Chapter 15

245 26 0
                                    

Ano ba ang feeling ng magmahal? Masarap din ba tulad ng carbonara, matamis rin ba tulad ng chocolate, o mapait tulad ng ampalaya. Hindi ko pa kasi naranasan magmahal siguro muntik na in the past, pero diba di matatawag na LOVE kung di mutual ang feelings for each other. Basta ang alam ko lang masaya ako na may mga taong nandiyan para sa akin, maging sino o ano pa man ako.

"Grabe tamaan mo naman. Talo na tayo oh!" Sigaw sa akin ng magaling na Lyra na ito. Naglalaro kasi kami ngayon ng volleyball, ano bang malay ko sa paglalaro ng volleyball ang init init pa tapos puro pawis na ako. Nakakainis.

"Ako pa ngayon may kasalanan? Che!" Sigaw ko sakanya with irap. Sino ba kasing hinayupak ang nakaisip maglaro nito?

"Chill, highblood kana naman." Singit ni Jay, magkateam kami nila Jay at Lyra. Tapos sila Janine, Nick and Marcus naman ang kalaban namin.

"Tsk, ayaw ko na. Pahinga naman muna tayo." Sabay punas ko ng noo kong puno ng pawis.

"Kauumpisa palang ng laro, break na agad?" Naiinis na tanong ni Marcus.

"Yun naman pala eh, di wag niyo nalang akong isali!" Sigaw ko naman sakanya sa kabilang side ng net, na ngayon ay nakapagitan sa amin.

"Okay lang, relax. Sige break na muna." Tinap ni Nick yung balikat ni Marcus na parang pinipigilan siyang makipag argue pa sa akin.

Habang nasa lilim at nagpapahinga, tumabi nalang bigla sa akin si Marcus at inabutan ako ng maiinom. Nakaupo na kami pareho ngayon sa may buhanginan na nalililiman ng mga puno ng niyog.

"Thank you." Simple kong tugon sakanya. Habang nirarub ko yung kanang braso ko na namumula. Ang sakit kaya, napuruhan ata nung sinerve ko kanina yung bola sa laro.

"Ano yan? patingin nga." Inabot niya yung braso ko at tiningnan yung namuong pasa rito.

"Aray ko naman, ang sakit dahan dahan lang naman!" Pagrereklamo ko.

Pilit kong hinatak yung kamay ko sa pagkakahawak niya pero imbis na bitawan ay mas lalo niya pang hinigpitan ang hawak dito.

"Ui, anong ginagawa mo?!" Bigla nalang niya kasi itong hinilot. Ang sweet naman.

"Obvious ba, di hinihilot ko." Tumingin ako sa mukha niya, halatang walang halong biro ang ginagawa niyang pagmamalasakit sa akin ngayon.

Ano to, bakit ang bilis ng tibok ng puso ko, syete baka gutom lang to. Pero hindi sa puso talaga galing eh.

"Nababawasan ba yung sakit?" Tanong naman niya na ikinagulat ko dahil sa nakafocus nga ako sa mukha niya.

"Okay na." Parang nauubusan ako ng sasabihin sa tuwing siya ang kausap ko. Pest* bakit ba ang bipolar ng lalakeng to, di ko na siya maintindihan. Minsan super sungit at kulit, tapos ngayon naman sweet at maalalahanin. P*ta kinikilig ako.

"Umm, Olive... " Tumingin siya sa mga mata ko. Nakafocus lang siya dun. Ohmysh*t ano gagawin niya. Parang estatwa lang ako na nakatitig din sa kanya. Unti-unti niyang inilalapit yung mukha niya sa akin pero nakafocus pa rin yung eyes niya sa akin. Malapit na ... malapit na ... malap---

"Ang cute naman nitong double chin mo!" Pinisil-pisil niya yung baba ko na halatang gigil na gigil. Putcha, napaasa nanaman ako. GAG*! GAG*! GAG*!

"Hoy! Tama na yang landian, laro na ulit tayo." Biglang singit ni Janine. Tinapunan ko ng deadly look tong si Marcus bago tumayo. Nakakamatay pala talaga ang maling akala, putcha.

Nakakapagod talagang maglaro ng volleyball, feeling ko mababali na yung mga braso ko.

"Yieh, ang sweet niyo talaga ni Marcus!" Kilitiin ba naman ako nitong Lyra na to sa may tagiliran, dahilan para mapadance moves ako. Duh? Ang lakas kaya ng kiliti ko.

I Love You More Than FoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon