Huminto ako sa pagtakbo at pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mata ko. Tumingin ako sa paligid at napansing malayo layo na rin pala ang natakbo ko. Nasa highway na ako, at medyo malayo na ito sa resort.
Naiinis ako sa sarili ko at lalong lalo na kay Marcus. Ano bang kasalanan ko at pinapaasa niya ako ng ganito?
Tsk, Nakakapagod palang tumakbo, napaupo nalang ako sa may isang trunk ng puno dito sa gilid ng kalsada. Gusto ko nang umuwi kaso gabi na, babalik pa kaya ako dun sa resort? Ano ba pa bang magagawa ko, alangan namang matulog ako dito sa tabi ng kalsada. Mamaya may rapist pang pagala-gala diyan at pagsamantalahan ang sexy kong katawan.
Tatayo na sana ako para bumalik nalang sa resort ng makita ko si Marcus sa harap ko. Kung ganun sinundan pala niya ako hanggang dito.
"Bakit mo ako sinundan? Hindi pa ba sapat yung pangtitrip na ginawa mo sa akin kanina?" Tanong ko kay Marcus, na ngayon ay nasa harap ko lang.
"Sorry, di ko sinasadya." Walang emosyon niyang sabi.
"Hindi sinasadya? Anong hindi mo sinasadya, ang paasahin ako. Alam ko namang kahit kailan hindi mo ako magugustuhan eh. Sino ba naman kasing t*nga ang magkakagusto sa isang matabang babaeng tulad ko, diba?!" Sunod-sunod kong bitaw ng mga salita.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang nanginginig sa galit kong kamay. "Sorry..." yan lang ang tanging lumabas sa bibig niya habang nakayuko.
"Yan naman ang lagi mong sinasabi diba, ang sorry, sorry, sorry, so---." Di ko na naituloy ang sasabihin ko
.
.
.
.
.
"Sorry dahil nagugustuhan na kita, Sorry dahil alam kong wala akong karapatang magustuhan ka, Sorry dahil sa tingin ko MAHAL na kita!" Mukha ko naman ang hinawakan niya."At sorry dahil TORPE ako." Pabulong nalang niyang sabi, pero para sa akin parang fireworks lahat ng binitiwan niyang mga salita na paulit-ulit na sumasabog sa isipan ko.
Hindi ako makasagot, pipi na ba ako ngayon at nawala nalang bigla yung dila ko. Never pa itong nagyari sa akin. Lahat ng bagay nasasagot ko, kahit nga yung out of this world na math qiuz, pero ngayon wala talaga. Parang estatwa lang ako rito na nakatingin sakanya.
Marcus your driving me crazy!
"Um..?" Si Marcus na napakamot nalang sa kanyang batok. Naghihintay ata siya ng tugon mula sa akin pero paglunok lang ang nagawa ko.
"Halika na nga, baka ginawin ka pa dito at magkasakit ulit, tsk." Inakbayan niya ako at naglakad na kami pabalik ng resort. Hanggang ngayon lutang pa rin ang isip ko di parin talaga nagsisink-in sa akin yung mga nangyari. Grabehang confessions ang naganap.
Hanggang sa malapit na kami sa resort. Tiningnan ko ang super duper poging mukha ni Marcus, at nabaling ang atensyon sa kamay niyang nakaakbay pa rin sa akin.
"Kyaaaah! Tanggalin mo na nga yung kamay mo." Lumayo ako sa pagkakaakbay niya at tumingin sa mukha niya. Spell awkward!
"Alam kong maganda at sexy ako! Pero please lang hindi ako haliparot at lalong lalo na kaladkaring babae na pwede mo nang gawan ng kahit ano!" Tapos nag taekwando style pa ako para pang defend.
Tumawa siya ng malakas at lumapit sa akin. "Hindi ko kayang gawan ng masama ang taong mahal ko, ok?" Syeeeeeet! Bakit niya ako pinapakilig ng ganito. Marcus hindi mo ako sinasaktan pero pinapatay mo naman ako sa KILIG!!!
--
BINABASA MO ANG
I Love You More Than Food
HumorTrip niyo bang magmahal? Ako slight lang. Nasaktan na kasi ako ONCE Naranasan ko na ring magmahal. Sabi nga nila 'di ba, Iba magmahal ang mga katulad KO. Masarap. Sagad. SOBRA sobra akong magmahal. BINIBIGAY ko ang LAHAT LAHAT You're my first. And...