Chapter 18

185 27 2
                                    

"Pen pupunta kami bukas ng Dad mo sa Canada. May urgent kaming gagawin roon. Bukas na ang alis namin, kaya magpakabehave ka. Kuya mo ang incharge dito sa bahay." si mommy sabay dig ulit ng plot.

"I'm not a kid anymore mom. Ang unfair naman lagi nalang si kuya. Hmmp!" Sabay subo ko ng chocolate cake. Nandito kami ngayon sa garden ni mommy, binibisita niya yung mga alaga niyang mga flowers. Samatalang ako naman nakaupo lang rito sa may pallet furniture namin sa garden habang kumakain.

"So kailan balik niyo ni dad, mommy?" Sanay naman na kami ng kuya ko na laging wala sila mommy. Lalo na't lagi silang nasa states dahil na rin sa business namin dun. Naiintindihan naman namin sila, kasi ginagawa lang naman nila yun for our futures, pero di mo rin naman maiiwasang malungkot na di mo sila laging nakakasama.

"Marami kasi kaming gagawin. So depende na rin kung matatapos namin yun agad. Pero don't worry dito pa rin kami sa Philippines magpapasko with you guys." Nakasmile na sabi ni mommy. Oo nga, sa susunod na buwan na nga pala, Christmas na.

"Sure niyo lang yan mom ah. Ayaw ko pa man din yung pangako na napapako." Naka pout kong tugon kay mommy. Agad naman siyang lumapit sa kinauupuan ko at niyakap ang ulo ko. Pero hindi yung full na yakap kasi nakagloves siya at madumi yun, so hug siya na sa bisig siya nakawrap. Basta.

"Sorry na baby, alam ko namang galit ka pa rin dahil last Christmas hindi kami nakauwi ng Dad mo, pero ngayon I assured you na dito kami magkiChristmas with you and kuya" Sabay kiss ng marami sa ulo ko. Ang sweet naman ng mommy ko kaya loves ko to eh, sobra kung maglambing.

"Promise yan ah?" Parang bata kong tanong sakanya.

"Promise." With pledge arm pa niyang promise.

"Ate, may tao po sa labas. Hinahanap raw po si Pen." Si ate Rita na kakarating lang.

"Pen may bisita ka ata, are you expecting someone?" Curious na tanong ni mommy sa akin.

"Wala naman mom. Ate sino daw po siya, tinanong niyo po ba yung name niya?" Tanong ko naman kay ate Rita. Tumayo na ako at naglakad, para harapin ang bisitang sinasabi ni ate.

"Oo, Marcus daw eh. Parang siya nga yung sumundo sa'yo last week." Nagulat ako ng banggitin niya ang name ni Marcus. Hindi ko ineexpect na pupuntahan niya ako dito sa bahay. Ano kayang pakay niya sa akin. Sa kabila ng pag-iwas niya sa akin sa school, pupuntahan nalang niya ako bigla dito sa bahay?!

Nasa sala na siya at nakaupo sa may sofa. Agad naman siyang tumayo ng mapansin ako.

"Anong kailangan mo at napadaan ka?" Bitter naman ng pagkakasabi ko.

"Kailangan agad, hindi ba pwedeng bumisita lang." Sagot naman niya at naupo ulit.

"Siguraduhin mo lang pagbisita yan at hindi pagbwisit-a." Pagbabanta ko naman sakanya.

"Hindi mo manlang ba ako aalukin ng makakain? Ang rude mo naman sa bisita mo. Ganyan ka ba
talaga?!" Ang yabang neto. Mas makapal pa ata sa spalto ng daan ang mukha nito eh.

"Tubig nawasa lang ang sineserve namin sa mga bisita namin dito. Gusto mo?" Tanong ko sakanya.

"Marcus! Ikaw pala itong bisita ni Olive." Tumingin si mommy ng matalim sa akin. "Tratuhin mo naman ng maayos ang bisita mo Pen. Anong gusto mong kainin ha Marcus, at ipaghahanda ka namin" Here we go again!

"Tea nalang po tita," tumingin siya sa akin "Pero gusto ko special, Olive can you make me a tea, Please." Pacute niyang hiling sa akin.

Nabaling rin ang tingin sa akin ni mommy at binigyan ako ng sige na look. "Pero ma. Nandiyan naman po sila manang at ate ah!" Nagmamaktol kong reklamo kay mommy, pero imbis na bigyan ng simpatya ay lalo niya pang tinulisan ang tingin sa akin at binigyan ng sige na isa! dalawa! tat... may bilang na ang look na yun, kaya delikado na kaya naman lumakad na ako papuntang kitchen, pero bago pa man ako lumayo ay tumingin muna ako sa mukha ni Marcus at tinapunan ito ng malupit na irap.

Gumawa nga ako ng tea at nagslice na rin ng chocolate cake na kasama nung kinain ko kanina. Lagyan ko kaya ng poison to, para mamatay na ang Marcus na yun! Whahaha! Joke hindi ako killer nuh?! Masyado akong maganda at lalo na sexy para maging killer lang!

Nagpresenta si manang Cora na tulungan ako, pero hindi nalang ako nagpatulong kasi kaya ko naman na. Uy, masipag ako ano. Pabalik na ako sa sala at nadatnan ko sila mommy at Marcus na nag-uusap, pero agad rin nila itong hininto nang makalapit na ako.

"Nak, maiwan ko na kayo ni Marcus para makapag-usap kayo." Tumayo na si mommy at naglakad na palayo. Ang weird ni mom ah, mostly kasi gusto niyang makisawsaw sa usapan ng iba but now? Hmm.

"Ano namang napag-usapan niyo ni mommy?" Sabay lapag ko ng tray ng meryenda at upo na rin sa kaharap niyang upuan.

"Wala ang chismosa mo naman." Si Marcus, sabay subo nang cake.

"Bakit ka ba kas--"

"Ehem, ehem." May papansing kunyaring umubo sa may gilid namin. Tumingin ako sa direksyon ng taong yun, at di nga ako nagkamali ang ugok kong kuya.

"Hindi mo manlang ba ako ipapakilala dito sa bisita mo?" Salubong na tanong ni kuya habang papalapit sa amin ni Marcus.

"Tsk, Marcus pangalan niyan. Sige, makakaalis kana." Pagpapaalis ko sa kapatid ko. Pero tumayo si Marcus at nagpakilala ng maayos.

"Marcus Godinez pare." May papare-pare pang nalalaman, FC talaga ever.

"Matthew, kapatid ni Olive." At nag manly hug silang dalawa bilang pagbati. Eww, naasiwa ako, parang Bromance naman itong dalawang to. Urgh!

"Par, ingatan mo yang kapatid ko, kahit na doble pa ang katawan niyan sa'yo kailangan pa rin niya ng knight in shining armor na poprotekta sakanya. Sige mauna na ako sainyo." Si kuya Matt na may pakindat kindat pa sa akin.

"Kuya!!!" Tumayo ako para upakan pa sana siya, pero hindi na niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad paakyat. Bwisit! Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi, epal talaga nun.

"Huwag mo nalang pansinin yun, lakas talaga mantrip ng kapatid ko" tumingin ako sa may gawi ni Marcus at nagulat ako ng sobrang lapit na niya sa akin. As in yung magkadikit na yung macho niyang katawan sa sexy kong body. LOL. Hindi ko napansing lumapit pala siya sa akin.

"A-aano?!" Nagulat talaga ako, kaya naman nasigawan ko siya.

"Ah- mauna na ako, kita nalang tayo sa school. Bye" Sabay... sabay.. smack ng halik sa cheeks ko!!! WhaaAaAAaah!

Napatulala lang ako, di ko rin namalayan na nakaalis na pala siya.

Hinawakan ko ang pisngi ko. Para saan yun?!!!

--


I Love You More Than FoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon