Chapter 19

228 27 3
                                    

Marcus POV

"Truth or Dare naman tayo." Suggestion ni Janine na ngayon ay katabi lang ni Nick sa buhanginan.

Nandito kami ngayon sa beach resort nila Nick. Buti na nga lang at pumayag sumama si Olive. Siguro ito na rin ang tamang pagkakataon, pagkakataon para ipagtapat ko na ang nararamdaman kong pag-ibig para sa kanya. Gusto ko si Olive matagal na.

"Ok, good idea. Sige, kuha lang ako ng pagpapatugan nang bote." Kumuha si Jay ng cardboard na nakalapag lang sa may malapit. Para naman umikot ng maayos yung bote.

"Uumpisahan ko na ah." Si Jay na kakaayos lang ng mga gagamitin sa Truth or Dare. Inumpisahan na niyang iikot ang bote. Huminto naman ito at naituro kay Lyra ang dulo, ang kabilang dulo naman ay kay Janine. So it means si Janine ang magtatanong.

"Truth or Dare?" Tanong sakanya ni Janine.

"Truth." Mabilis naman niyang sagot dito.

"May gusto ka ba kay Jay?" Namula nalang bigla ang mukha ni Lyra dahil sa tanong sakanya. Tumingin ako kay Olive at napansin ang maganda niyang mukha. Maganda si Olive kahit na mataba siya. Bigla nalang ako napaisip paano nga ba ako magtatapat sa kanya. Kinabahan ako ng maisip ang maaring maging sagot niya. Itutuloy ko pa ba ito?

Tumango ng dahan dahan si Lyra bilang sagot. "Yieeeh!" Sigaw naming lahat dahil sa naging tugon niya. Eh, kung ngayon na kaya ako magtapat sakanya, pero paano?

"Tsk, sige ako na rin mag-iikot." Iniikot naman ni Lyra ang bote at naituro ito kay... Olive at Ako?!

"Truth or Dare?" Nakangisi kong tanong sakanya. Kailangan hindi niya mahalata na kinakabahan ako, relax Marcus kaya mo to.

"Eh kung sabihin kong wala?!" Pasigaw niyang sagot sa akin. Ano bang problema nito at ang highblood nalang lagi.

"Ang K.J. mo naman Olive!" Si Janine na nakapout. Sana ito na yung tamang pagkakataon, Lord please help me, sana mahal din ako ng babaeng mahal ko. Buo na ang loob ko, tatanungin ko na talaga siya.

"Ok, fine. Dare." Yes!... Dare?! Paano ko siyang matatanong nito?!!! Sige eto nalang...

"I command you to Love me Olive!" Ha? Ano daw? Bakit yun ang nasabi ko. Marcus ang tanga mo!

"Ano?!!!" Sobrang pula ng mukha niyang tanong. Ano nang gagawin ko. Ang bobo ko talaga pagdating sa ganito.

"I said.." bumuntong hininga muna ako, kailangang panindigan ko na ito. "I command you to LOVE me!"

"Kalokohan!" Sigaw niyang muli.

"This is Crazy! I'm out of here!" Nagulat kaming lahat ng magwalk-out nalang siya bigla at lumakad palayo. Tinawag ko siya para pigilan, pero hindi na niya ako pinakinggan pa o lumingon manlang. Kaya naman tumayo na rin ako para habulin siya. Ang tanga tanga mo talaga Marcus! Kasalanan mo itong lahat eh. Yan ang tumatakbo sa isipan ko habang hinahabol ko siya. Bakit pa kasi ako nagpakatorpe sa nararamdaman ko sa kanya?!

Huminto siya sa pagtakbo at pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mata niya. Bwisit bakit ko nagawang paiyakin ang babaeng mahal ko. Gusto siyang lapitan at punasan ang mga luha niya. Pero napatigil ako sa paghakbang palapit sa kanya ng maisip na... siguro ayaw niya sa akin.. bakit ko pa ipagpipilitan ang sarili ko sa taong mahal ko ngunit hindi naman ako gusto.

Tumingin ako sa paligid at napansing malayo layo na rin pala ang natakbo namin. Nasa highway na kami, at medyo malayo na ito sa resort.

Hindi pwedeng hayaan ko lang siya dito. Napaupo nalang siya sa may isang trunk ng puno dito sa gilid ng kalsada.

I Love You More Than FoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon