Masaya akong pumasok dahil may maganda akong ibabalita kay Lyra. Ang tagal ko din pinaghirapan 'to. Ang saya saya ko sa wakas ay may sarili na rin akong Mansion. Ang hirap palang gumawa ng mansion, nakakapagod, nakakangalay at pagtutuunan mo talaga ng pansin.
Mansion...
sa MINECRAFT ahahaha!
Iingitin ko si Lyra tungkol dito, kasi naman ang pangit nung kanya parang pinagcompare mo lang yung mukha ni Liza Soberano sa mukha ni aling Dionisia, napakalayo di'ba? Haha, so anong konek? Malapit na ako sa room namin ng masalubong ko si Lyra sa may corridor.
"Ui, see! see! see?!" Sobrang saya kong ipinakita sakanya ang smartphone ko. Agad naman niya 'tong kinuha sa kamay ko para makitang mabuti.
"Ang galing, paano mo 'to nagawa? Urgh!" Manghang mangha niyang tanong. Nakapasok na kami ng room at naupo na.
"Pinagpuyatan ko to kagabi nuh! Bleeh." Sabay belat sakanya.
"Ha? Kagabi? Hmmm... so it means 'di ka nakapagreview sa quiz natin? Hahaha." Nawala nalang bigla ang saya sa mukha ko nang marinig ko ang sinabi niya. Matapos suriin ang ginawa kong mansion, inilapag na niya yung phone ko sa may desk ng upuan ko.
"Ano?! May quiz ba tayo?" Gulat kong tanong sakanya. Parang gusto ko na tuloy tirisin yung malaking pimples ng kaklase namin na katabi ko lang dahil sa inis ko. Oo, naalala ko na, may quiz nga pala kami ngayon. Fishtea! Kasalanan itong lahat ni Marcus! Kasi naman eh, Hindi ako makatulog sa ginawang niyang hali--
Kyaaaaah! Oo nga nuh?! Mapapatay ko talaga ang ugok na yun pag nagkita kami. Nakawan ba naman ako ng halik!
Ayan tuloy nagpalipas ako ng gabi kakalaro ng Minecraft at ang malala pa niyan nawala rin sa isip kong may quiz nga pala kami ngayon! Ang hirap talaga maging maganda at sexy! Chos!
Pang FHM kasi yung body figure ko eh, stands for Feeling Hindi Mataba! Hahaha. LOL.
"Okay lang yan, papakopyahin mo naman ako diba? Sige na, pweety pwease." Pag-aamo ko sakanya para pagbigyan niya ako.
Tsk, lagot ako nito, wala talaga akong nareview. Okay lang atleast sexy pa din ako. Char.
"Ikaw talaga Olive, ano ba kasing naisipan mo at nagpuyat ka para sa minecraft na 'yan at talagang pati magreview nakalimutan mo na din." Sobrang tawa naman nito. Makapag last minute review na nga lang, habang wala pa yung Prof namin baka hindi ako makapagpigil at ipakain ko pa sa bestfriend kong ito yung hawak kong phone, tsk wag na sayang naman 'tong IPhone 6+ ko nuh! Bendable man ito sainyong paningin, mahal ko pa din 'to lalo na't mahal din ang presyo. Hihihi.
"Woah! Ang bait mo 'rin talagang kaibigan nuh? No tha--
Bigla nalang tumunog yung fire alarm ng department building namin dahilan para magsilabasan kaming lahat kaagad ng room papunta sa mas ligtas na lugar. Kakapasok lang lalabas nanaman agad at dahil sa may sunog pa ah.
"Guys! Don't panick remember the things we need to do during this kind of situations, calm." Yung isang miyembro ng student council namin na inoorganize ang kalagayan. Maayos ang naging paglikas namin dahil sanay na kami sa fire drill na nakaugalian nang practice ng school namin. Sunog? What the @%#*$# Ang swerte ko naman, siguradong hindi na tuloy ang quiz namin dahil sa sunog na naganap. Yes!
Ouch, Ang badgirl ko! Binatukan ako ng konsensiya ko, nagsasaya pa ako sa kalagayan namin ngayon paano kung may napahamak na palang iba dahil sa sunog, tapos ako masaya dahil hindi na tuloy ang quiz namin ang babaw ng rason ko at dapat hindi ako magdiwang na nasusunog na pala ang paaralan namin.
BINABASA MO ANG
I Love You More Than Food
HumorTrip niyo bang magmahal? Ako slight lang. Nasaktan na kasi ako ONCE Naranasan ko na ring magmahal. Sabi nga nila 'di ba, Iba magmahal ang mga katulad KO. Masarap. Sagad. SOBRA sobra akong magmahal. BINIBIGAY ko ang LAHAT LAHAT You're my first. And...