Chapter 5

311 27 1
                                    

Flashback ng buhay ni Olive;

Second year highschool ako nang magsimula ang lahat. Ordinaryong studyante, nag-aaral ng mabuti, maraming kaibigan at higit sa lahat nagkaka-crush. Normal lang naman sa lahat ang magka crush lalo na at teenager kana.

"Kaninong bahay tayo gagawa ng project mamaya?" Si Lyra.

"Sa bahay niyo nalang Olive, tutal masarap namang magluto si tita Clara." Suhestiyon naman ni Natasha.

"Yan lang laman habol mo sa pagpunta sa bahay namin." Pabiro kong tugon kay sakanya.

Oo hindi kayo nagkakamali ng basa, si Natasha nga as in Natasha Ranido. Magkakaibigan kaming tatlo noon, nung hindi pa ako pinagtaksilan ng isa sa pinaka malapit kong kaibigan.

Magkakaklase na kasi kaming tatlo magmula elementary hanggang highschool.

Nang bigla nalang magbago ang pakikitungo sa akin ni Natasha.Actually sexy pa ako noon. Di tulad ngayon, na mas sumexy pa ako lalo.

"Ang taas ng grade natin dun sa project, sabi ko na nga lang ba may naitulong yung masarap na luto ng mommy mo Olive." Si Natasha habang naglalakad kami papuntang library.

"Ang takaw mo talaga Nat." Inirapan ni Lyra si Natasha.

"Sabi nga ni mommy ikaw daw ang avid fan ng luto niya." Sabi ko tapos tumawa na kami ng tumawa.

Kasalukuyan kaming nagtatawanan ng biglang dumating si Jake yung crush ni Natasha simula pa nung first year kami.

"Hi girls." Sabay smile niya sa amin. Halata naman kay Natasha ang sobrang kilig na nararamdaman niya.

"Hello." Pabalik naming bati kay Jake.

"Pwede ba kitang maka-usap Olive" Nahihiya niyang paalam sa amin.

"Sige, okay lang ba girls?" Tanong ko sa dalawa kong kaibigan, lalo na kay Nat.

"Oo naman." Sabay nilang tugon. Lumipat kami ng lugar para makapag-usap kami ni Jake in private.

"Anong sasabihin mo sa akin Jake?" Curious kong tanong sakanya. Luminga linga muna siya tapos parang naiirita.

"Ahmm... eh... ah..Olive, matagal na kitang crush! Pwede bang maging tayo!!!" Namumula pa yung cheeks niya nung sinabi niya yun.

"Ako? Bakit ako?" Tinuro turo ko pa yung sarili ko. Di ako makapaniwalang crush ako ni Jake, kasi sa totoo lang iba ang crush ko at yun ay ang classmate niyang si Chase.

Pero mas nagulat ako ng makita ko si Natasha sa malapit sa amin. Oh, no narinig kaya niya? sa tingin ko narinig nga niya.

"Ah.... Olive, iaabot ko lang sana tong phone mo kasi si tita Carla tumatawag." Si Natasha na mukhang awkward na sa amin ang paligid.

"Ganun ba." Kinuha ko yung phone na akma niya sanang ibibigay sa akin kanina. Sinagot ko yung call ni mommy na nagtagal lang ng 35 secs. At binaba ko na para malinawan ang lahat sa biglaang pangyayari.

"Olive, ano na?" Singit ni Jake na parang lutang sa sinabi niya kanina.

"Sorry Jake, pero may iba na kasi akong nagugustuhan."

"Olive, mauna na ako." Si Natasha na parang di na kinaya ang mga pangyayari.

"Natasha wait!" Hinabol ko siya at pinigilan. Nakita ko ang mga luha sa mata niya. Naaawa ako sa bestfriend ko.

"Sorry be, di ko naman alam na ikaw pala ang gusto ni Jake. Dapat kasi di ko nalang siya nagustuhan" Si Natasha, na pilit pinipigilan ang iyak.

"Ako dapat ang magsorry, hindi ko naman siya gusto. Bakit kasi ako pa, dapat ikaw ang niligawan nung Jake na yun eh. Tahan na be please." Pagtatahan ko kay Natasha.

Dumating si Lyra at kalaunan ay tumahan rin si Natasha. Napagdesisyunan namin na wag nalang pansinin ang mga nangyare.

