Chapter 8

291 27 0
                                    

Nakarating ako sa school ng mag-naninethirthy na. Ang daming tao, kahit tiga ibang school pwede pumunta ngayon sa school namin kasi may event naman. Open sa lahat ang event, kaya naman heto ako hirap na hirap akong hanapin si Lyra.

Dinadial ko yung number ni Lyra ng bigla akong may mabunggo na babaeng mukhang inidoro, na may debris pa ng tae.

"Ano ba?! L*tche kang lechon ka!" Ang kapal naman ng mukha nitong babaeng inidoro na ito.

"Excuse me, mukhang inidorong nilalang. Ikaw itong paharang harang sa daan, tapos ako tong sisisihin mo?"

"Ang yabang nitong balyena na ito, sizzams!" Sabat naman nung mukhang toilet paper na babae, kasing puti na kasi ng tiolet paper yung mukha niya dahil sa kapal ng polbo di naman pantay sa leeg niyang mukhang uling.

"Huwag ka ngang sumabat sabat diyan toilet paper, at baka iflush kita kasama ng kaibigan mong mukhang inidoro." Ako na naiinis na talaga sobra. Hindi pamilyar ang mala espaltong mukha ng dalawang ito, kaya for sure galing mga to sa ibang planet. Planetang Rest room aba bagay talaga silang magkaibigan.

"Ang taba taba mo pero ang yabang yabang mo!" Sabi nung mukhang inidoro. Ang dami nang nanonood na chismoso at chismosa sa paligid namin.

"Siyempre kasi nga maganda ako? Eh ikaw, kayo ng kasama mo?" Tiningnan ko silang dalawa salit salitan.

"Ang taas naman ng confidence mo hippopotamus ka!" Yung mukhang toilet paper.

"Kasi nga totoo." With successful na tawa kong sabi.

"Ano nanaman bang ginagawa niyong kaguluhan dito, Bridgette at Laura?" Singit nung isang babae. Maganda siya infairness, malayo dun sa dalawang chaka.

"Janine! Ah.. eh.. mm.." Di sila makapagsalita. Ano yun, takot ba sila dun sa Janine. Eh mas katakot takot nga yung mga mukha nila eh.

"Sa susunod na gawin niyo pa ang ganitong eskandalo, wala ng warning warning!" Yung Janine, katakot siya.

Parang ma-autoridad na tao yung Janine, I think school mates niya ang mga chakang to at isa siya sa officers ng school nila.

"Miss, may ginawa ba sila sa'yo?" Nagulat ako ng bigla akong kausapin nung Janine.

"Wala yun, ayos lang naman ako." Naawa din naman ako kay inidoro, at toilet paper.

"Olive, nandito ka lang pala ang tagal mo." Dumating naman bigla si Lyra sa tabi ko.

"Janine?!!!" Gulat na gulat na hiyaw ni Lyra kay Janine.

"Lyra, kamusta!" Parang nagulat din na tanong ni Janine kay Lyra. So? Ako eto nganga sa gitna nila. Magkakilala pala tong dalawa.

--

Kasa-kasama na namin ni Lyra si Janine sa panonood ng mga events, mabait naman pala siya. Nalaman ko ding kababata pala ni Lyra itong si Janine noong nasa Bulacan pa nakatira sila Lyra. Lumipat naman dito si Janine dahil na rin sa trabaho ng daddy niya. Janine Lazo ang whole name niya.

"Hoy taba!" Hiyaw ng isang pamilyar na boses.

"Oh bakit?" Tanong ko kay Marcus na nakasuot ng lawn tennis uniform, tapos may hat pa siya. Ang gwapo naman nito kahit anong isuot.

"Hinanap talaga kita para mapanood mo kung gaano talaga ako kagaling." Gwapo nga mahangin naman.

"Kupal ka din eh, matalo ka sana para tingnan natin kung sinong magaling." Habang nakapamewang, ang yabang talaga niya.

"Basta manood ka nalang kasi, tara na." Hinawakan niya yung kamay ko sabay hatak sa akin papunta sa venue ng laro nila. Ano to bakit parang nakokuryente ako sa pagkakahawak niya ng kamay ko.

