Chapter 4

276 29 0
                                    

"Anong gusto mong kainin?" Si Marcus. Papasok na kami ng Max's.

"Bahala ka na, basta siguraduhin mong mabubusog ako." First time kong di namili ng food na kakainin ko.

"Act like a boss!" Si Marcus na palayo na sa akin papuntang counter para umorder.

Malapit lang itong Maxs dun sa bar, kaya naglakad lang kami. Kahit na I hate walking pa man din, napilitan ako for food. Akala ko naman kasi madaming pagkain nung niyaya ako ni Lyra kanina, yun pala sa bar ang punta. Putsa.

"Look who's here. Anong ginagawa ng baboy na tulad mo dito?" Tingnan mo nga naman, hanggang dito ba naman sinusundan pa rin ako ng demonyang to.

"Siguro tatae, siyempre kakain, bakit ililibre mo ba ako? Hindi ko alam na nagpapapasok pala sila rito ng palaka." Sabay ngisi ko sakanya. Kasama ngayon ni Natasha si Kade.

Hinigpitan ni Natasha ang pagkakakapit kay Kade. Maysa Linta talaga itong impakta na to. "Akala ko kasi pigrolac lang ang kinakain ng baboy na tulad mo." Tingin niya at ngiti kay Kade na animo'y iniinggit ako.

Aaminin kong naiinggit nga ako, pero mas nangibabaw ang inis ko kay Natasha. Bakit niya ba kasi ako laging pinupuna, nakakapaksyet na.

"Pigrolac ba kamo? Ikaw anong kinakain ng linta na tulad mo. Saka bawas-bawasan mo naman yang make-up mo girl. Mas nakakatawa ka na kaysa sa clown. Parang ginulpi gulpi yung labas ng blush-on mo, SABOG!" Nagmamalasakit lang naman ako sa mukha niya kawawa naman yung mga batang natatakot sa malahalimaw niyang kagandahan.

"Ang kapal talaga ng mukha mong balyena ka! Buwisit!" Akma na niya akong susugurin ng biglang dumating si Marcus at pinigilan niya si Natasha sa pagsugod sa akin.

"Miss, huwag mo namang awayin yung kasama ko." Cool na cool na sabi ni Marcus kay Natasha. Habang hawak niya ang kamay ni Natasha na ipangsusugod sana sa akin.

Binitawan ni Marcus si Natasha at si Kade naman ngayon ang nakahawak sa magkabila niyang balikat na animo'y pinipigilan siya.

"Kasama? Kasama mo yang baboy na yan?" Naguguluhang tanong ni Natasha kay Marcus.

"Oo, at hindi baboy ang pangalan niya kundi, Maria Olive Penelope Celeste." Si Marcus sabay hatak sa akin at inakbay niya rin ako. Nakangiting tiningnan ni Marcus ang mukha ni Natasha na halatang gulat na gulat.

Pero maging ako ay gulat na gulat din sa ginawa niyang yun. Hindi ko alam, pero habang nakaakbay sa akin si Marcus pakiramdam ko ay parang walang pwedeng umapi sa akin na sino man.

Padabog na umalis si Natasha na parang sasabog na sa galit, nakasunod sa kanyang lumabas si Kade. Luminga linga ako at dun ko nalang napansin na marami na palang nanonood sa amin. May sari-sari ring komento ang naririnig ko pero ang mas nangibabaw ang kilig na nararamdaman ko.

"Sino ba yun?" Tanong ni Marcus. Nako naman bakit di niya pa rin tinatanggal yung akbay niya sa akin.

"Kamay mo chansing na yan." Ako pero sa totoo lang naman ay gustong gusto kong nakaakbay siya.

"Gutom lang yan, Olive." Sabay bawi ng kamay niya, sayang pakipot pa kasi ako. Tinawag niya ba ako sa pangalan ko o namali lang ako ng dinig? Hay basta gutom na ako, yun ang alam ko. Ka stress ang life ko.

Ilang sandali pa ay dumating na rin yung order namin. Yehey! Makakakain na rin ako sa wakas after 1384993796 years. Kawawa naman yung mga baby fats ko. Ahayyy....

--

a/n: Sana nagustuhan niyo yung scene. Thankyou.

I Love You More Than FoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon