyra habang nag-aayos ng gamit niya. Nandito kami ngayon sa room na nakalaan para sa aming mga girls.
"Kung exciting ang tawag sa pang-aasar niya sa akin magdamag, tsk." Nakahilata lang ako sa bed tapos nagcecelphone, tinetext ko na rin si mommy para sabihing nakarating na kami.
"Wala manlang bang sweet moments?" Tanong naman ni Janine na umupo sa sarili niyang kama. Tatlo kasi ang beds dito sa room, so tig-iisa namin. Actually malaki yung room, parang pang whole family nga yung nag-oocupy ng ganito.
"Anong sweet moments ka diyan? Wag mo ng asahang maging sweet yun." Pinagpatuloy ko pa rin ang pagtipa sa phone ko at di siya tinapunan ng tingin.
"Ang sweet niyo kaya kanina. Para ngang kayo na eh, kayo na ba?" Tanong naman ni Janine na parang kinikilig. Kaya naman pala naging magkaibigan ang Lyra at Janine na to, kasi pareho ding chismosa.
"Oo nga, kayo na ba?" Dadag na tanong pa ni Lyra.
"Wag niyo nang asahan na magugustuhan ako ng Marcus na yun." Wala bang magawa ang dalawang to kaya ako ang pinagdidiskityahan.
"Diba nililigawan kana niya?" Tanong ni Lyra na kasalukuyang nag-poponytail.
"Ligaw? Baka langaw kamo." Sabay bagsak ko ng phone ko sa may kama.
"Bakit, maganda ka kaya diet lang ng konti. Pag-uwi natin gusto mo bang sumama sa gym na pinagwowork-outan ko?" Lumapit si Janine sa kama ko at umupo sa may ulunan ko.
"Oo be sama tayo kay Janine para magka-abs na ako." Excited na sabi ni Lyra.
"NO WAY!" Niyakap ko yung unang katabi ko at tumalikod sa kanila. Duh? Ayaw ko kayang nagpapagod, naiistress ako. G-Y-M i hate gym.
"Ayaw mo bang pumayat? I mean kahit mag lose weight lang." Nagulat si Janine nang tanggihan ko ang alok niya.
"Be, time na para makalimutan ang nakaraan at harapin ang kasalukuyan. Baguhin mo na ang lifestyle mo." Napaupo ako sa pagkakahiga ko at napatingin kay Lyra at kay Janine.
"Sa tingin niyo magugustuhan ako ni Marcus kapag pumayat ako?" Napaisip ako sa sinabi ko, bakit ko ba nasabi yun.
"I think gusto ka naman na niya talaga, pero siguradong mas magugustuhan ka niya pag fit kana be." Nakiupo na rin si Lyra sa bed na hinihigaan ko.
"Tama." Pagsang-ayon ni Janine.
Napaisip ako sa sinabi ni Lyra, kung totoong mahal ka ng isang tao, diba dapat hindi hadlang kung ano ka man o kahit sino kapa. Ang gulo, basta ang alam ko I Love Food! Maging ano man yan, mapa white chocolate o black! PERIOD.
--
BINABASA MO ANG
I Love You More Than Food
HumorTrip niyo bang magmahal? Ako slight lang. Nasaktan na kasi ako ONCE Naranasan ko na ring magmahal. Sabi nga nila 'di ba, Iba magmahal ang mga katulad KO. Masarap. Sagad. SOBRA sobra akong magmahal. BINIBIGAY ko ang LAHAT LAHAT You're my first. And...