Hawak niya pa rin ako kahit maraming tao, alam mo ba yung parang nanay lang yung peg niya na hawak yung kamay ng anak niya sa crowd para di mawala.

"Umupo ka lang diyan para di naman mapagod yang mataba mong paa." Sabi niya sa akin sabay abot ng bag, bag niya ata to.

"Wag mo nga akong gawing yaya mo, na tiga hawak lang ng gamit mo!" Tapos naka pout lang na ewan.

"Hindi yaya ang tawag diyan, girlfriend!" Sabay kindat tapos tumakbo na siya papuntang Tennis court.

Ano ibig sabihin nung sinabi niya kanina? Girlfriend, Bakit parang ang bilis ng tibok ng puso ko. Eto ba yung feeling ng....

MAHEART ATTACK?!!! Goodbye Philippines Goodbye World.

O.A. much ko naman. Pero yung totoo pinagloloko ba ako nung pugita na yun? Sana wag naman niya akong paasahin tulad ng ginawa sa akin ng iba.

Ang galing naman niyang maglaro, sa totoo lang hindi naman talaga ako mahilig manood ng mga sports sports na yan. Nagbabasa nga lang ako ng Wattpad kanina, pero ngayon iba na. Parang sa bawat tira ni Marcus ng bola nasasayahan ako. Sa mga pagkakataong di natatamaan ng kalaban niya ang serve niya tumitili ako para icheer siya. Bakit ako ganito?

Natapos yung laro na walang kalaban laban yung opponent ni Marcus sakanya. Totoo ngang magaling siyang maglaro. Pero sana lawn tennis lang ang magaling niyang laruin at hindi pati damdamin ko.

Tinext ko na si Lyra na nasa lawn tennis court ako pero di niya ako pinuntahan dito. Ang good friend talaga.

Iniabot ko kay Marcus yung bag niya. Kinuha niya sa loob nun yung towel at tubig niya.

Matapos magpunas at uminon.

"Ano bilib kana ba?" Si Marcus na bilib na bilib sa sarili.

"Di na masama. Atsaka halata namang napaka amateur palang nung kalaban mo." Kunyare parang wala lang kung nanalo siya o hindi.

"Pero nanalo pa rin ako, ngayon ako naman ang itreat mo." Dinikit niya yung mukha niya sa akin na parang nangseseduce. Malapit na malapit yung mukha namin isat-isa. Naamoy ko na nga yung amoy perfume niyang pawis.

Sigurado akong mukha na akong sili ngayon sa sobrang pula ng mukha ko, ramdam ko na talaga yung init ng mukha ko ng bigla nalang siyang tumawa ng pagkalakas lakas.

"Hahaha, nakakatawa yang mukha mo Olive!" Siya na grabe kung tumawa.

"Nakakaasar ka talaga!" Hiyaw ko sa pagitan ng tawa niya.

"Joke lang eto naman, sorry na." Nakangiti niyang sabi.

"Ayaw, pupunta na ako kila Lyra bye." Ako na talagang na hurt sa tawa niya. Ano ba yan kala ko panaman totoo na.

"Sorry na, eto oh." Tapos may inabot siya sa aking box.

"Ano naman to?" Ano kayang laman nito, nakakain kaya?

"Buksan mo nalang kasi para malaman mo." Sabi niya na parang naeexcite.

"Earrings?!" Ako na nagulat. Maganda naman siya kaso talagang asiwa ako sa design, paano ba naman kasi baboy na may ribbon sa ulo yung design niya.

"Isuot mo yan, kung hindi lagot ka sa akin." Si Marcus na nakangiti pa din.

"KDot." Bakit niya ako binibigyan nito. Ano bang meaning nito friendship o higit pa? Asa naman ako kung higit pa. Pero ang alam ko lang masaya ako ngayong araw na ito dahil sa lalakeng to. Hindi ko maipaliwanag itong nararamdam ko...

Syet! Nagugutom nanaman ako.

--

a/n: patuloy lang po sana sa pagsubaybay,, ☺

I Love You More Than FoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon