Chapter 7

259 27 0
                                    

Olive's POV

Nakauwi na rin ako sa wakas. Magsisix pm na ng makarating ako ng bahay nauna kasi naming hinatid si Lyra. Naging pangit tuloy lalo yung ambiance nung naiwan akong kasama nung tatlong pugita. Busit. (Pugita=pogi) LOL corny.

Nakapahinga na ako tapos nakapagshower na rin, ng bumaba ako para maghapunan.

"Pen kamusta lakad niyo ni Lyra kanina?" Si mommy habang naghahain ng pagkain, kasama niya si ate Rita kasambahay namin.

"Okay lang naman mommy. San po si daddy?" Tanong ko mommy, tapos umupo na sa hapagkainan. Hindi ko na tinanong si kuya Matt kasi siguradong maaalala lang niya na dapat siya ang susundo sa akin ngayon sa school.

Pinagtatakpan ko siya? OO, kasi bumabawi rin naman yun pag ako rin nangailangan. Magkakuntiyaba kami ng kapatid ko na yun minsan, pero madalas magkaaway.

"Malelate daw ng uwi kasi ang daming kailangang tapusin sa work." May sarili kaming business na Daddy ko ang namamahala. Hindi pinanganak na mayaman ang pamilya namin sa katunayan nga niyan ay nagmula sa parehong mahirap na pamilya ang mommy at daddy ko. Salamat nalang sa Diyos at napalago nila ang negosyo namin at naging kung ano na kami ngayon.

Hindi sa pagmamayabang pero.Masasabi kong maituturing na ring kabilang sa mayaman na pamilya ang pamilya namin ngayon.

"Kain na rin tayo, tawagin mo na si manang Cora at Edmund ng makakain na tayo." Si manang Cora o Nay cora ay kasambahay rin namin. Ganyan kami sa mga kasama namin dito sa bahay, walang special discrimination o kung ano pa man, maging ikaw man ang amo o kasambahay.

"Sige po ate." Sagot ni ate Rita.

Matapos kumain, dumeretso na ako sa banyo ng kwarto ko at nagbrush then humilata na ako sa higaan ko ng biglang tumunog yung phone ko sa bedside table ko.

Notification lang pala sa facebook, may 10. Chineck ko yung mga yun. Puro likes lang naman yung 9 tapos yung isa comment. Curious ako dun sa comment kaya tiningnan ko.

Nabadtrip nanaman ako sa nakita ko. Natasha Ranido commented on my picture. ("Ang pangit pangit mo INAHING BABOY!") Yan lang naman ang napakaganda niyang comment sa picture ko.

Nainis ako kaya nagcomment din ako. ("Nakakapag Facebook rin pala ang mga ipis! At himala marunong pang mag type, with capslock pa! Hahaha.") Ako tapos iniwan ko ng ganoon.

Natulog na ako at baka mastress lang ako lalo sa mukha niya. Pikit mata na nga akong nagtatype kanina para lang di masilayan yung monster face niya na display sa profile picture niya. Duh?! Ayaw ko ngang magka-nightmare.

--

Kinabukasan, as usual internet muna ako bago bumaba para maghapunan. Chineck ko muna yung FB account ko, may 3add friends tiningnan ko kung sino. Baka kasi mga Indian na naman na bastos! Di naman sa racist ako, nagsasabi lang po ng totoo.

Mukha nung tatlong pugita ang nakita ko. I-nadd talaga nila ako. Ok accept ko na nga lang, baka may sabihin pa kasi yung mga fans ko na to pag inignore ko lang.

Pagka-accept ko nakita kong may comment nanaman. Sigurado akong si Natasha nanaman yun. Di ko nalang muna chineck at kay aga-aga eh mabadtrip nanaman ako sa mukha niya. Ibablock ko na nga lang yun mamaya.

9:00 am pala ang pasok ko ngayon, kaasar naman di ko mapapanood yung parallel play ng favorite t.v. series ko na The Walking Dead. Fan na fan pa man din ako nun. Papanoorin ko nalang siguro mamayang gabi, may same day telecast naman ng 8:55pm ahahaha.

Nakaready na ako at lahat lahat ng biglang nagring yung phone ko. "Be ang tagal mo naman, mag-uumpisa na yung sports fest." Si Lyra sa kabilang linya, maingay sa kinaroroonan niya.

"Ano, sports festival ba natin ngayon?" Ako na nagulat kasi naman naka university uniform ako, imbis na civilian lang sana kasi manood lang naman kami. At walang regular class sa buong university.

"Oo, di mo ba narinig na sinabi kahapon ng professor natin?" Tanong ni Lyra. Obvious ba na hindi ko nga narinig? Busy kasi ako nung mga time na yun, iniisip ko kasi kung anong masarap kainin sa lunch. Yun pala yung dahilan kung bakit parang nagrejoice kahapon yung mga classmates ko. Pfft. -_-"

"Siyempre alam ko, sige bye na." Binabaan ko na siya ng phone at nagmadaling kumaripas ng takbo pabalik ng kwarto ko at nagbihis na ng iba. Litsi naman.

--

Continuation -->>

Mahabahaba ring update mamaya :)

I Love You More Than FoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon