Pagkaalis ni Marcus pagkatapos niya akong ihatid, pumasok na ako kaagad ng bahay. Sumalubong naman sa akin ang nag-aalala kong mommy.
"Pen anong nangyari sa'yo at basang basa ka ng ulan?" Si mommy na may halong pag-aalala sa tono niya. Lowbat na kasi yung cellphone ko matapos kong maitext si manong Edmund kaya di ko na siya nasabihan pa na di ako magpapasundo.
"Hinatid po kasi ako ng isa kong kaibigan gamit yung motor niya, nagbabadya na rin kasi yung ulan kanina kaso nadatnan pa rin kami ng ulan sa daan mommy. Ininform ko naman po si manong Edmund na uuwi nalang ako mag-isa, Sorry po." Paghingi ko ng patawad habang parang nilalamig na ang itsura ko dahil sa basang basa ako sa ulan.
"Ate, eto na po yung tuwalya." Inabot ni ate Rita ang isang tuwalya kay mommy na agad namang lumapit sa akin para punasan ang basang basa kong ulo.
"Nako, basta wag mo nang uulitin yan Pen. At sino nga ba tong kaibagan na naghatid sa'yo, alangan namang si Lyra ang mag motor, hmm lalake ba siya anak? Aba baka boyfriend mo na?!!!" Ano ba naman tong si mommy mas assuming pa pala kaysa sa akin.
"Hindi mommy, no way! Kaibigan ko lang siya. Kailan lang din po kami naging magkaibigan kaya siguradong di mo pa siya nakikilala." Pag-eexplain ko kay mommy na patuloy pa ring pinuunasan ng tuwalya yung ulo ko.
"Magshower kana nga muna at nang hindi ka magkasakit, next time nalang ulit kita kakausapin about diyan sa new friend na iyan." Si mommy talaga parang mas teen pa kung umasta kaysa sa akin. Hay nako.
"Si mommy talaga ang chismosa ever!" Inirapan ko si mommy sabay takbo papuntang kwarto ko para makapagshower.
Nakapagshower, nakakain na rin ako at lahat lahat ng pumanhik ulit ako papunta sa kwarto ko. Buti nalang at di na naalala pa ni mommy yung tungkol sa interrogation niya sanang gagawin sa akin sa pagtatanong tungkol kay Marcus, dahil na rin sa meron na si daddy at kuya kanina sa hapagkainan, mga ibang kachismisan kaya nakalimutan na rin niya siguro.
Matutulog na sana ako ng magring ang kachacharge ko lang na cellphone. Kahit tinatamad, bumangon pa rin ako para kunin sa tabi ng flat screen tv ko yung cellphone. Unknown number, sino ba naman kasing bwisit to na tatawag tawag. Sinagot ko at narinig ko nanaman ang boses ng lalakeng yun!
"Hoy! Magkakasakit pa ata ako ng dahil sa'yo!" Sigaw ko sakanya sa kabilang linya.
"Ako na nga yung nagmalasakit na ihatid ka. ngayon ako pa yung masama!" Pakipot lang talaga ako kaya kunyare galit galitan naman ang peg ko.
"K, oh bakit ka napatawag? At saang lupalop naman ng gravel and sand mo nakuha itong number ko?" Sunod-sunod kong tanong kay Marcus.
"Anong gravel and sand ang pinagsasabi mo?! Pakealam mo ba kung tumawag ako at kung sinong pinagkuhanan ko nitong number mo!" Mambabatrip lang pala ang lalakeng to tapos iistorbohin pa ako sa pagtulog ko na sana.
"Bye, inaantok na ako at napaka walang kwenta mong rin kasing kausap." I-eend call ko na sana ng magsalita pa ulit siya.
"Nag-aalala lang naman ako sa'yo, uminom kana kasi kaagad ng gamot ng di ka magkasakit. Yun lang sige BYE!" Nakakatouch na sana yung una eh, may kasunod pa kasing sigaw na bye! Nag-aalala rin pala sa akin yung Marcus na yun. Iinom pa kaya ako ng medicine? Wag nalang tinatamad na akong bumaba. Makatulog na nga lang at baka mangayayat pa ako niyan, sayang naman yung mga pinag-ipunan kong mga fats.
--
Kinabukasan, no no no. Ubo, sipon yan lang naman ang meron ako ngayon tapos medyo paos na rin yung boses ko. Bakit ba kasi di pa ako nakinig sa suggestion ni Marcus ayan tuloy. Nakakatamad pumasok ng ganito.
Bago umalis ng bahay uminom na ako ng gamot tapos at the same time napagalitan din kay mommy. Ano ba yan ang aga aga sermon agad and sumasalubong sa kagandahan ko. Sa sobrang dami kong sipon naubos ko na yung isang tissue roll sa daan papuntang school, kabadtrip.
"Anyare sa'yo te?" Tanong ng magaling kong kaibigang si Lyra.
"Di ba obvious? Gusto mo hawaan kita." Hindi ko tinakpan yung mouth ko nung umubo ako para mahawaan din itong babaeng to.
"Yuck kadiri ko Olive, magtakip ka naman ng mouth pag umuubo ka, eww!" Ang arte much.
"Whatevs." Inirapan ko siya sabay singa ulit ng sipon, parang kamatis na tong ilong ko nakakainis.
Natapos yung class ng puro ubo't sipon lang ginawa ko, nakakainis pa kung minsan may laman yung ubo ko, kaasar mas inunahan ko pa yung new year kung magpaputok.
--
Sa canteen.
"Ano ba yan puro may sakit itong mga kasama ko, lipat na nga lang ako ng table at baka mahawa pa ako sa virus niyong dalawa." Binuhat ni Lyra yung tray ng food niya at lumipat nga talaga ng table.
"Inom pala agad ng gamot ah! Eh bakit may sakit ka din?!" Tanong ko kay Marcus na may ubo't sipon din. Makasuggest na uminom ng gamot pati naman pala siya tinablan din ng sakit.
"Naubusan kasi kami ng gamot sa bahay." Pagapapalusot ng mokong.
"Palusot kapa, sabihin mo natamad ka lang din." Nasabi ko tuloy yung "din" nahuli tuloy ako.
"Din pala ah, pareho lang pala tayo makapagreact ka diyan, tsk." Sabay pa kaming umubo. Eww nagtitinginan sa amin yung mga tao sa katabing table nawawalan ako ng ganang kumain pag ganitong may sakit ako, baka mangayayat ako niyan. Apat na meals nga lang yung inorder ko ngayon eh, pag normal days six to eight.
--
BINABASA MO ANG
I Love You More Than Food
Hài hướcTrip niyo bang magmahal? Ako slight lang. Nasaktan na kasi ako ONCE Naranasan ko na ring magmahal. Sabi nga nila 'di ba, Iba magmahal ang mga katulad KO. Masarap. Sagad. SOBRA sobra akong magmahal. BINIBIGAY ko ang LAHAT LAHAT You're my first. And...