--

Naging normal na ulit ang lahat. Pero akala ko lang pala yun.

Nanligaw din sa akin si Chase, na ikinatuwa ko naman. Si Chase kasi talaga ang gusto ko at hindi si Jake.

Mas lalo kong nagustuhan si Chase ng mga oras na nanliligaw siya sa akin. Mahigit three months na rin siyang nanliligaw nun at napag desisyunan ko nang sagutin siya sa nalalapit na susunod na buwan.

Pero nagulantang ako sa mga susunod na nangyare. Si Chase, ang mahal kong si Chase at si Natasha ang bestfriend ko, sila na..

Parang unti-unting nadurog ang puso ko ng makita ko silang magkasama. Kinagabihan pa nun ay may nakipag chat sa akin na kaschool mate ko at, at chinismis na nakita raw niyang magkasama si Chase at Natasha sa isang restaurant.

Hindi ako naniwala, di ko pinansin ang chismis na iyon. Pero ngayon, nakita na ng dalawa kong mata ang katotohanan. Katotohanan na pinagtaksilan ako ng mahal ko at lalo na ng kaibigan kong matalik.

Magkasama kami ni Lyra ng mga oras na nakita namin silang magkasama sa school. Nakayakap pa si Natasha sa bisig ni Chase at kapwa masayang tignan.

"Anong......" Pati si Lyra ay natameme sa nakikita.

Lumapit si Natasha sa akin nung oras na mapansin niya kami.

"Hi Olive, hindi mo ba kami ikocongratulate ng bago kong boyfriend?" Habang may malapad na ngiti sa kanyang mukha.

Galit, inis, pagkamunhi. Yan ang mga nararamdaman kong ng mga oras na iyon. Hindi ko napansin na unti-unti nang tuluyang pumatak ang mga luha ko sa mata, na kanina ko pa pilit pinipigilan.

"Masaya ka na ba Natasha?!" Ako na patuloy pa ring lumuluha.

"Oo naman, infact masayang masaya. Ngayon sabihin mo, alam mo na ba ang pakiramdam ng maagawan sa pag-ibig?" Nakangiti niya paring tugon.

"Akala ko kaibigan kita? Tinuring kitang matalik na kaibigan Natasha, paano mo nagawa sa akin ito?" Nanlalabo na ang paningin ko ng mga oras na iyon, dahil sa mga luhang patuloy paring lumalabas sa aking mga mata. Maraming nang nagkukumpulang tao sa paligid namin para makiusyoso.

"It's called revenge my dear, ito lang naman yung naramdaman ko nung ikaw ang pinili ni Jake, imbis na ako!" Sinigaw niya yan sa mukha kong puno na ng luha.

"My God Natasha ang kitid ng utak mo! Di mo ba naiintindihan na hindi ko naman hawak yung damdamin ng tao!" Hiyaw ko pabalik sakanya.

"So I think its a tie." Sabay tawa niya ng malakas.

Di na ako nakapagpigil at sinabunutan ko siya. Yun bang matanggal na yung anit at buhok niya sa ulo, pero pinigilan kami ng mga tao sa paligid at pinaghiwalay.

"Simula ngayon Natasha hindi na kita kaibigan." Sigaw ko sakanya.

"Bitawan niyo ako." Pagpupumiglas ko sa mga umawat sa amin.

Nang makawala ako ay naglakad ako papunta kay Chase.

"At ito naman ang para sa iyo." *PAK isang malutong na sampal ang natanggap niya sa mukha.

"Mga walanghiya kayo!!!"

"Tara na Olive, hindi nararapat sa mga taong yan ang oras mo." Si Lyra sabay hatak sa akin paalis sa mga nagkukumpulang mga estudyante.

Matapos ang pangyayaring yun ay pinatawag kami ng Guidance Councilor dahil sa nagawa namin. Nagkaroon din ng community service.

--

Simula nun nahilig ako sa pagkain, sobrang pagkain. Parang stress reliever ko na ang pagkain. Maraming nakapansin ng unti-unti kong pagtaba, pero sa tuwing kumakain ako sumasaya ako kaya hindi ko ito itinigil hanggang sa naachieve ko ang super sexy na ako ngayon. Hahahaha

Bakit nga ba bumalik sa isip ko itong flashback na ito.

---

a/n: alam na natin ang dahilan ng kasexihan ni Olive, hahaha

:)

I Love You More Than FoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon