Two days na rin ang nakalipas simula ng magkaubo't sipon kami ni Marcus, buti nalang nga at gumaling din kami agad. Ang bilis ng araw friday nanaman, ano kayang magandang gawin this coming weekend? Lumulutang ang isip ko ng biglang magsalita si Lyra.
"Be may lakad kami ni Jay bukas, samahan mo naman akong mamili ng damit mamaya sa mall. Hihihi." Sobrang kinikilig niyang sabi sa akin.
"Ok, basta tumigil ka na diyan sa kalandian mo." Itinuloy ko yung sinusulat ko tapos hindi ko na pinansin yung iba pa niyang sasabihin, na for sure chismis na nanaman tungkol sa ibat-ibang pangyayari sa university, ang chismosa talaga niyang babae na iyan. Tsk.
--
Nasa mall na kami ngayon at kasalukuyang sinusukat ni Lyra sa may fitting room yung mga napili niyang damit. Ako naman naghihintay lang dito sa may labas ng fitting room at naglalaro ng zombie games sa phone ko. Buti naman sana kung may magkasyang damit sa akin dito sa store na ito, eh mukhang pang bata yung mga size ng damit nila dito pang katawan lang talaga ng payatot na si Lyra. LOL.
Halos dalawang oras din ang nakalipas at labas pasok siya sa fitting room tapos isang outfit lang pala ang bibilhin, nakakabanas ang tagal niyang pumili. Naiinip na talaga ako ng may maisip akong kalokohan.
To: 09067******
"Guys! Tulong nakidnap ako, syet di ko alam kung nasaan ako, HELP ME!" Text ko tapos sinend ko kay Marcus, sinave ko na rin kasi yung number niya simula nung tumawag siya.From: 09278******
"Himala at nakaya ka nilang buhatin. Mas naaawa pa nga ako dun sa kidnapper kaysa sa'yo, malamang hindi lang isa ang kumidnap sa iyo sa bigat mo ba namang yan. Goodluck nalang. Dead or alive dadalawin pa rin kita hahaha." Reply ni Marcus, concern na concern talaga sa siya sa akin. Nakasinggit ang mga mata kong binasa ang text niya."Ipasalvage kita diyan, GaG* tingan nalang natin kung sinong hindi ma DEADS!" Reply ko sa mukang p*tang yon.
"Joke lang eto naman di na mabiro, buti naman at naalala mo akong texan. Magtetext na rin sana ako sa'yo para yayain ka sanang lumabas this coming Saturday, pwede ka ba Olive?" Sobrang nanlaki naman yung beautiful eyes ko ng mabasa ko itong sumunod na text niya. Siguro na wrong send lang siya o baka naman namamalik mata lang ako. Panaginip ba ito? AKO na si Maria Olive Penelope Celeste ay niyayayang mag date ng isa Steven Marcus Godinez?!!! Halos malagpag na ako sa inuupuan ko ng lumabas bigla si Lyra ng fitting room.
"Ano ginagawa mo diyan sa lapag be?" Hindi ko namalayan na talagang nalaglag na pala ako sa kinauupuan ko.
"Wala may pinupulot lang. Ano tapos kana ba?" Pagiiba ko ng usapan. Tapos tumayo na ako at pinagpag ang pwetan ko.
"Oo, san na tayo?" Sagot naman niya, kaya hinatak ko na siya agad papuntang counter at talagang ako na ang nagbayad ng pinamili niya nagulat siya pero hinayaan nalang ako, sino ba namang tatanggi ng libre. At para na rin makapunta na kami agad ng ibang store, para ako naman ang makapili ng susuotin ko bukas sa lakad namin ni Marcus. I'm sooo excited na!"
--
BINABASA MO ANG
I Love You More Than Food
ЮморTrip niyo bang magmahal? Ako slight lang. Nasaktan na kasi ako ONCE Naranasan ko na ring magmahal. Sabi nga nila 'di ba, Iba magmahal ang mga katulad KO. Masarap. Sagad. SOBRA sobra akong magmahal. BINIBIGAY ko ang LAHAT LAHAT You're my first. And...