Pagkatapos namin kumain ni Marcus, bumalik din kami agad sa bar. Baka kung ano pang isipin nung mga kasama namin kaya napagdesisyunan naming bumalik kaagad.
Akalain pa nila hinalay na ako nitong lalakeng to. Aba sa ganda at sexy ko ba namang to.
"Ang bilis niyo namang bumalik ni Marcus?" Bungad na tanong ni Lyra sa akin.
"Ano ding gusto mo next year pa kami bumalik?"
"Akala ko kasi inubos mo na lahat yung pagkain sa Maxs be." Sagot niya sabay tawa. Walang hiya tong babaeng to, akala ko ba kaibigan ko siya. Pero pagbigyan kasi minsan minsan lang kung humavey ang joke niya. At nakitawa rin sila Jay, Nick at pati ba naman si Marcus.
"Nice one Lyra." Si Marcus sabay tawa pa ng malakas.
"So funny!" With matching sarcastic na tawa ko. Pinagtutulungan ba ako ng tatlong to.
"Oh ano na, ihatid niyo na kami ni Lyra at nang makauwi na kami." Sabay irap sakanilang tatlo. Tiningnan ko yung phone ko mag fafive pm na pala baka hinahanap na ako sa bahay.
"Oo nga Jay, next time nalang ulit." Si Lyra at talagang nagpa cute pa kay Jay. Haliparot.
"Sige, kita nalang tayo sa school niyo bukas." Sagot naman ni Jay kay Lyra.
"Paano kayong magkikita, eh diba sa ibang university kayo nag-aaral maliban lang dito sa monkey na ito." abay nguso ko kay Marcus.
"Matapos kitang ilibre, panglalait pa ang igaganti mo sa akin?" Galit na tiningnan ako ni Marcus. Ahaha nakakatawa yung face niya pag galit.
"Jokolang kaw naman. Basta siguraduhin mo lang na may next time." Sabay kindat ko kay Marcus. LOL.
"Pwe! Walang ng susunod." Galit pa rin ba siya arte niya.
"Varsity kasi kami nila Nick, pati na rin yang si Marcus." Singit ni Jay at sagot na din sa tanong ko.
"Eh bakit lumipat ng school tong barkada niyo?" Sabay titig kay Marcus, medyo naiinis pa rin siya.
Tumingin si Jay kay Marcus na parang ewan. "Di ko rin alam eh." Si Jay.
"Sige na ihahatid na namin kayo, tara na girls." Sabat naman ni Nick pagkatapos lagukin yung one glass ng alak.
--
Nasa loob na kami ng sasakyan at kasalukuyan ng umaandar. Malaki siya, S.U.V. ata yung tawag sa ganitong sasakyan. Si Nick yung driver tapos katabi niya sa harap si Jay. Nasa kaliwa ko si Lyra samantalang sa kanan ko naman ay si Marcus sa likod kami naka-upo. Bwisit naman bakit katabi ko pa itong Marcus na ito.
Kasalukuyan ko siyang tinitingnan ng bigla nalang siyang mapalingon sa akin.
"Alam ko namang gwapo ako, pero please lang wag mo ako masyadong titigan." Biglang sabi ni Marcus sabay tingin ulit sa bintana.
Galit parin yung mukha niya kaya ko siya tinitingnan.
"Sorry na din, at saka thank you sa treat. Nabusog ako kahit papaano." S
Sabay kuha ng phone ko sa bag ko para itext sila mommy para di mag-alala kasi late na ako ng uwi.
"Ang dami mo ngang kinain nabusog kahit papaano? Ang tindi naman ng tiyan mo."
"Ganyan na talaga yan masanay kana." Singit naman nitong Lyra na to.
"Walang humihingi ng opinyon mo Lyra." Habang nagtetext pa rin sa phone ko.
"Fren, nagsasabi lang ako ng totoo para naman ready na yung budget ng barkada pag kasama ka." Si Lyr habang nilalaro naman ang phone niya.
"Barkada? Ok, maganda yan. Para sa susunod marami ng manglibre sa akin ng foods. Medyo bitin na rin kasi ako sa treat mo be." I-noff ko na yung phone ko at tiningnan si Lyra.
"Bitin ka pa ba dun sa 3 meals na order mo sa tuwing kakain tayo be?"
"Talaga?! Ibang klase talaga tong si Olive." Si Nick na kasalukuyang nag dadrive.
"Sinabi mo pa." Sabay na sabi naman nila Jay at Marcus. Tawanan overload yung maririnig mo sa sasakyan.
Mga bwisit tong mga to. Lagi nalang akong pinagtutulungan! Atleast marami-rami ring treat to! Ahahaha.
--
a/n: thank you po sa patuloy na pagsubaybay :)
BINABASA MO ANG
I Love You More Than Food
HumorTrip niyo bang magmahal? Ako slight lang. Nasaktan na kasi ako ONCE Naranasan ko na ring magmahal. Sabi nga nila 'di ba, Iba magmahal ang mga katulad KO. Masarap. Sagad. SOBRA sobra akong magmahal. BINIBIGAY ko ang LAHAT LAHAT You're my first. And...