One week na rin ang nakalipas nang matapos ang sports festival dito sa school. Sa kasamaang palad lagi ko na ring nakikita ang mukha ni Marcus. Palagi niya nalang akong inaasar sa tuwing magkakasalubong ko siya o di kaya kapag sumasabay siya sa amin ni Lyra kumain. Bakit ba kasi nasakto pa na vacant niya rin pag vacant namin, busit. Pero atleast may taga libre naman ng foods, tapos nakikilala ko na rin siya kahit papaano Financial Management pala ang course niya malapit lang yung department nila sa amin kaya lagi niya akong natetsempohan, tapos aasarin to the max.
"Taba ang dami mo nanamang inorder, akin nalang tong burger." Kinuha ba naman ni Marcus bigla yung cheese burger ko sa tray.
"Sinabi ko bang pwede mong kunin yan. Akin na nga!" Pagpupumilit kong inagaw sakanya yung buger, pero mas lalo akong nainis nung kinagatan na niya ito.
"Sige sa'yo na rin." Inaabot ba naman niya sa akin yung nakagatan na niya, hindi ako kumakain ng leftovers no yuck! Tapos galing pa sa may rabies niyang mouth.
"Eww, sa'yong sayo na yan." Nakakaasar na talaga siya, lagi nalang niyang ginagawa yan sa tuwing sumasabay siya sa aming kumain. Maraming nagbubulungan sa paligid dahil ang ingay na namin, pero who cares basta naiirita na talaga ako kay Marcus.
"Ang ingay niyo, daig niyo pa yung magsyota kung makapagharutan, tsk." Ito namang Lyra na to kung makapagsabi na daig pa ang magsyota?
"Wow, hiyang-hiya naman yung dead skins namin sainyo ni Jay." Sila nga ni Jay ang mas daig pa ang magsyota kapag magkasama, siguro nagkakadevelopan na, lumalablife nanaman ang bestfriend ko.
"Hindi no! Wala yung tao dito dinadamay niyo pa." Namumulang pagdedeny ni Lyra, nakakatawa yung reaction niya. LOL.
"Deny pa more." Sabay naming sabi ni Marcus, nagkakasundo rin naman pala kami kahit minsan nitong unggoy na to eh. Nag apir kami sabay tingin ulit sa namumulang mukha ni Lyra.
"Restroom lang ako ah, nawiwiwi na kasi ako." Naiihi kong paalam sa kanilang dalawa, tapos tumakbo na ako papuntang pinaka malapit na restroom. Napadami ata ako ng pineapple juice kanina.
Nakaihi na ako at kasalukuyang naghuhugas ng kamay ng biglang may dumating na tatlong naglalakad na patay na kuko.
"Oh marunong rin palang mag restroom ang mga tababoy." Sabay tingin sa sexy body ko pataas pababa.
"Oo nga no, well-trained na baboy" Singit naman nung mukhang pwet.
"Ang galing naman ng trainor mo baboy." Singit pa nung isang parang dinikit na kamatis yung ilong.
"Eww, ang baboy much mo talaga!" Sigaw naman nilang tatlo ng pagbabasain ko sila ng tubig na kasalukuyang pinanghuhugas ko ng kamay.
"Ang dami niyong satsat. Umalis nga kayo sa daraanan ko." Pagpapaalis ko sa tatlong askal na ito.
"Eh kung sabihin ko sa'yong ayaw namin, pagkatapos mo kaming basain!" Ang baho ng bunganga nitong babaeng to, mas masahol pa dun sa posonegrang bukas dun sa likod ng university.
"Eww! Wag ka ngang utot ng utot diyan, itikom mo yang pwet mo! Ang baho na nga lang dito sa CR dinadagdagan mo pa yung pollution!" Tinakpan ko yung ilong ko ng mabuti tapos nag-act na parang nasusuka.
"Anong pinagsasabi mo diyan?" Tanong nung si kamatis.
"Yang bunganga kasi ng kasama mo akala ko pwet. Well, di nga ako nagkamali mukha na ngang pwet amoy pwet din." Pag-eexplain ko sa mukhang kamatis na ito.
"Ang yabang mo talaga Olive, mukha ka namang baboy!" Pagtatanggol naman nung isa pang babaeng mukhang pinutok na blackheads.
"Syet! Lahat pala kayo ambabaho ng mga hininga niyo. No wonder kaya naman pala naimmune na kayo sa isat-isa, mas madalas pa ata kayong magbirthday kaysa mag-brush!" Sabay lakad ko palayo, pero narinig ko pa silang nag-usap bago pa man ako makalayo.
"Mabaho ba talaga?"
"Oo, sabi ko kasi sa inyo magmouthwash na tayo eh."
"Sige sa susunod."
Sobrang tawa ko nang marinig ko sila. Laughtrip ako hanggang makabalik sa table namin. Nag-enjoy ako sa tatlong yun ah.
"Ano namang tinatawa-tawa mo diyan?" Tanong bigla ni Lyra ng makaupo na ako, kung alam lang nila siguradong tatawa din sila.
"Naitae mo na siguro sa CR yung katinuan mo nuh?" Pang-aasar nanaman ni Marcus tapos siya naman yung tumawa ng malakas.
"Ha ha ha ha." Sarcastic kong tawa.
--
Kasalukuyan ko nang tinetext si manong Edmund para magpasundo, nang biglang dumating si Marcus sakay ng CBR motorcycle niya.
"Hatid na kita taba." Pag-anyaya sa akin ni Marcus sabay revive ulit ng motor niya.
"Wag na nakakahiya naman sa mukha mong makapal." Sagot ko naman.
"Ang arte mo talaga kahit kailan, kung ayaw mo di wag mo." Tugon naman ni Marcus. Makulimlim na siguradong matatraffic pa si manong Edmund kung hihintayin ko pa, at baka maabutan pa ako nito ng ulan. Sus, ganoon din naman ata mangyayari pag sumakay pa ako dito sa motor ng Marcus na ito.
"Sige na nga lang, kailangan pagbigyan ko yung fans ko. Basta't huwag mong pagnasaan ang oh so sexy body ko. Binabalaan kita Marcus!" Sasakay na ako ng motor niya ng bigla siyang magsalita.
"Assuming yung taba mo. Ikaw nga tong may gusto sa akin." Sinabayan niya pa ng tawa, tapos nilean niya ng konti yung motorcycle niya para makaangkas ako. Di ko naman first time sumakay ng motor nuh, pero first time kong sumakay sa motor ng bago kong crush, ano ba yan nahawa na ata ako sa pagkahaliparot ni Lyra.
"Sige na at baka maabutan na tayo ng ulan. Go!" Tinapik ko yung balikat niya na animo'y parang pinapaandar na kabayo. LOL. Hindi ko narin itinuloy yung text ko kay manong Edmund, kundi nagtxt nalang ng may maghahatid sa akin pauwi.
"Siguro marami ka nang naiangkas na chicks dito nuh?" Pagtatanong ko kay Marcus habang kasalukuyang nagmamaneho ng motor.
"Ha? Pig palang naisakay ko dito." Siya tapos nakita ko sa sideview ng mukha niya yung smirk niya.
"Pilosopo tasyo." Ako.
"Bakit porket gwapo,chickboy na agad." Ang taas talaga ng tingin nitong lalake na to sa sarili niya, pero di ko naman siya masisi ang gwapo naman kasi niya talaga.
"Yaba..." Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko nang biglang umulan ng malakas.
"Okay ka lang ba diyan Olive? humawak ka ng mabuti at baka mahulog ka." Tinawag niya ba talaga ako sa pangalan ko, malinaw ko siyang narinig pero anyare sa taba at talagang concerned siya sa akin. Nakakakilig naman tong lalakeng to kakit ang moody masyado.
Kumapit nga ako ng mabuti at pinaandar niya ng mas mabilis yung motor.
"Dito kana?" Tanong sa akin ni Marcus ng ipahinto ko sa tapat ng aming bahay yung motor niya.
"Malapit lang rin kami dito, sa kabilang village lang." Tugon naman niya.
"Ah, sige mauna na ako, thank you pala sa paghatid." Sincere kong sabi sakanya, sabay ngiti. Oy di ako nagpapacute ah!
"Sige bye taba!" Ang bipolar talaga.
--
BINABASA MO ANG
I Love You More Than Food
HumorTrip niyo bang magmahal? Ako slight lang. Nasaktan na kasi ako ONCE Naranasan ko na ring magmahal. Sabi nga nila 'di ba, Iba magmahal ang mga katulad KO. Masarap. Sagad. SOBRA sobra akong magmahal. BINIBIGAY ko ang LAHAT LAHAT You're my first. And...