Chapter 3

395 27 0
                                    

"Taba kailan ba ang prelim exam niyo? Bakit di ka pa nagrereview." Pambungad na bati ng kuya ko. Mambubwisit nanaman yan panigurado.

"Malayo pa naman, saka project ko tong ginagawa ko." Project naman daw para di na niya ako istorbohin sa pag-fefacebook ko.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko, mahilig talaga yang tumambay-tambay lang palibhasa may kataasan ang pwesto niya sa isang kompanya na pagmamay-ari ng isang malapit na kaibigan ng pamilya namin kaya ganyan. Saka tutal naman ay linggo ngayon.

"Lampake sa iyo. Meron ka bang bagong download na movies, papanood naman taba!" Hiyaw niya habang nakahilata sa bed ko.

Ang sweet talaga ng kapatid ko. Matthew "Matt" Celeste ang pinaka sweet, pinakamabait, pinakapogi kong kapatid. Eww.

"Wala, manood kanalang online. Diyan kanalang magcomputer sa desktop, tatapusin ko pa tong project ko." Ang sinungaling ko talaga ever.

"Facebook pa more!" Nasa tabi ko na pala si kuya Matt, nahuli ako. Ninja moves nanaman siya papalapit sa akin dito sa study table ko.

"I-chachat ko pa kasi yung mga kagroupmates ko, asa ka." Pagpapalusot ko.

--

"Bilisan mo pen, malelate ka nanaman niyan!" Hiyaw ng kuya ko sa akin. Siya kasi ang maghahatid sa'kin sa school ngayon, kaya feeling kung makapagtawag. Wala pa kasi si Manong Edmund, tagal ng bakasyon nun, siguro sinundan nanaman nila ng asawa niya yung bunso nila.

"Oo nandiyan na, sandali lang naman!" Hiyaw kong pabalik sa kanya.

"Huwag naman kayong maghiyawan, nakakabingi na kayo!" Si mommy kung makasaway pati naman siya nahiyaw din.

"Mommy allowance ko?" Paabot na kamay kong tanong kay mommy.

"Magtipid tipid ka naman Pen, huwag laging kain ng kain." Sabay abot ni mommy ng pera. Pen ang tawag nila sa akin madalas dito sa bahay, short for Penelope.

"Opo mom." May pagka-inis kong tugon kay mommy. Nakakaasar ano ba kasing gusto nila, semana santa ba para gutumin ko sarili ko? No way!

"Ang kupad mong kumilos palibhasa ang taba taba mo." Pagkapasok ko ng car niya.

"Atleast mas maganda naman ako sa girlfriend mo." Habang naglalagay ng press powder sa mukha. Pang tanggal oiliness lang naman, ayaw ko naman yung masyadong makapal na make up. Natural na kasi yung prettiness ko.

"Sexy naman, eh ikaw?" Sabay start niya ng engine.

"Mas madali namang magpapayat kaysa magparetoke ng mukha."

"Maganda naman si Faye ah." Girlfriend niya yung Faye.

"Pero mas maganda ako." Di na siya nakapalag, ibig lang sabihin niyan ako nanaman nanalo sa usapan.

--

"Mag taxi ka nalang pauwi may lakad pa ako mamaya."

"Diba sabi ni mommy sunduin mo ako, isusumbong kita kay mommy kuya."

"Anniversary namin ngayon ni Faye may lakad kami wag ka nang epal." Naiintindihan ko naman siya kahit hard sa akin yan minsan, loves ko pa din naman siya, saka hindi ako K.J. nuh.

"Ok, basta treat mo ako sa weekend dun sa favorite restaurant ko." Evil sister talaga ako.

"May conditions pa, sige na." Nandito na kami sa harap ng school.

"Sige bye, big bro." Pahabol kong sabi habang papalabas ng kotse niya.

"Bye, taba." Si kuya Matt talaga may pahabol pang pang-aasar.

I Love You More Than FoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon